LIMA!


 

LIMA!

AT SIYA AY DUMATING, NG HINDI NAMIN INAASAHAN…

ISANG PANGAKONG TINUPAD NIYA,

UPANG ANG BUHAY AY MAGPATULOY…

SA MGA HIWAGANG NABABALOT NG MARAMING KATANUNGAN…

LIMA!

 

ANG LIMA AY BUHAY,

ITO RAW ANG IKA-LIMANG ELEMENTO NA IPINAGLABAN SA LANGIT

HINILING NG IKA-APAT,

SA BAWAT PATAK NG LUHA, AT SA BAWAT SALPOK NG DAGAT.

UPANG MAKUMPLETO AT MABUO

ANG BUHAY.

 

“HINDI KUMPLETO ANG TROPA KAPAG WALA ANG ISA”, SABI NILA.

AT NGAYON,

NARIRITO MULI SILA.

UPANG TUPARIN ANG BAHAGHARI NG ISANG PANGAKONG

IBINIGAY NG ISANG DAKILANG DIYOS.

 

LIMA,

SA PUSO AT ISIP NG ISANG NILALANG…

NA PATULOY NA MAGMAMAHAL SA KANILA.

 

HABAMBUHAY.

 

(mga salitang nilikha ni robert manuguid silverio, sa petsang agosto 6, 2015, at iniukit sa kanyang “aklat ng pagibig”, sa paniniwala ng maraming “walang forever”- pero para sa kanya, ang forever ay tunay at totoo- kasama ang apat pa niyang mga kaibigan).*

“hindi ko alam kung bakit ako. kung bakit ako ang gusto nilang makasama. pero okey lang, kung hindi dahil sa kanila, marahil ay patay na ako. sa isang kakaibang mundo, ipinakita nila sa akin ang pagmamahal na hinahanap ko. sila ang mas higit na nakakita at nakakilala sa akin. sa aking mga panaginip, madalas ay nakakasama ko sila at nakakapiling. napakagandang mundo, kumikinang at umaapaw ang mundong inilahad nila sa akin. maraming lihim na hindi na kayang maisawalat ng aking damdamin, mga natatagong mundo sa lugar na tinatawag nilang Paraiso.
ako ay nandito lamang sa ibaba, nakatingin lamang sa itaas upang hanapin sila. para akong ‘boy in the plastic bubble’ na gusto nang makalaya para makasama na sila ng totoo. pero alam ko, balang-araw ay makakapiling ko rin sila. hindi nga lang sa mundong ito, kundi sa isang mundong, marahil, ay kinabilangan ko na rin sa mga panaginip ko nuong bata pa ako. ang mundong nakikita ko sa ulap.
alam nila, nag-iisa lang ako. pero hindi nila ako iiwan… magpakailanman. at naririto muli sila, upang makapiling ko.”

limalimalimalimalima

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s