isang blog tribute para kay mr. charlie peralta (r.i.p.): “Charlie, ‘wag kang mangamba, hindi ka nag-iisa…”


charlie peralta, rest in peace.
charlie peralta, rest in peace.

 

“Charlie, ‘wag kang mangamba, hindi ka nag-iisa…”

Charlie, kung ikaw man ‘yung bumisita sa aking silid nu’ng isang mainit na hapon, bandang alas-tres, okey lang ‘yun sa akin…

Dahil alam ko, narinig mo ang ang pangalan mo nu’ng nasambit ko sa aking isipan ang iyong pangalan, nu’ng mismong mga sandaling iyon na nalungkot ako sa iyong pagyao at paglisan…

Bumukas ang silid ko at pagkatapos ng limang minuto, malakas na nagsara.

Nakadama ako ng kasama, isang very light na kasama, very relaxing, very jolly… pero nakadama rin ako ng kaunting galit, kasi tinatamad akong magpunta sa lamay mo nu’ng hapon na iyon…

At kagabi, finally, I managed to conquer my negativity at malumanay akong nakapunta sa Marian Memorial Chapels kung saan ay nakahimlay ka…

Kaibigan ko ang iyong asawang si Marivic, at kapitbahay namin kayo sa Kingsville Subdivision…

Pero higit pa roon, kasamahan ka ng aking ama sa industriya. Kaibigan mo ang aking ama… at ako.

Marahil, ang pagbukas ng pintuan sa aking kuwarto maski walang hangin at napakainit- ay, isang imbitasyon mula sa iyo na dalawin kita.

Kaya naman, ngayon ko nadama, mahal din pala ako ng mga tao sa showbiz…

Na tulad mo, naaalala pa rin nila ako, at, iniimbita.

Salamat, Charlie.

 

Kagabi, nakausap ko ang iyong anak na si Charleson.

Napakaganda ng mga napag-usapan namin…

Kaya alam ko, nasaan ka man ngayon, ay tanggap mo na. 

Dahil gaya nga ng nasabi sa akin ni Charleson, you lived a full life…

Ibinuhos mo sa industriya ng pelikula ang buong pagkatao mo’t kaluluwa…buong-buo at halos wala ka nang itinira sa sarili mo.

Maski ba kadalasan, nawawaglit na sa isipan mo na may anak ka- si Charleson, na mahal na mahal na mahal ka.

Kaya naman nung mga huling araw ninyo together, nasulit lahat ang mga pagkukulang…

Nagkasama kayo ng iyong anak ng buong-buo. Nag-akapan, nag-arugaan, nagmahalan…

Kaya naisip ko, Charlie, ngayong buhay pa ang aking ama, hindi ko na siya pababayaan.

Salamat kay Charleson, at may natutuhan ako sa kanya.

 

Huwag Kang Mag-alala, Charlie.

Hindi ka nag-iisa.

Narito kaming lahat para sa iyo.

At ihahatid ka ng mga “kaibigan” ko…

Hindi ka NILA pababayaan.

 

Balang araw, Charlie, magkikita pa rin tayo.

Hintayin mo lang ako.

Pero ngayon,

PAALAM MUNA.

 

PAALAM.

 

at, PAHABOL, ikaw si “CHARLIE BROWN”.

CHARLIE V

 

 

(isang blog tribute para sa yumaong si Charlie Peralta, isang film cinematographer ng Star Cinema Productions, iniakda sa petsang Mayo 26, mula sa kakaibang dimensyon ng panahon at oras, kasama ang “65”.***)

 

MGA KUHA SA WAKE NI CHARLIE PERALTA NUNG MAYO 25, 2015 SA IBABA, PHOTOS BY ROBERT SILVERIO:

“flowers for charlie”

peralta6peralta9peraltaperalta5

charlie's kids- charleson and his sister
charlie’s kids- charleson and his sister
blogger robert silverio
blogger robert silverio
flowers from krisma maclang fajardo
flowers from krisma maclang fajardo
flowers from sharon cuneta and kiko pangilinan
flowers from sharon cuneta and kiko pangilinan
flowers from mayor herbert bautista
flowers from mayor herbert bautista
flowers from star cinema productions
flowers from star cinema productions
FLOWERS FROM MS. CHARO SANTOS CONCIO
FLOWERS FROM MS. CHARO SANTOS CONCIO
flowers from ogie alcasid
flowers from ogie alcasid
flowers from lorna tolentino and rap fernandez
flowers from lorna tolentino and rap fernandez
FLOWERS FROM ABS-CBN
FLOWERS FROM ABS-CBN

peralta8peralta9

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s