lance raymundo visits barangay kabayanan, san juan!


LANCE WITH SOME RESIDENTS OF BARANGAY KABAYANAN IN SAN JUAN WHO EVEN COOKED MERIENDA FOR HIM...
LANCE WITH SOME RESIDENTS OF BARANGAY KABAYANAN IN SAN JUAN WHO EVEN COOKED MERIENDA FOR HIM…

lance2 lance3 lance4

Sobrang mabait na tao talaga itong si Lance Raymundo. Natural na sa kanya iyan maski noon pang artista at singer pa lamang siya at wala pang plano noon na tumakbo bilang Konsehal sa San Juan. Marami na kaming naririnig na magagandang bagay at gawain na naipakita na ni Lance sa mga tao at sa mga kapwa niya artista. Lalo na sa mga bit players na naaapi sa mga shootings, Lance goes out of his way to be of help to them. Noon pa namin naririnig iyan.

Kaya minsan, nangako na rin si Lance na bibisita siya sa dating movie reporter ng Kislap magazine na si Joseph Yap, na ang tirahan ay sakop ng District 2 ng San Juan, malapit o halos katabi halos ng gusali ng pamosong hairdresser na si Ricky Reyes. Hinihintay na si Lance doon ng mga tenants ni Joseph Yap at mga kapitbahay nito na naninirahan sa paligid ng lugar nila. Kapag bumibisita doon ang blogger na ito (ako po, si SSSIP*), tinatanong nila kung kailan daw ba bibisita sa kanila ni Lance. This blogger assured to them that Lance keeps his promises. Basta sosorpresahin na lang sila doon ni Lance. That, we assured them.

EX-MOVIE REPORTER JOSEPH YAP WHO RESIDES IN SAN JUAN, DURING HIS YOUNGER YEARS, FOURTH ON THE PHOTO IS YOUNG BLOGGER SSSIP IN MOUSTACHE, WITH OTHER MALE FRIENDS DURING A DRINKING PARTY NOT SO MANY YEARS AGO? HEHEHE...
EX-MOVIE REPORTER JOSEPH YAP (THE CHINITO GUY, THIRD FROM LEFT) WHO RESIDES IN SAN JUAN, DURING HIS YOUNGER YEARS, FOURTH ON THE PHOTO IS YOUNG BLOGGER SSSIP IN MOUSTACHE, WITH OTHER MALE FRIENDS DURING A DRINKING PARTY NOT SO MANY YEARS AGO? HEHEHE…

Si Joseph Yap ay nagkaroon ng heart attack kaya nangayayat ito at ang tingin tuloy sa kanya ng iba ay nag-adik-adik na siya. Pero hindi naman. He had to maintain his slim weight dahil diabetic din siya at takot nang muli pang magkaroon ng isa pang heart attack. Humihingi siya ng kaunting tulong sa mga taga-showbiz. Dati rin siyang talent coordinator sa dating morning TV show ni Kuya German Moreno na Daigdig Ng Mga Artista, at kaibigan niyang matalik si Rey Pumaloy na kasabayan niyang pumasok sa pagsusulat sa showbiz. Nai-book na rin ni Joseph sa ilang out-of-town shows ang kuya ni Lance na si Rannie Raymundo. Kaya naman tuwang-tuwa siya na mismong sa Distrito pa niya sa San Juan tumatakbo ang iniidolo niyang singer-actor noon pa man.

Anyway, below are some real photos sa isang pagbisita ni Lance sa isang Barangay sa San Juan- sa Barangay Kabayanan. Nasa ibaba ang naging FB Post ni Lance sa ginawa niyang pagbisita roon:

“Nice afternoon in Brgy. Kabayanan, San Juan! I’d like to thank May Lagajino and Family for being very kind and accommodating. I’d also like to thank the Go Family for inviting me to their Merienda Celebration after their daughter, Monica Venice received the Sacrament of Confirmation along with over 100 kids at their Parish this afternoon!”- (from Lance Raymundo’s FB Post).

Alam ng mga taga-District 2 ng San Juan na tunay na mabait na tao si Lance at kikilos ito para makasuporta sa kanila sa pagtatrabaho at pagsisikap sa sarili nilang pamamaraan. Inspirasyon na nila ngayon si Lance.

Lance, go, go, go! Marami ang nagmamahal sa iyo sa San Juan!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

go, go, go lance!
go, go, go lance!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s