sam concepcion: ang makabagong “makata”…


sam: a mystifying poet
sam: a mystifying poet
sam: angelic face with rugged looks
sam: angelic face with rugged looks

Para sa blogger na ito, siya dapat ang mabansagang Prince of Pop & Ballad. Dahil tunay na may angkin siyang kagalingan sa pag-awit (dahil nahasa na siya sa mga musical plays na nagawa na niya sa entablado), bukod pa sa mga naging regular stints niya sa TV show na ASAP at sa mga concerts niya. Bata pa lamang siya, laman na siya ng mga entablado at telebisyon.

Napakaganda ng imaheng inilikha niya at ang pangangalagang ibinigay sa kanya ng Stages (kasama ang manager niyang si Carlo Orosa) at Star Magic Talents ng channel 2. Ang mga naging roles niya sa mga TV teleseryes ay pawang challenging roles- at maagap siyang nakaalis sa mga pa-“tweetums” roles. Nag-mature din siya kaagad as a performer and as an actor, dahil nagpakita rin agad siya ng kaseksihan in some photo-shoot pictorials and concerts.

sam's sexiness revealed
sam’s sexiness revealed

At para sa amin, si Sam Concepcion nga ang bagong MAKATA.

“Si Sam talaga ang first choice ko para pinaka-bidang role sa Makata”, nabanggit pa ng advocacy film director na si Dave Cecilio sa isang blogger. “Nasa kanya kasi yung imahen ng isang makabagong Makata. Fresh pero rugged ang dating. May malalim na sex appeal, pero very angeiic ang features.”

Si Sam naman, hindi rin siya nag-dalawang-isip na tanggapin ang role ng isang Makata.

“Una po kasi sa lahat, nu’ng nalaman kong isa itong advocacy film, alam kong magkakaroon ng saysay ang participation ko sa nasabing pelikula at makakatulong pa ako”, nawika ni Sam. “Pawang mga estudyante’t mga kabataan na tulad ko ang manonood ng pelikula. Kaya alam kong may katuturan. And playing the role of a rapper-poet in this film is simply challenging for me.”

‘Yung mga batuhan nila ng salita ng co-actor niya sa pelikulang si Angelo Ilagan ang isa sa mga magagandang eksena ng pelikula. Dahil dito ipakikita ang “contrasting views” ng isang bagong makata at makalumang makata. Parang old school versus new school, ganun. Kaya kay ganda ng mensahe ng pelikula.

dave cecilio: an advocacy film director
dave cecilio: an advocacy film director of “makata”

“Magkakaroon ng labanan dito”, muling sabi pa ni direk Dave sa isang blogger. “Kaya dapat na panoorin nila. Ipakikita ko sa pelikula ang rivalry ng isang makabagong rapper-poet versus the traditional poet na tipong Balagtasan. Bahala na lang ang mga taong humusga kung alin ang mas mabisa.”

Sa pagdaloy ng panahon, lalo atang umiigting ang kakisigan ni Sam Concepcion. He is no longer a boy, but a MAN, a fully-grown-up man. Siya ang makatang iibigin mo dahil may init, may passion, may intensity.

Maski ba mala-anghel ang kanyang kaanyuhan, naroon pa rin ang taglay niyang “animalistic appeal”. Di ba naman?

 

(words by robert manuguid silverio)

sam: raw passion
sam: raw passion
sam: an angel in disguise
sam: an angel in disguise

makata2

sam concepcion topbills "makata"
sam concepcion topbills “makata”

 

3 thoughts on “sam concepcion: ang makabagong “makata”…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s