mula sa isang “harana” ng dalawang kaibigan, ipinabatid ang pagdating ng isang binata- si drew magbag!


drew magbag with blogger sssip
drew magbag with blogger sssip
from left to right: mr. martin martin, blogger sssip and drew
from left to right: mr. martin martin, blogger sssip and drew
drew (third from left) with the models of elites model management and blogger sssip at the araneta concert of philippine stagers foundation last year
drew (third from left) with the models of elites model management and blogger sssip at the araneta concert of philippine stagers foundation last year
handsome, cute, lovable DREW MAGBAG
handsome, cute, lovable DREW MAGBAG

 

 

Mula sa iyong pagtulog, minsa’y makakarinig ka ng musika. Tulog ka man at walang nakikita, damang-dama mo naman ang musikang iyon na nanggagaling kung saan- marahil, mula sa pinakamalalim na aspeto ng iyong kaluluwa, o, mula sa mga kaibigang hindi mo nakikita na pisikal na mundong ito.

Kung minsan din, isinasaad sa mga panaginip mo, may makikilala kang bagong kaibigan, bagong inspirasyon, bagong aalagaan at susuportahan. Mula kung saan, alam mong ipinakita na siya sa iyo sa isang panaginip?…. Marahil. At, iyon  ang:

“Isang munting harana, para sa iyo.”

 

IPINAKIKILALA: Ginoong DREW MAGBAG.

Siya ay 15 years old pa lamang, bagets na bagets pa. Isang swimmer ng Philippine Swimming Team mula sa isang organisasyon ng mga swimmers na lumalangoy sa Marikina Sports Complex. Nanalo na siya ng 4th place sa swimming sa isang national competition.

Hanggang sa matuklasan siya ng isang modelling agent na si Jhay Layson, pagkatapos nu’n, inilapit naman siya ng kanyang ninang sa Godefather ng Elites Model Management na si Mr. Martin Martin. At ngayon, puspusan na ang pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng mabait niyang manager na si Mr. Martin nga.

Lately lang, natapos niya ang isang strenous Acting Workshop mula sa isang major film company na planong i-build-up siya. Kaya naman, nag-boost-up ng husto ang self-confidence ng dating mahiyaing bata na ito.

“Ang dami ko pong natutunan sa acting workshop na iyon”, sabi pa ni Drew. “mas lumalim po ang pagtao at ‘yung passion ko to act, mas lalong naging intense. Nagpapasalamat po ako sa ibinigay nilang pagkakataon sa akin.”

Bukod sa pag-aartista, si Drew ay papasok rin bilang isang model. Sa batang edad, ang height niya ay 5’9″ na tamang-tama sa mundo ng modelling. Marami nang offers ngayon na pumapasok kay Drew at pinag-aaralan muna itong maige ni Mr. Martin Martin.

“Ang unang-unang break ko po sa modelling ay ‘yung sa Araneta Coliseum- ‘yung concert na Stagers: Live At The Big Dome kung saan po naging guests kaming mga Elites models sa concert na iyon ng Philippine Stagers Foundation”, muling sabi pa ni Drew. “Talagang very memorable sa akin iyon. It’s my first big step into the world of modelling.”

Sa ngayon ay scholar sa U.P. Diliman si Drew, kung saan ay isang varsity player siya sa swimming ng U.P. Kaya naman daw pagsabayin ni Drew ang pagpasok sa showbiz at modelling, in-between his skeds on swimming and studies. Bata pa naman siya at hindi siya nagmamadaling sumikat. Kaya naman biglang naalala ng isang blogger ang aktor na si Richard Gomez nu’ng kabataan pa nito na nagawa ring pagsabayin ang pagiging isang athlete at isang pagiging aktor.

To think, malaki rin ang pagkakahawig ni Drew sa aktor na si Richard Gomez nung kabataan nito. Matangkad, moreno, very sweet sa pakikitungo sa mga tao. Parang “deja-vu” nga sa isang blogger ang unang panayam niya kay Drew, eh. kasi naman, ganu’n na ganu’n din ang eksena nila ni Richard Gomez not so many years ago. Nung baguhan pa lamang si Richard sa pag-aartista, at baguhan pa lamang din ang blogger na iyon sa pagsusulat….

Anyway, isa lang ang masasabi ni Drew ngayon:

“Tulad po ni Richard Gomez, I will be very serious and dedicated sa papasukin kong larangan sa pag-arte at pagmo-model”, sey ni Drew sa pagtatapos. “I promise that. And I will do my best po. At sa tulong po ninyong lahat, alam ko pong mararating ko ang mga pangarap ko. Kaya maraming salamat po.”

 

(words by robert manuguid silverio)

DREW ON HIS FIRST MODELLING GUESTING APPEARANCE AT "STAGERS: LIVE AT THE BIG DOME" LAST YEAR
DREW ON HIS FIRST MODELLING GUESTING APPEARANCE AT “STAGERS: LIVE AT THE BIG DOME” LAST YEAR
DREW IN HIS ELITES T-SHIRT
DREW IN HIS ELITES T-SHIRT
SHOW ME THOSE DIMPLES, DREW... OH, MY.
SHOW ME THOSE DIMPLES, DREW… OH, MY.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s