aaron rivera: lusot na lusot sa pelikulang “taklub”!


aaron aaronx2 aaronx3 aaronx4

Unang pelikula niya ang “Masahista” na ginawa niya nu’ng taong 2005 na kung saan ay disi-sais anyos pa lamang siya. Kapatid siya doon ni Coco Martin. Sumunod ang pelikulang “Serbis”, kung saan bit role lamang ang papel niya, tapos sa “Tirador”, kung saan ay nakipagsuntukan siya sa basketball court, at sa “Kinatay” kung saan bit role muli ang papel niya.

Ang lahat ng pelikulang iyon ay mula sa direksyon ni Brillante ‘Dante’ Mendoza. Kaya naman, masasabi mong inalagaan at ginabayan talaga ni direk Dante ang career ni Aaron.

aaron rivera with direk dante mendoza
aaron rivera with direk dante mendoza

At siguro, na-feel din ni direk Dante na it’s high time nang bigyan si Aaron ng markadong papel sa pelikulang “Taklub”, bilang isa sa mga lead characters doon. Ipinalabas na sa Cannes International Filmfest ang pelikulang iyon, at talagang hanggang ngayon ay hindi pa makapaniwala si Aaron dahil sa mga karanasang na-experience niya mula nung gawin niya ang nabanggit na pelikula.

And in fairness to Aaron, impressive naman ang naging acting niya sa pelikula. Kapansin-pansin siya para sa blogger na ito. Ang mga mata niya’y nangungusap, may lalim ang bawat pananalita niya, at may kakaibang damdamin at emosyon ang mukha niya.

Ganu’n ang ipinamalas niya sa pelikula.

aaron in one scene from the movie "taklub"
aaron in one scene from the movie “taklub”

“True-to-life character po kasi ang pinortray ko doon”, sabi ni Aaron. “Salamat naman po at nagustuhan ninyo ang acting ko doon. Basta konting briefing lang ang binigay sa akin ni direk Dante. Kaya naunawaan ko ang character. Wala kaming script dahil ayaw ni direk ng may script na mine-memorize. At si direk, he’s always telling me na para sa akin daw talaga yung role.”

May mga eksena si Aaron sa Superstar na si Nora Aunor. Ano’ng naramdaman niya?

“Sobrang comfortable ako sa mga eksena namin ni Nora Aunor”, sagot ni Aaron. “She’s so natural po kasi when it comes to acting. And she’s so good! She sees to it na comfortable ka kapag kaeksena mo na siya.

aaron: his eyes speak
aaron: his eyes speak

“Bilang tao, napakalambing na tao rin pala ni Ms. Nora Aunor”, dagdag na sabi ni Aaron. “Kasi, siya pa ang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko kapag kumakain na kami. Para siyang ate o nanay ko.”

Nu’ng nagpunta naman si Aaron sa Cannes para sa screening ng pelikula nila roon, namangha siya sa kasikatan doon ni direk Brillante ‘Dante’ Mendoza.

“Para siyang Superstar doon sa Cannes! Dinudumog talaga siya!”, sagot ni Aaaron. “Unbelievable po talaga. Hindi ko inisip na ganu’n ang effect ni direk Dante sa mga French people. Lalo tuloy akong humanga sa kanya.”

Kung hindi lang siguro inuna ni Aaron ang studies niya, malamang na ka-level na rin niya ang mga establisadong aktor ngayon na halos kasabayan lamang niyang pumasok sa showbiz. Pero ngayon, professional Dentist na si Aaron, at stable na ang kanyang kinabukasan. Kaya maski hindi siya mag-artista, may fallback naman siya.

Plano ngayong pagsabayin na ni Aaron ang pag-aartista’t pagiging Dentista. Nasa pag-arte rin kasi ang passion ni Aaron.

“Iba ang fulfillment na nararamdaman ko kapag umaarte ako”, sabi ni Aaron. “Kaya naman, ipagpapatuloy ko ang passion na ito. Whatever happens.”

Go, go, go, Aaron!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

aaron with blogger robert silverio
aaron with blogger robert silverio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s