GERALD SANTOS, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA CONCERT!


"HAPPY BDAY TO ME LAST MAY 15!!! Hehe!! Seriously, MARAMING MARAMING SALAMAT UNA AY SA ATING DIYOS SA PATULOY NA BUHAY AT MGA BLESSINGS NA BINIBIGAY NYA!!! SA AKING FAMILY WHO CONTINUES TO BE MY INSPIRATION!!! SA LAHAT NG MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA SA AKIN!!! SYEMPRE SA TEAM GERALD NA ANDYAN PALAGI PARA SA AKIN!!! MAHAL NA MAHAL KO KAYO!!! Team, request ko na patuloy nyo ipag-pray yung concert ko sa PICC on June 13 ha.. I need your support!! WISH KO SA BDAY KONG ITO NA BUMUHOS ANG TEAM GERALD SA PICC sa June 13! INGAT KAYO TODAY AT ENJOY TAYONG LAHAT SA BDAY KO!!!  SALAMAT SA LAHAT NG WELL-WISHERS!!!!
“HAPPY BDAY TO ME LAST MAY 15!!! Hehe!! Seriously, MARAMING MARAMING SALAMAT UNA AY SA ATING DIYOS SA PATULOY NA BUHAY AT MGA BLESSINGS NA BINIBIGAY NYA!!! SA AKING FAMILY WHO CONTINUES TO BE MY INSPIRATION!!! SA LAHAT NG MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA SA AKIN!!! SYEMPRE SA TEAM GERALD NA ANDYAN PALAGI PARA SA AKIN!!! MAHAL NA MAHAL KO KAYO!!! Team, request ko na patuloy nyo ipag-pray yung concert ko sa PICC on June 13 ha.. I need your support!! WISH KO SA BDAY KONG ITO NA BUMUHOS ANG TEAM GERALD SA PICC sa June 13! INGAT KAYO TODAY AT ENJOY TAYONG LAHAT SA BDAY KO!!! SALAMAT SA LAHAT NG WELL-WISHERS!!!!—RALD.
GERALD DURING HIS LAST BDAY BASH
GERALD DURING HIS LAST BDAY BASH
GERALD WITH HIS FAMILY AND RELATIVES
GERALD WITH HIS FAMILY AND RELATIVES
'Good aftie Team! Thank you sa CITYSTATE TOWER HOTEL in Mabini Manila for hosting my bday celebration kagabi!!! I had a blast! Thank you Sir Ed and Ma'am Jenny Cabangon sa inyo pong suporta! Ingat kayo Team ha.."--- RALD
“Good aftie Team! Thank you sa CITYSTATE TOWER HOTEL in Mabini Manila for hosting my bday celebration kagabi!!! I had a blast! Thank you Sir Ed and Ma’am Jenny Cabangon sa inyo pong suporta! Ingat kayo Team ha..”— RALD
GERALD: SARAP-SARAP NAMAN...
GERALD: SARAP-SARAP NAMAN…

Puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Prince of Ballad na si Gerald Santos para sa kanyang nalalapit na GERALD SANTOS: METAMORPHOSIS concert sa PICC (Philippine International Convention Center) sa June 13, 2015, at 8 p.m. Marami kasing pasabog ang ibbigay niya sa mga manonood sa gabi ng concert! Ibang Gerald Santos talaga ang masasaksihan ng kanyang mga tagahanga dahil bawat number sa concert ay dibdiban na ang pag-eensayo ng singing champion. Halos araw-araw ay may ensayo si Gerald sa pagsayaw at pagkanta.

Hindi naman kataka-taka na mag-expect ng malaki ang mga tao sa concert na ito. Nanalo na si Gerald sa Aliw Awards noong 2011 bilang Best Male Concert Performer at sa magkakasunod na taon mula 2011 hanggang 2014 ay naging nominado pa rin siya sa Aliw Awards bilang best Male Concert Performer. 

Noong 2013 naman ay naging nominado rin siya sa Star Awards for Music bilang Male Concert Performer of the Year. Nakakasiguro, samakatuwid, ang mga manonood na isa na namang award-winning concert performance ang ibibigay ni Gerald Santos sa mga manonood dito sa “Metamorphosis” concert niya. Wika nga, “if it’s from Gerald Santos, it must be great!”

Ipapakita ng concert na ito ang mga pagbabago kay gerald mula sa kanyang amateur singing days hanggang sa ngayong isang magaling at sikat na singer na ng bansa. Siguradong magiging sentimental ang mga taong walang sawang sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ni Gerald. Mamamangha ang lahat sa napakalaking pagbabago ni Gerald sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay at karera!

Sa unang pagkakataon ay isang symphony orchestra ang tutugtog kay Gerald. Nakakauwa dahil maging ang kanyang musical director na si Jeremy Alex Salva ay napakabata at talagang namang henyo sa larangan ng music. Kaya maasahang isang maganda at makabuluhang gabi ang ipakikita sa inyo ni Gerald.

Makakasama din ni Gerald ang MICA (dating Cercado sisters), Ali Forbes, Azrah Gaffoor, Yuan Santiago at ilan pang sorpresang guests. Magiging front acts ang Freshmen at Intensity boy singing groups.

Ang gerald Santos: metamorphosis concert ay mula sa konsepto, panulat at direksyon ni Mr. Cocoy Ramilo.

Available ang tickets ng GERALD SANTOS; METAMORPHOSIS sa SM Tickets (470-2222), PICC (7894789) 0 mag-text sa 0928-4782957.***

One thought on “GERALD SANTOS, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA CONCERT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s