GERALD SANTOS: ISANG PAGBABALIK-TANAW…


gerald: isang pagbabalik-tanaw
gerald: isang pagbabalik-tanaw

Minsan, may mga bagay-bagay na talagang sadyang mahiwaga. Mga bagay na umaalinsunod sa mapagbirong talsik ng alon sa baybay-dagat… O, ng mga dahong tinatangay lamang ng mga hampas ng hangin…

Nakita ko noon ang isang batang-bata pa na singer, ang pangalan niya ay Gerald Santos. Katatapos pa lamang noon ng stageplay niyang “Sino Ka Ba, Jose Rizal” sa Meralco Theater. Isang dulang nagmula sa Gantimpala Theater Foundation. Hayun si Rald (Gerald), bumababa mula sa hagdanan ng teatro upang lumapit sa mga media people at mga fans. Nakangiti siya. Mapupula ang mga pisngi. At mukhang anghel sa aming paningin.

Kasama namin noon ang magandang aktres sa teatro na si Ms. Christine Joy Mangahis. At ito ang nagpakilala sa amin kay Rald.

“Gerald, siya si Robert Silverio, ang beteranong writer na blogger na rin ngayon”, buong kasiyahang nasambit pa ni Christine kay Rald. “Inimbita ko siya dito sa dula natin. Nais ka niyang makilala.”

Isang napakagandang ngiti ang ipinukol ni Rald sa blogger. Kinamayan niya ito ng mahigpit, sabay sabing: “Salamat po sa pagpunta at sa panonood sa dula namin. Natutuwa po ako’t nadito ka ngayon. Kumusta po?”, anya pa.

Ang oras ay tila tumigil nu’ng mga sandaling iyon. Parang ang lahat ay nanatili lamang sa kani-kanilang mga kinalalagyan. At ang blogger na kausap ni Rald, tila nawala sa panahon at sa kasalukuyan…..

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging kaibigan ng blogger na iyon si Rald, kasama ang mabait nitong manager na si Mr. Cocoy Ramilo. Nakapanayam niya ito ng matagal sa isang steakhouse sa may Timog Avenue. At doon na nga tunay na nag-umpisa ang isang matibay na friendship sa singer na aktor na rin ngayon.

Ilang major concerts ang lumipas sa loob ng tatlong taon na friendship namin kay Rald. Pero sadyang ang guhit ng tadhana na nililikha ng mga kamay ng Nasa Itaas ay kakaiba. Isang Santo, isang Pilipinong Santo ang nakalaan na gampanan ni Rald. Hindi lang isang beses, kundi dalawang beses – sa dalawang magkaibang dula at dalawang magkaibang theater groups. At doon, nakita namin ang tunay na dahilan kung bakit. Tila ata kaya namin naging kaibigan si Rald ay dahil na rin kay San Pedro na madalas na naming napapanaginipan mula pa nuong bata pa kami….

At ngayon, mas lumalawak pa ang ibayong partisipasyon ni Rald sa larangan ng Sining. Pagkatapos ng maraming concerts at theater performances- nakita ni Rald ang tunay na magpapasaya sa kanya. ANG PAG-ARTE.

Oo, mismong inamin ni Rald sa amin na mas sumasaya siya ngayon sa pag-arte sa harap ng kamera. Magmula nu’ng gawin niya ang indie film na “Memory Channel” (mula sa direksyon ni Rayn brizuela at isasali sa New Wave Category ng darating na Metro Manila Film fest), natuklasan ni Rald ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao. Ang pagiging isang AKTOR.

Abangan si Gerald Santos sa bagong mundong gagalawan na niya. At tiyak niyan, mas lalong darami ang hahanga sa pagiging aktor niya. Ngayon pa lang, may kasunod na ang proyekto niya sa pag-arte. Siya rin ang napiling gumanap bilang Emilio Jacinto, ang ating Pilipinong bayani sa panahon ng Katipunan, sa isang documentary film. Natapos na rin ni Rald ang shooting sa pelikulang ito. At lubos niyang pinabilib ang kanyang direktor sa pelikulang ito.

SI GERALD SANTOS, ISANG PAGBABALIK TANAW….

NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.

 

(at ang mga salitang ito ay nalikha ni robert manuguid silverio, kasama ang isang kaibigang nagngangalang PEDRO).*

“Patawarin mo ako, Pedro, sa aking mga naging kasalanan sa iyo.”—*

gerald sa SAN PEDRO CALUNGSOD
gerald sa SAN PEDRO CALUNGSOD
gerald and blogger sssip
gerald and blogger sssip

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s