ARNEL RAMOS FELIX: may ‘cinematic’ eye


the poster od direk arnel ramos felix's "te amo adios"
the poster of direk arnel ramos felix’s “te amo adios”
direk arnel ramos felix: a cinematic "eye"
direk arnel ramos felix: a cinematic “eye”

Sa labing-isang black and white short films na ipinalabas kamakailan lang sa nagdaang Cinemalaya 2015 na mga produkto ng Cinemalaya Film Institute (nagkaroon ito ng free screenings sa nabanggit film festival), ang pelikulang Te Amo Adios ang pinaka-nagustuhan ng blogger na ito dahil sa napaka-simpleng paglalahad ng isang istorya about MOVING-ON.

Hindi man naging experimental ang atake, very elaborate and visually-engrossing ang pagkaka-direk dito ni Arnel Ramos Felix. May ‘cinematic’ eye siya, at maski traditional ang approach ng kanyang film directing style, naroon ang impact at very disturbing “after shocks”. Para sa blogger na ito, ganyang klase ng film direction ang nakakalikha ng mga imortal na pelikula.

May raw passion, may sex scenes na very provocative, at may elemento ng sorpresa- dahil, sa istorya ng pelikula, imbes na maging bayolente ang reaksyon ng bidang lalaking ginampanan ni Leon Miguel, naging kalmado lamang siya at kontrolado. Kakaibang atake ng plot at kaganapan.

direk arnel with his actors leon miguel and rhommel bernardo
direk arnel with his actors leon miguel and rhommel bernardo

“Gusto kong maiba sa iba”, naging pahayag ni direk Arnel Ramos sa isang blogger. “Napansin ko kasi, sa mga mas batang mga kasamahan ko sa Cinemalaya Film Institute, pawang mga makabago ang approach nila. Magiging pare-pareho kaming lahat kung ganu’n din ang gagawin ko. Sila kasi, may kanya-kanya silang visions, pero ako, I felt that I needed to do a different story and create a different interpretation out of it. Confident naman ako sa naging desisyon ko.”

Ang resulta: isang magandang short film na kahanga-hanga ang kinalabasan. Pati musika, cinematography and texture na medyo dark, sound, production design- at lalo na ang acting ni Leon Miguel, ay nakakabilib.

“Magaling na aktor si Leon”, dugtong na sabi pa ni direk Arnel. “Alam niya ang ginagawa niya kaya kampante ako sa kanya. Hindi iyan mapapansin sa mga international movies na nagawa niya kung hindi siya ganu’n ka-intense sa mga atake niya sa mga roles niya sa pelikula.”

 

christian lat (first from left) and direk arnel's pool of actors and creative team
christian lat (first from left) and direk arnel’s pool of actors and creative team

Unang nagkasama sina Leon at direk Arnel sa short film din na Red Lights, na mula naman sa direksyon ng guwapong si Christian Paolo Lat, at ang pelikulang ito ay nanalo sa Ottawa International Film Festival. Sina direk Arnel at leon ang mga Associate Producers ni Christian sa pelikulang iyon, at doon namuo ang pagnanasang magkatrabaho pa rin silang tatlo sa pelikulang Te Amo Adios na kung saan this time, si direk Arnel naman ang direktor at sumuporta naman si Christian sa editing at sound ng pelikula. Pero si Leon pa rin ang bidang aktor.

direk arnel: preparing now for his next film project
direk arnel: preparing now for his next film project

Tunay na maka-sining si direk Arnel. Kaya naman ang mga tulad niya, dapat lamang na gumawa ng isang full-length feature film very soon.

“Hinahanap ko pa ang next project ko”, pagtatapos na sabi ni direk Arnel. “Pinaghahandaan ko talaga. Narito ang passion ko sa film making. Kaya sa suporta ninyong lahat, ay magpapatuloy ako.”

Nagpapasalamat din si direk Arnel sa beteranong direktor na si Carlos Siguion-Reyna na siyang gumabay sa kanilang mga estudyante sa Cinemalaya Film Institute.

“Siyempre, haligi na sa movie industry si direk Carlos”, anya. “Ang suporta niya sa amin ay napakalaki. Siya ang nagbukas ng pintuan para sa amin.”

At ang isang paglalakbay ay nagsisimula sa unang hakbang. Nasimulan na nga iyon ni direk Arnel.

 

(words by robert manuguid silverio)

arnel ramos felix: a passionate soul
arnel ramos felix: a passionate soul

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s