PINAKAMALAKING HAMON SA KARERA NI MICHAEL PANGILINAN, PADATING NA!!!


michael: an "IN-DEPTH" start.
michael: an “IN-DEPTH” start.

Nakatakdang umalis si Michael Pangilinan, kasama ang butihin niyang manager na si Jobert Sucaldito papuntang Singapore kung saan ay nakatakdang mag-perform si Michael sa isang sosyal na theater venue doon para awitin ang theme song ng pelikulang “It Might Be You” ng Star Cinema.

Personal daw kasing ni-request ng mga taga-Singapore na umawit doon sa premiere night showing ng pelikulang “It Might Be You” na kung saan ay si Michael nga ang umawit ng theme song ng pelikula. Bale one day lang roon si Michael, at babalik agad sila ng Maynila after singing in the prestigious theater venue sa Singapore. Mauna doon, manggagaling sa Cebu sina Michael at Jobert, kaya right after ng stint nila sa Cebu, deretso na sa NAIA airport sina Michael at Jobert to fly to Singapore.

Tunay namang paganda ng p[aganda ang karera ng singer na si Michael ngayon. Very proud din sa kanya ang mga creative artists, co-stars and staff ng play na “Kanser@35, The Musical” dahil nominated si Michael sa Aliw Awards bilang Best Actor in a musical play. One major achievement ito kay Michael dahil sa unang musical play pa lamang niya, nominated na agad siya. We bet our own ass na mananalo si Michael sa Aliw Awards dahil napaka-raw and delicate ng performance na ipinakita niya sa “Kanser@35, The Musical” bilang Crisostomo Ibarra. Binigyan niya ng kakaibang dimensyon ang karakter na Ibarra! Kaya hanga kami sa kanya.

Pero abangan ang nalalapit nang PINAKAMALAKING HAMON sa karera ni Michael! Walang iba kundi ang mismong Artistic Director ng Gantimpala Theater Foundation na si direk Joel Lamangan ang mismong pumili kay Michael upang gumanap sa pina-sentrong karakter sa isang klasikong pelikula ni Lino Brocka na ire-revive ng GTF bilang isang musical play this time!

Sa pakiusap sa amin ni direk Franniel Zamora, hindi pa puwedeng i-reveal ang proyektong iyon dahil baka ma-“pre-empt”. Basta ang clue namin, isa itong classic film ni Lino Brocka na first time na ita-transform this time into a musical play, at POP MUSICAL genre ang magiging kinalabasan ng dula. Kaya bagay na bagay kay Michael!

“Hindi ko po inaasahan ang lahat ng ito”, nawika ni Michael sa isang malapit na blogger sa puso niya. “Grabe naman po ang mga breaks na dumarating sa akin, hindi po ako makapaniwala talaga. Hindi ko rin alam na ganu’n ako magiging kasaya sa paggawa ng mga dula, I mean, sa pag-arte sa mga dula. Gusto ko nga, may performance na ule kami. At next year daw po, ihahanda na nila iyong next play ko sa Gantimpala na ididirek ni Joel Lamangan. Suspense po muna kung ano ang dulang iyon.”

Isa rin si Michael sa biggest contenders sa TV show na “Your Face Sounds Familiar”. Marami ang naaliw sa kanya nu’ng gayahin niya ang singer na si Jay-R. Kuhang-kuha niya. 

Isang tapik sa balikat mo, Michael!! Go, go, go!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

micahel pngilinan: the most delicate Crisostomo Ibarra
micahel pngilinan: the most delicate Crisostomo Ibarra
michael: boyish charms, serious roles
michael: boyish charms, serious roles

michael MICHAEL2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s