lance raymundo in “tulay ng san sebastian”… (now filming!)


LANCE: NEW FILM
LANCE: NEW FILM

Bukod sa pagiging abala sa kanyang mga aktibidades ngayon sa pagtakbo bilang isang Konsehal sa District 2 ng San Juan, hindi pa rin nawawalan ng mga bagong movie projects ang mabait at guwapong aktor/singer na si Lance Raymundo. Kamakailan lamang, dumayo pa siya sa isang remote provincial outback para mag-shoot sa bagong action movie niya na tila hawig sa mga action films ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. Titulo pa lamang ng pelikula, FPJ na FPJ na ang dating. At korek ka, napasabak na naman ang ating idolo sa mga action stunts sa first shooting day pa lamang niya sa pelikulang TULAY NG SAN SEBASTIAN.

Napakagandang title naman nito para sa isang pelikula— ‘Tulay Ng San Sebastian’. Very catchy and intriguing, di ba naman? Sa mga piktyurs sa ibaba, makikita natin si Lance na madungis at puno ng putik at tambak ng lupa ang kasuotan. Tila ata napasabak siya sa matitinding mga barilan, gulungan at suntukan!

“I can not reveal yet my role in this movie”, wika ni Lance sa kaibigan niyang blogger over chocolate cakes, pastries and coffee grande sa Starbucks. “All I can say is, it’s one great new action film of mine. I miss doing this. It’s been a long time na nag-action ako sa isang movie. At masaya ako sa mga kasama ko sa pelikulang ito.”

Included sa cast ng movie na ito ay ang magagaling at super-guwapong mga aktor din na tulad ni Lance na sina Joem Bascon at Sandino Martin. At maski na magkanda-dungis-dungis sila, naku po, kay guguwapo pa rin. Hahaha.

“This is one good break for me sa mga naging hectic skeds ko on running as Councilor in San Juan”, sabi pa uli ni Lance. “Para na rin akong nag-sports o nag-gym at nag-out-of-town. I am glad that I can make my time so worthwhile and efficient.”

Look na lang po kayo sa mga pictures, taken during the shoot of TULAY NG SAN SEBASTIAN. We grabbed the pictures at Lance Raymundo’s Facebook Page.

(words by robert manuguid silverio)

lance with joem bascon and sandino martin
lance with joem bascon and sandino martin
lance with fellow actors and actress sue prado
lance with fellow actors and actress sue prado
super-emote pose nina lance, sandino at joem
super-emote pose nina lance, sandino at joem

TULAY3

the boys of "TULAY NG SAN SEBASTIAN"
the boys of “TULAY NG SAN SEBASTIAN”
LANCE WITH THE SUPPORTING CAST PLAYERS OF "TULAY NG SAN SEBASTIAN"
LANCE WITH THE SUPPORTING CAST PLAYERS OF “TULAY NG SAN SEBASTIAN”

tulay8 tulay9 tulay10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s