isang umaga, pinasaya at inakap ni lance raymundo ang mga cancer kids ng tahan-tahanan halfway home, kasama sina alex vincent medina at miss rita avila!


MINSAN LANG PO SILANG MABUBUHAY. AT MAIKLI NA LANG PO SIGURO ANG ORAS NA ILALAGI SA MUNDO NG ILAN SA MGA BATANG ITO… ISANG MILAGRO NA LANG MULA SA DIYOS SA ITAAS ANG HINIHINTAY NILA SA TULUYANG PAGGALING. AT SA TULONG NG MGA DOKTOR, STAFF, NURSES AT VOLUNTEER WORKERS NG TAHAN-TAHANAN HALFWAY HOME NA LOCATED SA BASEMENT NG EAST AVENUE MEDICAL HOSPITAL SA QUEZON CITY, MARAHIL DIN AY MAGTATAGAL PA ANG ORAS NILA UPANG MANATILI SA MUNDONG ITO.

AT SA MGA ORAS NA IYON, PASAYAHIN NAMAN PO NATIN SILA. IBIGAY SA KANILA ANG ATING MGA YAKAP AT HALIK, LALONG-LALO NA ANG IBAYONG PANSIN AT PANGANGALAGA. PASAYAHIN PO NATIN SILA.

NUONG NAGDAANG OKTUBRE 23, GANAP NA ALAS-DIYES NG UMAGA, PINASYALAN SILA NG PAMOSONG AKTOR AT SINGER NA TUMATAKBO NA NGAYON BILANG KONSEHAL NG SAN JUAN, UPANG MAG-ALAY SA KANILA NG PAGMAMAHAL. PINASAYA NI LANCE ANG MGA CANCER KIDS NG TAHAN-TAHANAN HALFWAY HOME NUONG TANGHALI NA IYON.

MAKIKITA NAMAN PO NINYO SA MGA LITRATO AT SA VIDEO SA IBABA ANG IBAYONG PAGKANTA NA GINAWA NI LANCE PARA SA MGA CANCER KIDS NA ITO. TUNAY NA NAKAKA-TOUCH NG PUSO, DI BA? ISANG TUNAY NA PUBLIC SERVANT SI LANCE.

NAROON DIN NUONG UMAGA NA IYON ANG AKTOR NA SI ALEX VINCENT MEDINA (NA MADALAS NAMING MAKITA SA MGA CHARITY EVENTS NG TAHAN-TAHANAN DAHIL ADVOCACY NIYA ANG TUMULONG DIN SA MGA CANCER KIDS), AT ANG AKTRES AT BOOK AUTHOR NA SI MS. RITA AVILA (NA SUMUSULAT NG MGA CHILDREN’S STORIES SA MGA AKLAT NA PINA-PUBLISH NIYA).

MAY MGA BEAUTY QUEENS DIN NA NAGSIDALO. AT SA TULONG NG P.R. PERSON NG TAHAN-TAHANAN NA WALANG IBA KUNDI SI MR. OGIE MEDINA, MATIWASAY NA NAIRAOS ANG ISANG CHARITY EVENT NUNG UMAGA NA IYON. NAG-ALAY NG MGA REGALO ANG MGA ARTISTANG NAGSIDALO DOON.

KAILANGAN PA PO NG TULONG NG MGA CANCER KIDS NA ITO PARA SA KANILANG MGA GAMOT AT IBA PANG PANGANGAILANGAN. TULUNGAN PO NATIN SILA HABANG NARIRITO PA SILA.

SA PARAISO, MAKAKAMTAN NILA ANG WALANG-HANGGANG KASIYAHAN NA NUON PA NILA INAASAM.

SALAMAT SA TAHAN-TAHANAN SA PAGTULONG SA KANILA.

 

(words by robert manuguid silverio, WITH PHOTOS COURTESY OF: MR. ROGELIO BUNYE MEDINA AND LANCE RAYMUNDO).

lance lance with the cncer kids and guests at tahan-tahanan halfway home.lance2 lance3 ;ance raymundo with the cancer kids.lance4 alex vincent medina with a mom of a cancer kidlance5 children books author and actress ms. rita avila entertains the cancer kids, toolance6 lance7 lance8 lance9 lance10 lance11 lance12 lance13 lance14 lance15 lance16

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s