“ALL OF ME” NG ABS-CBN, HAHAMUNIN ANG ORAS SA NGALAN NG PAG-IBIG SIMULA LUNES


jm de guzman
jm de guzman
jm de guzman
jm de guzman
jm and yen santos
jm and yen santos
jm and albert martinez
jm and albert martinez
yen santos
yen santos
albert martinez and yen santos
albert martinez and yen santos
cast of "all of me"
cast of “all of me”

“ALL OF ME” NG ABS-CBN, HAHAMUNIN ANG ORAS SA NGALAN NG PAG-IBIG SIMULA LUNES

 

Dagdag sa Kapamilya Gold block ang pinakabagong obra maestrang pantelebisyon ng ABS-CBN na “All of Me,” ang romantic drama teleserye na hahamon sa oras para sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig simula ngayong Lunes (Agosto 31).

Umiikot ang kwento ng “All of Me” kay Manuel (Albert Martinez), isang 50-year-old na doktor na hahamunin ang oras para lamang ipaglaban ang kanyang pangalawang pagkakataon sa pag-ibig nang maging binata muli.

Ang “All of Me” rin ang major TV comeback ni JM de Guzman matapos ang kanyang breakthrough film na “That Thing Called Tadhana.”

Kasama ni JM sa bagong Kapamilya Gold teleserye sina veteran actor Albert Martinez, Kapamilya hunk actor Aaron Villaflor, at rising young actress Yen Santos na gaganap sa kanyang unang daring role bilang love interest ni JM.

Susundan ng teleserye ang buhay ni Manuel (Albert Martinez), isang doktor na iiwan ang kanyang masiglang karera at maninirahan sa isang isla matapos mamatay ang kanyang asawa. Sa isla niya makikilala si Lena (Yen Santos), isang dalagang muling magbibigay kulay sa kanyang buhay na mauuwi sa matamis na pag-iibigan.

Ngunit sa gabi ng kanilang honeymoon sa isla, isang hired killer ang magtatangka sa buhay ni Manuel, pero matatakasan niya ang kamatayan at mapapadpad sa isang magic portal na magiging tulay sa pagbabalik binata niya. Ngayon, isang binatang Manuel (JM de Guzman) na matutuklasan na tumakbo na ang oras ang haharap sa bagong hamon sa kanyang buhay – ang maghiganti at muling paibigin si Lena na isang maybahay na ng kanyang protégé na si Dr. Henry Nieves (Aaron Villaflor) o kalimutan ang mga masayang alaala nila ni Lena.

Ano ang handang kayang ibigay ni Manuel para ang nakaraan ay maging kasalukuyan?

Mula sa direksyon ni Dondon Santos, ang “All of Me” ang dramang hahamunin ang lahat pati ang oras para sa pag-ibig.

Tampok din sa inaabangang teleserye sina  Angel Aquino, Ina Raymundo, Neri Naig, Ana Capri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng kwento ni Manuel sa “All of Me” ngayong Lunes pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official “All of Me” accounts sa Facebook (All of Me TV), Twitter (@AllOfMeTV), at Instagram (@AllOfMeTV).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s