tessie lagman’s make-over at angelo falconi salon!


 

Very flattered si Mr. Angelo Falconi, owner of Angelo Falconi chain of salons sa pagbisitang ginawa sa kanya ng veteran celebrity-radio broadcaster-actress na si Ms. Tessie Lagman sa kanyang branch sa may Shell Almanza, Alabang-Zapote road, Las Pinas a few days ago.

Maganda na si Tita Tessie pero mas lalo pang pinaganda ni Angelo Falconi with his “Midas Touch” of beautifying people. Napansin ni Mr. Falconi na mas bagay kay Tita Tessie ang golden brown color, kaya hayun, inilabas ni Mr. Falconi ang L’Oreal products niya sa buhok para kulayan ng golden brown color ang buhok ni Tita Tessie.

Pagkatapos nu’n, napansin din ni Mr. Falconi na medyo mali ang “cut” ng buhok ni Tita Tessie. Kaya inayos niya maige ang cut ng hair ng veteran female celebrity. The result: a total makeover!

Mas lalong bumata ang hitsura ngayon ni Tita. Sa mga Facebook pages nina Mr. Falconi at Tita Tessie, grabe. Marami talaga ang humanga. Maraming fans ni Tita Tessie ang sumaya at natuwa sa napaka-sosyal na look now ni Tita Tessie dahil beautifying hands ni Angelo Falconi. Maski sa FB ni Angelo Falconi, marami rin ang pumuri sa ginawa niyang pagpapaganda kay Tita Tessie.

“Tama lang na magpaganda ako ngayon, Robert”, wika ni Tita Tessie sa isang blogger. “Malapit nang magsimula ang second movie ko na ididerehe ni Edd Palmos. Ang magiging role ko ay nanay ni JM de Guzman, kung sakali mang tanggapin ni JM ang movie namin. Kaya dapat na baguhin ko ang looks ko, dahil isang sosyal na nanay ang role ko sa movie. Salamat kay Angelo Falconi sa ginawa niyang pagpapaganda sa akin.”

Pero ang hindi alam ni Tita Tessie, “secret” fan niya pala si Mr. Angelo Falconi. 

“It’s my honor na bumisita siya sa salon ko”, wika ni Angelo. “Ang pangalang Tessie Lagman ay isa nang institusyon sa showbiz. Kaya na-challenge ako talaga to transform her looks. Salamat, Robert, at dinala mo siya sa salon ko.”

Nasa ibaba ang mga larawang kuha ni Tita Tessie habang inaayusan siya ni Angelo Falconi.

 

(words and photos by robert manuguid silverio)

 

tessie tessie2 tessie4 tessie6 tessie7

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s