“MASKARA”: ISANG KATOTOHANANG BINABALUTAN NG HIWAGA (isang film review para sa pelikulang “maskara”, sa direksyon ni genesis nolasco)…


MASKARA5MASKARA

(vid above not connected to the film “maskara”. thank you to mr. “dixbuhay” for uploading this river maya vid on youtube.com. from sssip*)

 

Kung wala ang mga tinatawag na “Modern-day heroes” o “living angels”, marahil, patuloy nang matutumba ang magagandang kapalit ng kabutihan at katotohan. Hindi na natin marahil din makikita ang tunay na liwanag ng BUKAS.

May mga taong patuloy pa ring lumalaban para lumabas ang katotohanan- pangit man ito o mali, kailangang maibuyangyang ang katotohanang iyon para sa ikabubuti ng lahat.

Ilang mga journalists o manunulat na nga ba ang taon-taong nagsisimatay o “pinapatay” para maikubli ang katotohanan? Pero ang nakapagtataka, hindi sila nauubos at hindi natitinag ang pakikipaglaban ng mga mabubuti laban sa masasama. Dahil, may mga “unseen forces” pa ring nagi-‘intervene’ o gumagabay sa mga ito.

MASKARA. Marami ang gumagamit nito sa Modern-Day Society. May mga taong nangangailangan nito para maikubli ang tunay nilang kaanyuan. May mga salbaheng nagababait-baitan, may mga mabubuting nagpe-pretend din na masama para maprotektahan lamang ang mga sarili niya. Iyan ang MASKARA ng buhay. Ang laro. Ang pakikipaglaban.

Sa indie advocacy film na “Maskara” na produced by  Communications Foundation for Asia at kasama sa mga competing films ng ginaganap ngayong World Premieres Film Festival, ipinakita lahat ang laro ng mga taong nagsusuot ng MASKARA.

Para kang nagbasa ng isang Tom Clancy novel kapag pinanood mo ang pelikulang ito. Dahil tulad ng isang suspense-thriller novel, mae-excite ka rin at masu-suspense sa bawat eksena ng pelikula. Hindi rin “predictable” ang plot ng film dahil hindi mo rin mahulaan ang mga susunod na mangyayari. Simple lang ang estilo ng direktor na si Genesis Nolasco, pero epektibo.

Ito ang pelikulang hindi nagpapaka-“artsy-artsy”, dahil sa totoo lang, nakakasawa na ang mga ganu’ng estilo ng mga baguhang direktor para mapansin lang. Si direk Genesis, okey na sa kanya ang magandang backdrop o setting, basta ang mahalaga’y mailahad niya ang tunay na mensahe ng kanyang pelikula.

Kahanga-hanga ang ipinakitang ‘methodical acting’ ni Lance Raymundo sa pelikulang ito. At pinaka-intense sa lahat ng eksena ang highlight scene niya sa papalapit na ending ng pelikula na kung saan ay lumabas ang tunay na kaanyuan ng karakter niya sa pelikula. Napakagaling ni Lance sa eksenang iyon and we feel, he must win a Best Supporting Actor award for this film.

Bukod kay Lance, lahat ng kasama sa cast ng pelikulang ito ay pawang magagaling. Sa unang frame pa lamang ng pelikula, ipinakita na agad ang character actor na hinahangaan namin- si Mengie Cobarrubias, at kay galing agad niya sa unang eksenang iyon ng pelikula. Doon pa lang, na-feel na naming – “We are watching a good film that’s worth our time and efforts.”

Si Ina Feleo, bagay na bagay palagi sa kanya ang mga roles ng isang female journalist. May isa na siyang pelikula dati na ganun din ang role niya- isang lumalabang mamahayag, at humanga rin kami. Sa pelikulang ito, very effective ang kanyang portrayal.

Si Ping Medina, aba naman, ang akala namin ay ang utol lang niyang si Alex Vincent  Medina ang pupukyaw sa aming damdamin dahil sa lakas ng sex appeal, pati rin pala itong si Ping. Umapaw ng husto ang lakas ng sex appeal ni Ping sa pelikulang ito- portraying a mysterious government military man na nag-surveillance sa karakter ni Ina.

Kamangha-mangha naman ang estilo ng acting na ipinakita rito ni Lester Llansang, na kung saan, ang karakter niya ay lumitaw lamang sa latter part ng film, pero nilamon nang lahat ang iba pang characters sa pelikula. Kasi nga, nabigyan ni Lester ng tamang timpla ng emosyon ang karakter na ginampanan niya dito. Isang napakagandang karakter na pampelikula! That, of a young computer genius who did solve everything, every question, that sorrounded the many conflicts of this wonderful film.

Idinagdag pa ang napakagandang backdrop on the Moriones festival sa Marinduque, at properly connected ang setting sa mismong istorya ng pelikula. Kudos!

Nakalimutan lang namin ang pangalan ng scriptwriter ng pelikula, maski ba nabasa na namin sa credits ang name niya at narinig din ang name niya sa Q & A na idinaos after we watched this film sa Gala Premiere nito ng nagdaang gabi. Pero iisa lang ang masasabi namin sa sumulat ng pelikulang ito: “Ang galing mo!”

Sana nawa, marami pang “Jun Lozada” (isang famous witness) ang maging matapang pagkatapos mapanood ang pelikulang MASKARA. Dahil gaya nga ng nasabi ng scriptwriter ng pelikulang ito: “Si Jun Lozada ang naging inspirasyon ko sa pagsulat ng pelikulang ito”.

Oo, ang MASAKARA. Ito nga ang katotohanang binabalutan ng HIWAGA!

 

(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)

PICTURES BELOW, COURTESY OF MR. LANCE RAYMUNDO, TAKEN LAST JUNE 26, AT THE GALA PREMIERE OF “MASKARA” (Entry to World Premieres Filmfest).**

lance: off to the gala premiere of the film "maskara"
lance: off to the gala premiere of the film “maskara”
ping medina, lance raymundo and ina feleo
ping medina, lance raymundo and ina feleo

maskarax2 maskarax3

the group at their gala premiere
the group at their gala premiere
lance with direk genesis nolasco
lance with direk genesis nolasco
lance with direk laurice guillen (ina feleo's mom)
lance with direk laurice guillen (ina feleo’s mom)
chamee raymundo, nina raymundo (lance's mom), lance and a friend
chamee raymundo, nina raymundo (lance’s mom), lance and a friend
ping medina, a friend and lance
ping medina, a friend and lance
lance, ina and a friend
lance, ina and a friend

 

 

 

 

One thought on ““MASKARA”: ISANG KATOTOHANANG BINABALUTAN NG HIWAGA (isang film review para sa pelikulang “maskara”, sa direksyon ni genesis nolasco)…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s