jobert sucaldito through the years…


JOBERT: A TRUE FRIEND
JOBERT: A TRUE FRIEND
JOBERT WITH SON CARLO
JOBERT WITH SON CARLO

JS3 JS4 JS6 JS9

MULA SA FACEBOOK STATUS NI ROBERT MANUGUID SILVERIO NU’NG NAGDAANG LINGGO:

“isang taong tunay na pinagkakautangan ko ng loob ay walang iba kundi siSucaldito Jobert. looking back at my showbiz career, malaking susi si jobert kung bakit ako nag-survive. ang tindi ng suportang ibinigay sa akin ni jobert, na maski inaaway ko siya kung minsan, lagi niya akong inuunawa. si jobert ang naging dahilan kung bakit ko naging kaibigan si Mimilanie Laurel Marquez nu’ng dekada 1990’s, na peak ng writing career ko. si jobert din ang una kong nakasama nuong panahon ng yumaong si inday badiday dahil naging ka-eksena ko ang isang alaga niya sa “true confessions ng mga bituin” – isang tv show na produced ni inday badiday at naging artista ako sa isang episode ng programang iyon. si jobert din ang dahilan kung bakit ako naging malapit sa tv host na si Boy Abunda. oo, napakalaki ng partisipasyon ni jobert sa istorya ng buhay ko- at isa siya sa mga taong higit na nakakakilala sa akin.
gustong-gusto ko ang ugali ni jobert na prangka, totoo at straight-forward. matapang man ang panlabas niyang pagkatao, pero napakalambot ng puso niya para sa mga kaibigan niya.
jobert, salamat sa lahat ng mga suportang naibigay mo sa akin. kaya naman nangangako ako na susuportahan ko ang career ngayon ng alaga mong si Michael Pangilinan. Naririto ako para sa inyo.
madrama man ang landas na tinahak natin, alam ko namang hindi magbabago ang damdamin mo para sa akin. at ako na siguro ang taong naging napakasaya dahil sa tagumpay mo ngayon sa career mo, jobert. dahil pinahalagaan mo ako.
luv you, jobert!”

“THROUGH THE YEARS WITH JOBERT SUCALDITO, A LIFETIME OF FRIENDSHIP, KINDNESS AND TRUTHFULNESS. AND IT ONLY BEGINS NOW.”— SSSIP.*

JOBERT WITH MICHAEL PANGILINAN
JOBERT WITH MICHAEL PANGILINAN
JOBERT SUCALDITO AND MICHAEL PANGILINAN WITH MEDIA FRIENDS, INCLUDING BLOGGER SSSIP (FAR RIGHT, STANDING).
JOBERT SUCALDITO AND MICHAEL PANGILINAN WITH MEDIA FRIENDS, INCLUDING BLOGGER SSSIP (FAR RIGHT, STANDING).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s