gerald santos: “nakakataba ng puso ang mga papuring ibinigay nila sa pagganap ko bilang si San Pedro Calungsod!”


GERALD: ISANG PAMBIHIRANG PAGGANAP
GERALD: ISANG PAMBIHIRANG PAGGANAP
GERALD: AS SAINTLY AS HE CAN BE
GERALD: AS SAINTLY AS HE CAN BE

Sa bawat kilos niya at galaw, madarama mo ang lalim ng pagkatao niya. Sa bawat liriko ng isang awitin na sinasambit niya, ang mga anghel sa langit ay tila nagbubunyi sa kagalakan. Pumapalakpak sila at lumilipad ng ubod ng saya.

Kung ang isang aktor ay nakakagawa ng higit pa sa tama, lalo pa’t kung ang ginagampanan niyang papel ay katauhan ng isang Santo, matutuwa nga talaga ang mga kasamang nagmamatyag lamang sa Itaas.

Sa isang performance ng dulang “San Pedro Calungsod, the Musical”, naipamalas ni Gerald Santos ang kakaiba niyang transpormasyon mula sa isang pagiging Ballad singer patungo sa isang seryosong theater actor.

At minabuti ng isang blogger na kapanayamin ng saglit si Gerald nu’ng mga oras na iyon:

Ano nga ba ang masasabi mo, Gerald, sa walang patumanggang mga papuri sa pagganap mo bilang si San Pedro Calungsod?

“Wow, thank you very much po! Sobrang saya ko sa mga papuring nakukuha ko!”, sagot ni Gerald. “Nilubos-lubos ko na po kasi talaga ang lahat para sa dulang ito, eh. Inusisa ko ng maige ang character ni San Pedro at lahat kami ay na-push nila to totally give our best in this musical play. Malaki rin po ang parte ng aming direktor dito na si Kuya Cocoy. Kasi, siya talaga ang nag-motivate sa aming lahat.

“Sa musical play na ito, ipinakita po ang transformation ni San Pedro Calungsod in a span of three years sa buhay niya”, dugtong na sabi ni Gerald. “Ipinakita rito ang maturity process niya, magmula nu’ng lisanin niya ang kanyang tahanan upang sumama kay Padre Diego sa isang Catholic missionary mission. Doon na po nagsimula ang kanyang daan patungo sa Sainthood niya.”

At napakaganda rin pala ng mga awitin at musika na isa sa mga natatanging sangkap ng dulang ito. Tinanong namin si Gerald, siya ba ang may katha ng mga awiting iyon?

“Bakit mo po nalaman, kuya Robert? Ang galing mo, ha”, tugon ni Gerald. “Actually po, half-half kami dito ng direktor at manager kong si Kuya Cocoy. Kalahati ng musika ay sa kanya, at kalahati naman ay gawa ko. We’re both so proud to be able to deliver those kind of music. Siguro, on my part, talagang inspired lang ako sa naging buhay ni San Pedro.”

Ang San Pedro Calungsod ay produced by Redlife Entertainment Productions. Mula sa direksyon ni Cocoy Ramilo. Presently, may mga pagtatanghal sila ngayon sa Davao City. At sa darating na buwan ng Setyembre, sila ay magtutungo naman sa Cebu City- isa sa mga lugar na pinagmulan mismo ni San Pedro Calungsod.

Nasa ibaba ang whole cast and characters ng nasabing dula- ang “San Pedro Calungsod, the Musical”:

 

gerald6gerald8gerald4

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s