ISANG BUKAS NA LIHAM: “PATAWAD, GINOONG VINCE TANADA AT SA LAHAT NG KASAPI NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION…”


me and vince

 

 

“when someone you love was gone, left you, got mad and went farther away from you in an eternal land of no endings and begginings, maybe he didn’t really leave… maybe, it was meant to be that way?… maybe, he had to do it because of a greater meaning…. AND MAYBE, JUST MAYBE, YOU JUST HAVE TO FIND HIM IN A DIFFERENT WAY.”

 

“PATAWAD, GINOONG VINCE TANADA AT SA LAHAT NG KASAPI NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION”

 

Minamahal kong Ginoong Vince Tanada at lahat ng kasapi ng Philippine Stagers Foundation,

Nu’ng bata pa ako, madals akong kargahin ng lolo ko kapag iyak ng iyak ako at hindi niya ako mapatahan sa tantrums ko. Pero hindi siya naggi-give-up, hindi siya titigil hanggang sa mapatahan niya ako sa pag-iyak. Walang kuwenta ‘yung mga biskwit at kendi na binibigay niya sa akin, dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Pero minsan, naisipan niyang patugtugin ang kantang “Monn River” para mapatahan niya ako. At doon, pagkadinig ko pa lamang nung awiting ‘yun nu’ng baby pa ako, du’n pa lang ako tumigil sa pag-iyak.

Pero ngayon ay matanda na ako, I am 50 years old and I must act like one. I just don’t know why I am still projecting a character of that of a KID. At hindi ko rin alam kung bakit sa mga taong mahal na mahal ko, nakakagawa ako ng mga bagay-bagay na labis na ikinasasakit ng kalooban nila. Dahil lamang sa simpleng bagay na MAHAL NA MAHAL ko sila, dahil lamang sa mga kadahilanan na akala ko, lumalayo na sila at hindi na nila ako mahal.

Isa, dalawa, tatlo… o mahigit pa. Ilang beses kong nasaktan ang damdamin mo, Ginoong Vince Tanada. Iyon ay dahil lamang sa mga insecurities ko, sa mga maling pag-iisip ko na mas mahal mo na ang ibang media friends natin, na minsan din, akala ko’y nagbago na kayo at ang mga Stagers ng Philippine Stagers Foundation.

Minsan naman, dahil sa kagustuhan kong mas mapansin kayo, nakakapagsulat din ako ng medyo objective na criticisms – at iyon ay nagawa ko dahil gusto kong mapag-usapan lamang kayo ng mas ibayo pa. Malinis ang intensyon ko. Gusto kong mas pasikatin pa kayo ng husto- dahil bilib na bilib ako sa husay at kagalingan ninyo.

Pero ‘yun nga, napapasama kung minsan. At itong pinakahuling atake ko sa inyo sa Facebook posts ko ang siyang nagpa-realize sa akin ng mga kamalian ko. Nu’ng sagutin ni Patrick Adrian Libao, kasama nina JP Lopez, Anna Bautista, Tere Tajan, JM Encinas, John Rey Rivas at iba pa ang mga maling nai-post ko, para akong nabuhusan ng napaka-lamig na tubig. Doon ko na naramdaman ng husto na MALING-MALI AKO.

Over na ako sa pagseselos, over na ako sa pagtatampo, over na ako sa pag-iisip na may mas mahal na kayong ibang media people.

Isa pa, hindi naman talaga kasi “showbiz” ang pag-uugali ninyong lahat, eh. Iba ang upbringing ninyo, nasa mas respectable field kayo sa mundo ng Teatro. Mga totoong tao kayo.

At iyon siguro ang dahilan kung bakit sobrang nasaktan kayo sa akin.

Itinuring ninyo na ako halos na Kapamilya, Kaibigan, Kapatid, Kapuso… Tapos, ganu’n pa ang nagawa ko sa inyo.

Wala na nga siguro akong mukha na maihaharap sa inyo. Lalo na sa iyo, Ginoong Vinca Tanada, sampu ng pamilya mo na nagmahal, naging very sincere and very warm sa akin.

Nu’ng isang gabi, umiyak ako. Umiyak ako dahil naiiisip ko kayo. Kayo na kasi ang masasabi kong PINAKAMAMAHAL kong mga taong nakilala ko sa industriyang ito.

Sabik na sabik na akong makita kayong lahat sa muli. Huling kita ko kay Vince ay nuong Enero pa ng taong ito, kaya napakatagal na nu’n. Ito rin ang dahilan siguro kung bakit ako nagpa-pansin sa kanya ng husto. Kasi ilang buwan ko nang hindi nakikita ang TUNAY NA KAIBIGAN ko.

Pero ngayon, ano pa ba ang mukhang maihaharap ko sa inyong lahat? Nami-miss ko na ang mga ngiti ni Vince, ang prangka pero malambing na pakikitungo sa akin ni Mommy Emy, ang napaka-charming na pagbati sa akin nina Anna at Elaine… at, ang napaka-totoong pakikitungo sa akin ng Stagers.

From hereon, I just don’t know where will I go. Deep inside me, alam ko namang kung ako mas papipiliin at kung ano ang mas gusto ko, pipiliin ko si Vince at ang Philippine Stagers Foundation. Pero kung sino pa ang mas minahal ko ng husto, ‘yun pa ang nasaktan ko ng grabe.

PATAWAD, GINOONG VINCE TANADA AT SA LAHAT NG KASAPI NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION. ISANG WALANG-HANGGANG PATAWAD.

Ito na nga siguro ang pinakamatinding leksyon ng buhay ko. Isang malaking aral. Isang malinaw na senyales para magbago na ako.

Ang pagmamahal pala, hindi nadadaan sa mga maling asal, hindi nakukuha sa mga selos, panibugho at insecurities.

Kapag nagmahal ka, dapat pala ay confident ka rin sa sarili mo na mahal ka nila. At doon ako nagkulang.

Sa buhay na ito, inaamin ko, lagi na lamang akong nasasaktan. Kung iibig pa ba akong muli sa mga buhay na nilalang? Takot na rin ako.

Basta ang mahalaga, alam ko, minahal n’yo rin ako, Vince at PSF.

Basta rin ang alam ko, mananatili ang mga magagandang ala-ala ko sa inyong lahat.

Sabi nga ni JP Lopez, it’s hard to pick-up now the broken pieces of my life. It’s hard to fix a broken glass jar.

But I will pray hard that you will all forgive me. Maski maliit na pagpapatawad lang, gagaan na ang kalooban ko.

Susubukan kong painitin ang mga broken glasses na iyon para mag-melt at matunaw at maging buo ulit. ISANG NAPAKAINIT NA PAGMAMAHAL.

Dahil ang mga glasses na nabiyak, maski na ang mga kahoy na nabali, nabubuo ulit iyon sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at pagmamahal.

Sana, mangyari iyon. Sana, mapatawad n’yo pa rin ako.

Dahil ang alam ko, kayo’y mga BUHAY NA ANGHEL. Nagsusuot lamang kayo ng maskara upang maka-cope-up sa inyong mga propesyon at gawain. But deep within you all, are soft and kind hearts. Tumutulong, sumusuporta, gumagabay…

Dahil kayo’y mga ANGEL-WARRIORS. Brave, fierce, strong.

Dalawa kasi ang konsepto ko sa mga anghel. Mga anghel na mababait at mapagmahal ang una. At ang pangalawa, mga anghel na lumalaban, prangka, matatapang at nagnanasang baguhin ang mga maling gawain ng isang tao.

At kayo ang pangalawang konsepto ko ng mga anghel, Vince. Oo, kayo.

Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Mas pag-ibayuhin n’yo pa rin ang inyong mga pagtatanghal, mas pagalingin pa ng husto ang inyong mga pagganap, at MORE POWER!

My your tribe increase. Mahal ko kayo!

 

NAGMAMAHAL,

ROBERT MANUGUID SILVERIO

 

(P.S. Sana’y mapanood ko pa rin at maimbita pa rin ako sa pagtatanghal ninyo ng pinaka-awaited na theater production this year- Ang “POPE-PULAR”. Hihihi.—R.S.*)

THE STAGERS OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION IN THEIR NEXT THEATRICAL PRODUCTION- ACTING AS ANGELS - IN "POPE-PULAR", BASED ON THE LIFE OF POPE FRANCIS
THE STAGERS OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION IN THEIR NEXT THEATRICAL PRODUCTION- ACTING AS ANGELS – IN “POPE-PULAR”, BASED ON THE LIFE OF POPE FRANCIS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s