jm de guzman: takot sa dagat!


jm: nagpapasalamat sa suporta ng lahat
jm: nagpapasalamat sa suporta ng lahat
jm and yen santos
jm and yen santos

Alam niyang naroon ako. Panaka-nakang siya’y sumusulyap, tumatanaw buhat sa malayo- mula sa kinalalagyan niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong naroroon, lalo na ang walang humpay na pakikipagsisiksikan ng mga media bloggers upang makunan siya ng larawan at ma-“ambush” sa pakikipag-panayaman, marahil, hindi nga niya ako makita.

Pero sa pamamagitan ng tamang tiyempo, kalmadong “break” mula sa mga media people na nangawala na finally sa paligid niya, isa o dalawang kaluluwa ang nakalapit na rin, at last, sa kanya. Salamat sa malambing na imbitasyon ng kanyang handler na si Ms. Portia, at sa sinserong alok ng kanyang ama na lumapit na sa tabi niya- ang mundo ay tumigil na muli.

Sa unang lapit, bago pa nangyari iyon, kapalpakan ang nangyari. Nagkatinginan muna, naghabulan, at bigla siyang nawala sa aming likuran. Marahil, may mga iniiwasan siyang tao kung saan sana ay amin siyang daldalhin.

Kaya nuong pangalawang “attempt”, sa tulong ng kanyang handler at ama, muling nagtagpo ang dalawang nilalang, o marahil, tatlo, dahil hindi lamang nakikita iyong ISA.

Malamlam ang tingin ng kanyang mga mata, mahiwaga, nakapagtataka. Kailangan mong basahin iyon ng mas malalim pa.

Pero nanginginig ang iyong mga tuhod kapag kaharap mo na siya. Hindi mo malaman ang gagawin mo, o ang susunod mong sasabihin o susunod mong gagawin. nkadarama ka ng “panic attacks”.

Hanggang sa huling tanong mo, sinabi mong okey na ang interbyu, at bigla ka na lamang umalis. Dahil hindi mo na kaya ang mga damdamin mong hinaluan ng kung ano- dahil naramdaman mo rin ang mga damdamin niya nu’ng mga oras o sandaling iyon.

************ ********** *********

“Very challenging”, nawika pa niya- ang aktor na si JM de Guzman nu’ng tanungin mo siya kung ano ang masasabi niya sa kanyang role sa bagong teleserye niyang All of Me. “Isa ito sa mga papel na pambihira kong magampanan. Kasi, it requires me a lot of angst, pains and mixed emotions. ‘Yun bang alam mong ikaw iyong lalaking mahal talaga nu’ng babae, pero nasa iba at mas batang kaanyuan ka na. ‘Yun bang ang nakaraan mo ay hinahabol ka pa rin. At kung paano mo maipaglalaban iyon, dapat ay matibay ka. Hindi ba, tito Robert, ang hirap gampanan nu’n? Punong-puno ng paghamon.”

Karamihan sa mga eksena ni JM sa teleseryeng ito ay sa DAGAT. Tila ata palagi na lamang siyang napupunta sa dagat. Nagkaroon din siya nuon ng isang indie film na kung saan ay sa dagat din ang setting- ‘yung pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino. At ngayon, heto na naman.

“Kung tutuusin po, tito Robert, ayaw ko sa dagat, takot ako sa dagat”, naging sagot pang muli ni JM. “Parang may phbia nga po ako sa dagat, eh. That makes it so ironical for me, na kadalasan, sa dagat ako nagsu-shooting o nagte-taping. Kaya nagdarasal na lang ako na ma-conquer ko ang fears ko. Maybe, I have to face it talaga. Wala akong magagawa.”

At takot din si JM sa matataas na lugar.

“Para po akong nalulula”, anya pa. “Feeling ko, nu’ng past life ko, nakatira ako sa isang mataas na lugar at nahulog ako.”

Nagpapasalamat si JM sa lahat ng mga kasamahan niya sa teleseryeng All of Me, lalo na sa direktor niyang si Dondon Santos.

“Sobrang tulong sila sa akin para makayanan ko at magampanan ng maige ang role ko dito sa bago naming teleserye”, anya pa. “Lalo na sa direktor namin, kasi sobrang patient siya sa akin. Ang haba ng pasensya niya. Kaya gusto ko sana, maibalik din sa kanya yung pangangalaga niya, kaya pinagbuti ko ng husto ang acting ko dito. Kaya sobrang thankful din ako sa lahat dahil tinutulungan nila ako.”

Para na namang naging emosyonal a madamdamin ang mukha ni JM nu’ng banggitin namin ang pangalang ‘Jessy’. Para ding nag-react at kumilos ang handler niyang si Portia nang marinig ang pangalang iyon. Medyo yata na-“off” sila? Kaya sana, hindi na lamang namin naitanong kung kumusta na sila ni Jessy?

“Isa po siya sa mga inspirasyon ko ngayon”, walang nagawa si JM kundi ang sagutin na lamang ang aming katanungan. “Okey naman po kami.”

Pero mas lalng naging negatibo bigla ang “atmosphere” nu’ng matanong namin (actually, napilitan lang din kaming itanong ito) kung kumusta na ‘yung isang pelikulang gagawin niya sa isang “mukhang luka-lukang” aktres?

“Nagawa na po namin ‘yung parang teaser lang ng movie”, sagot muli ni JM. “Nakapag-shoot na po kami ng one day.”

Maikling sagot means hindi rin gano’n ka-interesado na si JM na ma-tackle pa ‘yung movie na iyon na titulo pa lang ay salungat na sa aming paniniwala. Hahahaayyyy, sa totoo lang.

At  sa muli, ang magandag daan na tinatahak ngayon ni JM ay tila isang daan na mas lalong magpapatibay sa kanyang pagiging isang aktor. Tinitiyak ng isang blogger, mga sunod-sunod na acting awards na ang susunod na matatanggap na pagpapala sa buhay ng batang aktor na ito.

“Salamat naman po”, huling sambit ni JM. “Iyan ang pinakamagandang narinig ko sa gabing ito.”

 

(mula sa mga nalikhang salita ni robert manuguid silverio, kasama si jm de guzman).*

jm flunked by media people at the last screening of "all of me"
jm flunked by media people at the last screening of “all of me”

 

jm with child actor akihira and director dondon santos
jm with child actor akihira and director dondon santos
jm de guzman: luv it
jm de guzman: luv it

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s