jules guiang, hessa gonzales and pj aguilar conquers “youthtalk” radio program of mommy renee garcia!


the happy group last may 20 at dzrb's "youth talk" radio program: jenn, jules, robert, pj, mommy renee, hessa and frederick
the happy group last may 20 at dzrb’s “youth talk” radio program: jenn, jules, robert, pj, mommy renee, hessa and frederick
robert, pj, mommy renee and frederick
robert, pj, mommy renee and frederick

renee3

inside the dzrb radio booth: jules, mommy renee, mr. martin martin, frederick, hessa, jenn, robert and pj
inside the dzrb radio booth: jules, mommy renee, mr. martin martin, frederick, hessa, jenn, robert and pj

renee5renee6renee7

inside the dzrb radio booth: jules, mommy renee, mr. martin martin, frederick, hessa, jenn, robert and pj
inside the dzrb radio booth: jules, mommy renee, mr. martin martin, frederick, hessa, jenn, robert and pj

Super saya nu’ng hapon na iyon ng Mayo a-beinte sa radio booth ng DZRB “Radyo Ng Bayan” na kung saan on-going ang programang Youth Talk ni Mommy Renee Garcia. Walang humpay na tawanan, biruan, kulitan, at kung anu-ano pa ang nangyari at naganap. Napaka-lively kasing mag-host ng programa ni Mommy Renee, kasama ang co-host niyang si Jenn Tabaosares at ang daily student practitioners na araw-araw na nagpa-participate sa nasabing programa ni Mommy Renee.

Nag-promote kasi nu’ng hapon na iyon sina Jules Guiang (ang napaka-tikas at napaka-guwapong U.P. Diliman graduate turned TV host ng mga programa sa PTV-4) at Hessa Gonzales (an Elites model na TV host na rin ngayon) ng kanilang bagong T.V. program sa PTV-4 na “Iskoolmates”, dahil sa nalalapit na nitong TV airing sa buwan ng Hunyo.

At hindi inaasahan ni Mommy Renee na darating pala ang very cute and handsome na latest Elites model na si PJ Aguilar, kasama ang mommy nitong si Mrs. Ong at ang manager niyang si Mr. Martin Martin. Also in tow is blogger SSSIP* na walang iba kundi ang yours truly- Robert Manuguid Silverio.

Agad na nag-promote si Mommy Renee ng blog site na SSSIP.WORDPRESS.COM sa kanyang radio program, and as the show ventured on, tinalakay na nila ang mga details ukol sa bagong TV show na “Iskoolmates”, at maagap at kay gagaling namang sinagot nina Jules at Hessa ang mga katanungan ng mga student practitioneers ukol sa bagong TV show nila.

Very amiable and friendly ang dalawang hosts ng “Iskoolmates” na sina Jules at Hessa, sayang lang nga at hindi nakasama sa kanila nu’ng hapon na iyon si JV Cruz, ang theater actor ng Philippine Stagers Foundation na kasama rin sa nasabing TV show as Jules and Hessa’s co-host. Pero nakikinig naman daw si JV nu’ng mga oras na iyon sa nasabing radio program, hindi lamang ito nakapunta dahil sa isang very important theater rehearsal sa PSF.

Bigla ding dumaan sa radio booth ni Mommy Renee si Mr. Frederick Aquino, ang Associate Producer ng programang “Personage” at Producer naman ngayon ng “Iskoolmates”. Nakigulo din siya sa grupong nagkakasayahan.

Kilig na kilig naman ang mga student practitioners sa kaguwapuhan ni PJ. Kaya panay ang biro ni Mommy Renee sa mga ito at tinutukso kay PJ. Pero katuwaan lang naman. Kay lakas-lakas naman kasi ng appeal ni PJ sa mga kapwa-kabataang tulad niya kaya nakakatiyak kaming sisikat ang batang ito once na mabigyan ng proper break sa movies at modelling world.

Below are the pictures taken by Mr. Martin martin nu’ng hapon na iyon sa DZRB radio booth ni Mommy Renee. Enjoy and cherish!

 

(words by robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s