sssip goes to the shooting set of gerald santos first indie film- “memory channel”!


gerald internalizes in one scene from the movie "memory channel"
gerald internalizes in one scene from the movie “memory channel”
gerald santos: reaching for more!
gerald santos: reaching for more!

Isang napakasayang shooting set ang dinatnan ni Blogger SSSIP nu’ng bumisita siya kay Gerald Santos last September 29, Tuesday, habang nagsu-shoot siya sa kauna-unahang indie movie niya na entitled “Memory Channel”. Ito ay entry para sa New Wave film category sa darating na Metro Manila Film Festival sa buwan ng Disyembre.

Naku naman, kay saya-saya talaga ng atmosphere doon sa set, at right on time na dumating si Blogger SSSIP na nagkakainan sila ng napakasarap na bulalo at tinolang manok sa lunch break ng shooting nila. Hindi naman itinaon ni Blogger SSSIP na mismong sa lunch break siya dumating, kasi late lunch na iyon, around 2 p.m. na, pero sige pa rin siya at naki-join habang nagkakainan sina Gerald Santos, ang manager niyang si Cocoy Ramilo, ang road manager niyang si Ma’m Maritess Soguilon, ang direktor ng pelikula na si Mr. Rayn Brizuela, ang handsome film editor na si Paolo, at iba pang mga staff and crew ng nasabing pelikula na pawang mga College students pa lamang.

At kay sarap-sarap nu’ng bulalo doon sa canteen na pinagkainan nila sa may Genesis Bus Terminal located at Pasay Rotonda, na kung saan ay Barangay Captain doon ang isang tatay ng staff ni direk Rayn. Maayos ang shoot, walang aberyang nangyari at well-provided ang security ng nasabing Barangay doon sa may Don Carlos Rivilla Street.

Minatyagan pang maige ni Blogger SSSIP ang mga eksenang kinunan with Gerald. Naku naman, kay galing-galing niyang umarte, ha. Pagharap pa lamang niya sa kamera ay motivated na agad siya, internalized na siya sa character niya and all. Ang galing!

Para ngang mas nage-enjoy si Gerald sa pag-arte sa harap ng kamera, keysa sa pag-arte sa entablado at sa pagkanta, eh. Yun ang napansin ni Blogger SSSIP nu’ng araw  na iyon. At nu’ng tanungin siya ni Blogger SSSIP, heto pa ang nasabi ni Gerald: “Opo, Tito Robert, mas nage-enjoy ako sa pag-arte sa harap ng kamera. Mas less-pressure po sa akin. Mas masarap pong gawin.”

Hhhhhmmmm, and this could be a good sign na kung nage-enjoy si Gerald sa film shootings, tiyak na magtutuloy-tuloy na nga siguro ang paggawa niya ng mga pelikula! Naman.

Nu’ng araw na iyon, naroon din ang leading lady ni Gerald na si Michelle Vito, isang female talent ng Channel 2. At naroon din si Sugar, ang host ng Pinay Dream Academy and a talent of Joey Abacan ng Channel 7. Plus two handsome new male talents na may magagandang roles din sa pelikula.

Ang pelikulang Memory Channel ay ukol sa isang kabataang lalaki na nawalan ng memory at nagka-amnesia. Ang lead character ay ginagampanan mismo ni Gerald Santos. Makakasama rin niya sa pelikulang ito ang veteran radio icon-singer-actress na si Ms. Tessie Lagman na gaganap sa papel ng kanyang lola na nagka-stroke at pinagbabawalan siyang maging singer (na unang inalok kay Miss Nora Aunor pero tila busy pa ang Superstar). Ang magaling na aktor namang si Eppy Quizon ang gaganap sa papel ng isang Psychologist na pinaglalaruan ang memory ni Gerald kaya lalo siyang nako-confuse.

Watch Gerald Santos very first indie film- MEMORY CHANNEL…. Soon!

 

(words by robert manuguid silverio)

PHOTOS BELOW BY ROBERT MANUGUID SILVERIO

GERALD ON TAKE!
GERALD ON TAKE!
gerald with his leading lady michelle
gerald with his leading lady michelle
gerald and michelle smiles on camera
gerald and michelle smiles on camera
sugar of gma-7 with two handsome new male talents also appears on the movie "memory channel"
sugar of gma-7 with two handsome new male talents also appears on the movie “memory channel”
gerald with sugar
gerald with sugar
gerald with the staff, cast and crew of "memory channel"
gerald with the staff, cast and crew of “memory channel”

rald8

chikahan break with sugar, blogger sssip, cocoy ramilo and gerald
chikahan break with sugar, blogger sssip, cocoy ramilo and gerald
BLOGGER SSSIP WITH HANDSOME NEW MALE DIRECTOR RAYN BRIZUELA
BLOGGER SSSIP WITH HANDSOME NEW MALE DIRECTOR RAYN BRIZUELA
BLOGGER SSSIP WITH HANDSOME FILM EDITOR OF "MEMORY CHANNEL" NAMED PAOLO.
BLOGGER SSSIP WITH HANDSOME FILM EDITOR OF “MEMORY CHANNEL” NAMED PAOLO.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s