(from pep.ph): “Lance Raymundo considers running for politics”


lance: "not on this term, but in the near future... i will enter the world of politics."
lance: “not on this term, but in the near future… i will enter the world of politics.”

lancex2

lancex3

“Lance Raymundo considers running for politics”

(ARTICLE COURTESY OF PEP.PH AND WRITTEN BY MR. RUEL MENDOZA)

pep

Pinag-iisipan ng singer-actor na si Lance Raymundo ang pagpasok sa politics.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lance sa press launch ng Filipino New Cinema last June 4 sa Torre Vinezia Suites in Quezon City, naikuwento nito ang pagkakataon niyang makaharap ang ilang senators at makipag-dialogue siya sa mga ito.

Doon daw naisip ni Lance na parang gusto niyang pasukin na rin ang politics dahil marami rin siyang gustong maganap na pagbabago sa ating bansa.

“Nasa dugo ko naman ang pagiging pulitiko, e.

“My grandfather used to be a congressman in San Juan, may uncle din akong naging vice-mayor ng San Juan.

“And my Kuya Rannie [Raymundo] served as kagawad also in San Juan.

“Kaya no doubt, kung papasukin ko na ang politics, sa San Juan ako tatakbo.

“Okey sa akin na simulan ko muna sa pagiging kagawad or puwede na ring mag-councilor muna ako,” ngiti pa niya.

PREPARATION. Pero hindi pa raw tatakbo si Lance sa 2016 elections.

“Baka sa susunod pang election. Not this 2016, I need to prepare for it.

“Ayoko namang pasukin ang isang bagay na wala pa akong masyadong nalalaman.

“I want to take up a course in Public Administration at gusto kong mag-observe din sa ibang mga politicians.

“Gusto ko na kapag pinasok ko ang politics, marami na akong alam at handang-handa na ako,” diin pa ni Lance.

Sa ngayon ay concentrated si Lance sa acting dahil naging suki na siya sa paglabas sa indie films.

PROJECTS. Kabilang sa indie films na nakasama si Lance ay ang Fidel, Sigaw Sa Hatinggabi, Esoterika: Manila, Gemini, Tinik, Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, Fling at Ang Nerseri.

Ang latest ay ang indie film na Maskara na isa sa walong official entries ng World Premieres Film Festival Philippines 2015 para sa Filipino New Cinema section nito. Magsisimula itong ipalabas sa mga SM Cinemas on June 24 hanggang July 7.

Kuwento ni Lance na hindi niya tinanggap ang lumabas sa isang malaking teleserye na umeere na ngayon dahil ayaw niyang malagay sa kompromiso.

“When the offer for the teleserye came, naka-oo na ako sa pag-shoot ng Maskara.

“Ang location pa naman namin ay sa Marinduque. So, ang hirap na mag-back and fourth ako kung tinanggap ko ang teleserye.

“Nag-apologize nga ako sa talent coordinator dahil gusto nila ako para sa particular role sa teleserye.

“Pero I said nga na hindi ko magagawa dahil nakatali na ako sa paggawa ng indie film.

“’Tsaka maganda ang role na binigay sa akin sa Maskara, a role that I can never turn down.

“Kaya I decided to turn down the teleserye.”

For the first time kasi ay hindi gaganap na kontrabida si Lance sa naturang indie film. Sa mga nagawa na niyang mga indie films kasi ay halos lahat ay kontrabida siya.

“Here in Maskara, I play a millionaire owner of a company na iniimbestigahan ng isang journalist played by Ina Feleo.

“Actually my role is parang mysterious. Hindi mo alam kung mabait ba siya or may tinatago siyang ibang personality.

“That’s why I want to do the movie kasi it’s a different character na first time kong gagawin.

“Plus the fact that I get to work with accomplished actors like Pen Medina, Boots Anson-Roa and, of course, Ina Feleo who is very good in this movie.”

MUSIC CAREER. Nais ding balikan ni Lance ang kanyang music career.

Una nga namang nakilala si Lance bilang singer at nagkaroon siya ng self-titled album na ni-release noong 2000.

“More than 15 years ago na nga since I had an album.

“Mahilig pa naman akong mag-write ng songs and, hopefully, makagawa ulit ako ng bagong album.

“Ngayon kasi ang uso ay mga digital downloads na.

“Una mong ipo-promote ang mga songs aand music videos mo via social media like Facebook, Twitter, Instagram, and YouTube.

“Mahirap na ang makisabay ngayon dahil ang mga nag-a-album ngayon ay yung may malaking fan base sa social media.

“Mabuti na lang at kapag naimbitahan ako sa mga out-of-town shows, kilala pa rin nila ako as a singer.

“Kaya sa mga gano’ng venues ako nagiging singer ulit.

“Hopefully, kapag nabawasan na ang work natin as an actor, ang pagiging singer naman ang muli kong haharapin.”

Read more at http://www.pep.ph/news/53442/lance-raymundo-considers-running-for-politics#fkjGj808CUEBZf4W.99

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s