tessie lagman plans to hold a major concert with the ’70’s icons on the month of november…


tessie lagman during 1970's
tessie lagman during 1970’s
tessie lagman in "operetang putol-putol" radio musical program during the '70's
tessie lagman in “operetang putol-putol” radio musical program during the ’70’s
tessie lagman now
tessie lagman now
tessie in yesteryears
tessie in yesteryears
tessie in her radio program every saturday night at dzrm
tessie in her radio program every saturday night at dzrm

The era of 1970’s is one of the most thrilling eras and generation of this world. It’s an era wherein music, arts, fashion, and other kinds of greatness prevailed in the lives of ordinary Filipino people.

Ang daming nagsulputang mga magagaling na singers and performers nu’ng panahon na iyon. Kaya naman naisipan ngayon ni Tessie Lagman na pagsama-samahin silang lahat sa isang major concert na gaganapin sa buwan ng Nobyembre.

Bale benefit concert lang na masasabi iyon, and sorts of reunion na rin with fellow singers and artists nu’ng Dekada ’70. Isa kasi si Tessie Lagman sa mga naging prominent celebrities nu’ng panahon na iyon na sikat na sikat sa ere ang radio program na Operetang Putol Putol, bukod pa sa mga awitin din niyang sumikat ng mga kanahunan na iyon.

“Nakausap ko na sina Maribel Aunor, Eddie Ilagan, Cynthia Garcia, at iba pa”, wika ni Tessie sa isang blogger. “Lahat sila ay excited sa gagawin naming proyekto. Kaya duon sa iba na gustong makasali sa concert na ito, kontakin lang nila ako. Suportahan nila ako. Ang tanging hangad ko lang ay magkasama-sama muli kaming lahat.”

Sa buwan na ito ng Hunyo, magkakaroon naman ng World Premiere ang pelikulang “Butanding” na kung saan ay may mahalagang papel si Tessie sa pelikula. Pinahanga niya si direk Ed Palmos sa kanyang galing sa pagganap. Kaya naman hindi malayong magiging aktibo sa pag-arte sa mga susunod na araw si Tessie.

Samantala, ang salon owner na si Angelo Falconi ay na-curious na mas ayusan pa at mas pagandahin pa si Tita Tessie kaya inimbita niya ito na pumasyal sa kanyang Angelo Falconi Salon na located sa may Shell station in Almanza St., Las Pinas. Kilala si Mr. Falconi as one of the best endorsers of L’oreal beauty products at aktibong miyembro ng PICA (Phil. International Cosmetologists Association) ni Fanny TF Serrano. Malaki ang respeto ni Mr. Falconi sa mga veteran celebrities na tulad ni Tita Tessie.

MR. ANGELO FALCONI OF ANGELO FALCONI CHAIN OF SALONS
MR. ANGELO FALCONI OF ANGELO FALCONI CHAIN OF SALONS

“It will be my honor na maayusan ko s’ya”, wika pa ni Angelo Falconi, ang magaling na hairdresser. “Bata pa ako ay hanga na ako sa kanya kapag nakikinig ako sa radyo. I am glad na aktibo na naman siya ngayon sa showbiz. Hindi siya kumukupas.”

Kaya naman, kung may Gloria Romero si Fanny TF Serrano, meron naman ngayong Tessie Lagman si Angelo Falconi.

Abangan natin ang pagbisita ni Tita Tessie sa Angelo Falconi Salon, in photos, soon!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s