si dave cecilio at ang pelikulang MAKATA…


si dave cecilio, ang direktor ng "makata"
si dave cecilio, ang direktor ng “makata”

makata

Uso pa ba ang mga MAKATA?

May pakialam pa ba ang mga kabataan ngayon sa kahalagaan ng literatura at oratura?

Marahil, kapag may isang nilalang pa ring makikipaglaban dito, upang maipagbunyi pa rin ang husay at kakisigan ng mga buhay na MAKATA, ang mundo ay mananatili, at ganap na kikinang pa rin sa mga idolo nilang mga MAKATA.

Oo. Buhay pa rin ang mga MAKATA.

Habang may isa pang Dave Cecilio na makikipaglaban upang maipamulat pa rin ito sa puso ng mga kabataan.

Si Ginoong Dave Cecilio, ang direktor ng pelikulang MAKATA, na isang advocacy film na sponsored ng DepEd (Department of Education).

“I call myself an advocacy film director”, bungad na nawika pa ni Dave sa isang blogger sa isang nakakabusog na meryendehan sa JCO Doughnuts sa may Greenhills. “I want to do films na makapagtuturo ng kagandahang asal sa mga estudyante’t kabataan. Ang maibalik sila sa tunay na kahulugan ng buhay.”

Unang ginawa ni direk Dave ang pelikulang Watawat, na kung saan ay naging bida niya sa pelikulang ito sina Carlos Morales, James Blanco at Miss Chinchin Guttierez. Ang pelikula ay tumatalakay ukol sa pagmamahal sa watawat ng bansang Pilipinas.

Pangalawang pelikula naman ni direk Dave ang Musiko, na pinagbidahan naman nina Mart Escudero at Tommy Abuel. Ito ay ukol naman sa musika, at sa mga miyembro ng banda ng musiko na hindi ganap na nabibigyan ng halaga sa bansang Pilipinas.

At pangatlo nga itong pelikulang MAKATA.

“Nuong nag-aaral kasi ako sa Bigfoot Film Academy sa Cebu, medyo nalungkot ako sa kanilang all-English Policy”, wika ni direk Dave. “Katwiran ko sa sarili ko, narito kayo sa Pilipinas, tapos kailangan naming ipasatupad ang all-English Policy ninyo? Kaya isinumpa ko sa sarili ko, tatapusin ko lang ang pag-aaral ko doon at nung natapos ko na, heto, gumawa ako ng mga pelikulang maka-PILIPINO. Mapagmahal sa bayan at hindi all-English policy ang basehan! Dahil Pilipino ako!”

Na-touch kami sa mga makakatutuirang naiwika na iyon ni direk Dave kaya lalo kaming humanga sa kanya. Sa dinami-dami kasi ng mga new indie film makers na na-interbyu na namin, wala kaming nakitang film maker na maka-PILIPINO. Lahat sila’y “Westernized” na ang mga standards at mas nanaising makagawa ng mga pelikulang ilalaban sa mga international film festivals.

Samantalang si direk Dave, mas gusto niyang maipakita ang kagandahan ng mga aspeto sa KULTURANG PILIPINO.

“Hindi naman ang manalo ako ng mga awards ang mithiin ko”, sabi pa ni direk Dave. “Mas gusto ko lang makagawa ng mga pelikulang ipakikita ang mga positibong aspeto ng isang PILIPINO.”

Sa bagong pelikulang MAKATA ni direk Dave, na magkakaroon ng Premiere Night sa October 8 sa Fisher Mall Cinemas, muling naipakita ni direk Dave ang maaliwalas na pagtingin sa mga bagay-bagay sa buhay ng isang Pilipino.

“Nu’ng bata pa ako, lumalaban kasi ako sa mga oratorical and declamation contests”, sabi pa ni direk Dave. “Mahahabang tula ang binibigkas ko noon sa klase. Na tila nawawala na ngayon. Mas pinipili na ng mga kabataan ang mag-DOTA. Gusto ko lamang maibalik sila sa tunay na halaga ng lietratura sa ating buhay.”

Kasama sa pelikulang MAKATA sina Sam Concepcion at Angelo Ilagan bilang mga batang MAKATA na magiging magtunggali. Susuporta naman si Lance Raymundo sa isang very surprising role na mentor ng isang Makata na si Angelo. Nariyan din si Ginoong Rez Cortez bilang isang orihinal na Makata na tumanda na at hindi na makapagsalita. At special participation naman ang modelong si Ben Isaac bilang si Francisco Balagtas.

Oo, buhay pa rin ang mga MAKATA. Habang may isang Dave Cecilio na patuloy pa ring ipaglalaban ang sining at awitin ng mga MAKATA. Dahil sa pelikula niyang MAKATA, masasaksihan natin ang lahat ng ito.

MABUHAY ANG MGA MAKATA!!!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

“MAKATA” film staff:

Nelson Acuna (executive producer)

Maila Fanning (producer)

Dave Cecilio (writer/director)

Mia Aguilar (assistant director/line producer)

Ceejay Manabal (director of photography)

Bryan Rabocarsal (production designer)

and Mr. Aerold Sison (lightsman/propsman)

dave cecilio: an advocacy film director
dave cecilio: an advocacy film director
dave cecilio with his staff, including hjis producer ms. maila fanning on the far right.
dave cecilio with his staff, including hjis producer ms. maila fanning on the far right.
dave with the male cast members of "makata": lance, angelo and sam
dave with the male cast members of “makata”: lance, angelo and sam
dave with filipino-australian community members holding the posters of his other films "musiko" and "watawat"
dave with filipino-australian community members holding the posters of his other films “musiko” and “watawat”
dave and the "makatas"
dave and the “makatas”

makata2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s