my acting workshop teaching job at conde center for performing arts and talent agency, together with director deck ignacio…


Isang araw ng Linggo iyon, Nobyembre a-kinse, taong 2015. Isang maaliwalas na umaga sa napakagandang bayan ng Angono, Rizal- ang ART CAPITAL ng Pilipinas. Sa paanyaya ng kaibigan naming si direk Deck Manalo Ignacio, naimbitahan ang inyong lingkod- si Blogger SSSIP na magturo ng Acting Workshop sa walong estudyante (pitong young girls and one handsome young boy) nung araw na iyon sa Conde Center for Performing Arts. 

Tunay namang kay gagaling ng mga naging estudyante namin sa araw na iyon. Sila ay sina Suzanne Ordonio ( na napakagaling sa self-expression exercise na ibinigay namin), Jessica Sulayao, Anna Maria Tan, Stiffany Aguilar, Ericka Francisco, Diorella Villanueva, Guia Mariano and Mr. Kristoffer Ta-ay. Sila din ang Batch 2 ng mga naging estudyante sa Conde Performing Arts sa kursong Basic Acting for Television and Films.

Naku naman, napakabilis ng pick-up ng mga estudyanteng ito sa bawat instructions na binibigay namin, nakukuha agad nila. Hindi sila mahirap turuan. At pinabilib nilang lahat si Blogger SSSIP (ako) sa drama exercises na ibinigay namin on our ‘workshop sylabus’ sa SELF-EXPRESSION exercises namin. Lalo na doon sa isang drama exercise wherein they had to totally internalize on a certain object na naiwan sa isang silya at mag-emote sa pagkawala ng nagma-may-ari sa object na iyon. Nagulat si Blogger SSSIP dahil nag-iyakan talaga silang lahat sa exercise na iyon at very “cinematic” ang mga naging luha o tears ng mga estudyanteng babae sa workshop.

Napag-alaman namin na kaya pala ganito na kagagaling ang mga estudyanteng ito ay dahil naka-walong series of acting workshop schedules na sila kay Master Deck Ignacio, na siyang nama-may-ari ng Conde Performing Arts. Kaya naman pala. This is one great proof na magaling magturo ng Acting si Master Deck na naging direktor na sa mga teleseryes sa channel 2 (assistant director po siya dati sa ilang drama teleseryes sa channel 2).

Anyway, we wish all the students of Conde Performing Arts more luck and more power. Marating sana nila ang mga pangarap nilang magkjaroon ng pangalan sa mundo ng pag-arte at pag-aartista. This blogger can attest na may mga talento talaga ang mga batang ito. Hindi kami mapapahiya kung irerekomenda man namin sila sa mga indie o mainstream film directors. Nai-suggest nga ni Blogger SSSIP na ipa-audition sila sa darating Cinemalaya 2016 Film Festival sa Cultural Center of the Philippines para mapasali sa mga line-up of new films na gagawin sa festival na iyon sa buwan ng February, pero we think, sa January na gagawin ang acting auditions.

Mabuhay ang Conde Center for Performing Arts and Talent Agency!

 

(words by robert manuguid silverio) PHOTOS BY: MR. DECK MANALO IGNACIO

blogger sssip in a wacky shot, together with the acting workshop students of conde performing arts
blogger sssip in a wacky shot, together with the acting workshop students of conde performing arts.
deck's baby boy
deck’s baby boy

deck5 deck6 deck8 deck9 deck10 deck11 deck12 deck15 deck16 deck4

mr. deck ignacio, owner of conde performing arts, with his wife and baby boy
mr. deck ignacio, owner of conde performing arts, with his wife and baby boy
this blogger with conde performing arts school logo
this blogger with conde performing arts school logo

deck3rs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s