ANG “APAT” NG “88”… (ISANG KATHANG ISIP O ISANG NAPAKAHABANG PANAGINIP PART TWO)


“ANG APAT NG EIGHTY EIGHT”

(ISANG MAIKLING KUWENTO NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)

 

NASA ISANG MALAWAK NA LUNTIANG BULUBUNDUKIN ANG APAT NA BATANG NAKAUPO AT NAGPAPAHINGA. TINATANAW NILA ANG MALAWAK NA MUNDO AT MGA ULAP. KAGAGALING LAMANG NILA SA MATAGAL NA PAGLALARO AT PAMAMASYAL. UNANG NAGSALITA ANG BATANG SI ROB.

ROB: APAT NA TAYO. SALAMAT AT HINDI NINYO AKO PINABAYAAN. 

ANTON J.: KASI NAMAN, KAILANGAN DIN NAMIN NG ISANG KALARONG TULAD MO. KUNG WALA KA, HINDI KAMI MAKAPAGLALARO. AT SAKA, KAKAMBAL KITA, DI BA? HEHEHE.

PEDRO: ANTON, MARAMI DAW TAYONG MGA GAWAIN PAG-UWI NATIN SA BAHAY NATIN DUON SA KABILANG MATAAS NA BUNDOK KAYA TAMA NA MUNA ANG PAGLALARO NATIN.

ROB: PAANO NA PO AKO?

TERE: PUNTAHAN MO AKO SA BAHAY KO PALAGI, ROB. MARAMI AKONG MGA BAGONG LARUAN DOON. KAPAG NAGTATRABAHO SINA PEDRO AT ANTON, PUWEDE MONG GAMITIN ANG MGA LARUAN KO. KAPAG NAGPUNTA KA SA BAHAY KO, HINDI KA MAPAPAANO AT LALONG HINDI KA MAPAPAHAMAK…

ANTON: OO, ROB. PUNTAHAN MO SI TERE LAGI SA BAHAY NIYA. AKO ANG NAGSABI NU’N SA KANYA. AT AKO RIN ANG NAG-AYA SA KANYA NA MAGING KALARO NATIN…

PEDRO: MASKI MALUNGKOT ANG MGA BUHAY NATIN, ANG MAHALAGA AY NAGKAKASAMA-SAMA PA RIN TAYO. BUKAS DAW, ANTON, AALIS NA TAYONG DALAWA PARA MAGPUNTA SA KABILANG BUNDOK.

ROB: INGAT KAYO, HA.

TERE: HIHINTAYIN NAMIN ANG PAGBABALIK NINYONG DALAWA. MAGLARO ULE TAYO PAGBALIK NINYO.

 

HINDI NA NAKATIIS SI ANTON AT NAPAIYAK ITO. UMIYAK NA RIN SI TERE. AT NAG-IYAKAN NANG LAHAT ANG APAT NA MAGKAKAIBIGAN. PAGKATAPOS NU’N, NAG-AKAPAN SILA NG NAPAKAHIGPIT.

 

W A K A S.

cropped-4.jpgGREEN GREEN2

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s