derick gernale writes a very special song and his co-‘freshmen’ sings… “bumalik ka na”!


Napaka-talented na bagets nitong si Derick Gernale. Dahil bukod sa pagiging isa sa mga singers ng boy singing group na Freshmen, isa rin siyang magaling na dancer, writer, lyricist and composer. Plano rin niyang magsulat someday ng isang movie script at makapag-direk ng isang pelikula. A true artist at that, Mr. Derick Gernale.

Anyway, nang minsang mapakinggan at mapanood ng isang blogger ang latest MTV ng Freshmen para sa unang-una nilang single for Ivory Records na “Bumalik Ka Na”, talagang na-impress siya sa napakagagandang boses ng Freshmen sa song na iyon. Napakagaling ng blending ng mga boses nilang lima at in “unison” talaga. Halos tangayin  sa ulap ang isang blogger sa napakagandang melody at lyrics ng kanta nila.

Hinuhulaan ng blogger na papatok ng husto ang kantang “Bumalik Ka Na”. Kasi, maski ulit-ulitin mong pakinggan ang kanta ay hindi ka magsasawa talaga. Ang ganda-ganda.

Recently pala, nagkaroon ng major accomplishment ang Freshmen. Sila ang napili ng UNESCO para maging Youth Ambassadors of Goodwill sa buong mundo. It only means, nagmarka talaga sa lahat ang pagtulong ng Freshmen sa mga Yolanda typhoon victims nu’ng maka-ilang beses silang nag-benefit concert sa Tacloban City. Isang kahanga-hangang accomplishment ito para sa limang miyembro ng Freshmen na sina Derick, Levy Montilla, Thirdy Casas, Patrick Abeleda at Sam Ayson.

“Habang tumatagal po ay lalong tumitibay ang aming samahan”, huling sambit ni Derick para sa isang blogger. “Para talagang tunay na magkakapatid na ang aming turingan. Alam ko po, malayong-malayo pa ang aming lalakbayin, at handa kaming lahat sa anumang mangyari. Basta ang mahalaga po, makapag-alay kami ng kasiyahan para sa lahat.”

 

(words by robert manuguid silverio)

FM8

DERICK GERNALE OF FRESHMEN
DERICK GERNALE OF FRESHMEN

FM7

FM FM2 FM5 FM3

THE FRESHMEN WITH THEIR MANAGER BOB NAZ, CO-MANAGER ARTHY AC AND DERICK'S MOM REMEDIOS
THE FRESHMEN WITH THEIR MANAGER BOB NAZ, CO-MANAGER ARTHY AC AND DERICK’S MOM REMEDIOS.

 

 

 

2 thoughts on “derick gernale writes a very special song and his co-‘freshmen’ sings… “bumalik ka na”!

  1. OMG..!! ,I’m so so Proud of you Guyths. .dtALaga ako nagkamaLi ng iniidoLo… ,Grabe..!! ,aNg gaGaLing niyo tALaga at super tALented pa.. ,so nakaka inspired po at nakakainLove…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s