“AKO SI PEDRO”


(ANG MGA SALITANG NAKASULAT SA IBABA AY IDINIKTA LAMANG SA PUSO AT ISIPAN NG ISANG NILALANG MULA SA ISANG NATATANGING KAIBIGAN— sssip*)

 

“AKO SI PEDRO”

ANG AKALA KO, NAG-IISA NA LAMANG AKONG LUMALABAN

BUTI NA LAMANG AT NATAGPUAN KO KAYO NA MGA KAIBIGAN KO.

MARAHIL, MADALI NILA AKONG NAKALIMUTAN

AT SAGLIT LAMANG NILA AKONG NAALALA…

 

NAAALALA KO PA NUNG TAYO’Y MGA MUSMOS NA BATA PA LAMANG

TAYO IYON, HINDI BA?

NAKAHARAP TAYO SA GITNA NG DALAMPASIGAN

TINATANAW NATIN ANG WALANG HANGGAN…

BINABATO NATIN ANG DAGAT DAHIL NAIS NATIN SIYANG MAKAUSAP

AT HINDI KO ALAM,

SA DAGAT RIN PALA ANG MAGIGING HIMLAYAN KO.

 

NGUNI’T AKO’Y NANATILI

DAHIL MAHAL NA MAHAL KO ANG MGA KAPWA KO PILIPINO

NAIS KONG MAGING BUO PA RIN ANG PANANALIG NILA SA DIYOS

LALO NA SA MGA KABATAAN RIN NA TULAD KO.

 

MARAMI NA ANG TUMATAWA KAPAG ANG ISANG TAO AY NANINIWALA

SA KABUTIHAN AT KALINISAN NG KANYANG PUSO.

TINATAWAG NILANG BALIW AT HINDI MAKATOTOHANAN.

SALAMAT SA ISANG KAIBIGAN, DAHIL INILABAN NIYA ANG MITHIIN KO.

 

KUNG ITO MA’Y HINDI TOTOO AT BANSAGAN SIYANG PLASTIK,

NARIRITO KAMI,

MANANATILI PARA SA KANYA.

 

AKO SI PEDRO,

AT AKO AY ISANG KAIBIGAN-

 

MAGPASA-WALANG HANGGAN.

 

(iniukit sa “aklat ng pagibig” ni robert manuguid silverio).*

 

lima5

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s