jerome miles manzano: “eh, kasi, bata!”


jerome miles manzano in "butanding"
jerome miles manzano in “butanding”
jerome miles manzano in "eh kasi bata!"
jerome miles manzano in “eh kasi bata!”

 

(above is the soundtrack from the movie “Emmanuel”, na kung saan kasama sa cast si Jerome Miles Manzano bilang isang bulag na bata, panoorin po ninyo at napakaganda ng video na ito sa itaas, courtesy of direk Errol Ropero— from sssip*)

 

Maganda ang mensahe ng bagong advocacy film na ginagawa ngayon ng bagong child actor na si Jerome Miles Manzano. Habang nagpi-pictorial kasi si Jerome, kasama si Bugoy Carino at iba pang child actors and child actresses na pawang mga kasama sa indie advocacy film na “Eh Kasi Bata!” na tulad nina Mona Louise Rey, Carl Acosta, Jerrica Yan, Ynna Tamayo, at iba pa,- pinapanood ni direk Errol Ropero sa mga bisita ang rushes ng nasabing pelikula via a computer laptop. Kaya nagkaroon ng ideya ang isang blogger na naro’n na tunay namang makabuluhan ang bagong pelikula na ito.

jerome plays a nerd kid being bullied by his classmates in "eh kasi bata!", while mona louise rey (child actress of channel 7) and bugoy carino (top child actor of channel 2) plays as his friends and protectors in the film
jerome plays a nerd kid being bullied by his classmates in “eh kasi bata!”, while mona louise rey (child actress of channel 7) and bugoy carino (top child actor of channel 2) plays as his friends and protectors in the film
the lead cast of "eh kasi bata!": (from left to right) carl acosta, mona louise rey, bugoy carino AND jerome miles manzano. with them on the photo are: direk errol ropero and blogger sssip (on stripes shirt)
the lead cast of “eh kasi bata!”: (from left to right) carl acosta, mona louise rey, bugoy carino AND jerome miles manzano. with them on the photo are: direk errol ropero and blogger sssip (on stripes shirt)

Bawat eksena ng pelikula’y may aral at leksyon, at pinakita rin ang mga simple pero malalalim na pinagdadaanan ng mga bata sa murang edad. Tunay namang naaakmang panoorin ng sinumang nasa musmos na edad pang kalagayan.

Kaya naman nu’ng kapanayamin na ng blogger si Jerome, heto ang kanyang sinabi:

“Maganda po ang role ko sa Eh Kasi Bata“, sabi ni Jerome. “Ako po ‘yung nerd na bata na binu-bully nila sa school po. Dahil po nerd ako, lagi nila akong inaasar at inaapi. Buti na lang po, naging kaibigan ko po si Bugoy, siya po ang nagtatanggol sa akin sa pelikula.”

Kaya naman dito sa pelikulang Eh Kasi Bata!, totally ibang-iba ang character ni Jerome, keysa doon sa isa pa niyang pelikulang katatapos lang din i-shoot recently, ang Butanding.

jerome with ms. lou baron, precious lara quigaman-alcaraz and direk edd palmos (on the set of "butanding")
jerome with ms. lou baron, precious lara quigaman-alcaraz and direk edd palmos (on the set of “butanding”)
jerome with a butanding (in oslo, cebu)
jerome with a butanding (in oslo, cebu)
jerome with hollywood singer-actress ms lou baron in a dramatic scene in "butanding"
jerome with hollywood singer-actress ms lou baron in a dramatic scene in “butanding”

“Sa Butanding po, kalaro ko po ang butanding, at dito naman po sa Eh Kasi Bata, naka-salamin ako at mukha akong nerd”, sabi muli ni Jerome. “Pero pareho po akong may mga drama scenes sa dalawang pelikula kong iyan po.

“Maganda rin po ang role ko sa Butanding kasi po, ako ang kalaro ng mga butanding sa pelikula”, anya pa. “Katabi lang ng dagat ang bahay po namin kaya naging kaibigan ko ang mga butanding. Tapos po, mamamatay ang nanay ko sa pelikula at makikita po ako ng lola ko na galing ng Amerika.”

Sa Oslo, Cebu kinunan ang mga eksena ni Jerome kasama ang mga Butanding. Hindi naman nahirapan si direk Edd Palmos, ang direktor ng Butanding na kunan si Jerome kasama ang mga Butanding dahil marunong sumisid ang bata at hindi maarte na tulad ng ibang bata diyan. Sabi pa nga ni direk Errol Ropero na kasama ni Jerome habang kinukunan ang mga pakikipaglaro ni Jerome sa mga butanding, ni walang protective gear si Jerome habang sumisisid at nakikipaglaro sa mga butanding. Kaya naging very realistic ang mga eksenang iyon na nakikipaglaro si Jerome sa mga butanding.

In real life kasi, talagang mahilig makipaghabulan sa lalim ng dagat at sa mga bata ang mga butanding. Ang mga ito ang tinuturing nilang “kalaro”.

“Iniikutan po ako palagi ng mga butanding nu’ng nagsu-shooting po kami”, sabi pa muli ni Jerome. “Minsan nga po, habang lumalangoy ako, bumangga pa ako sa isang malaking butanding. Gustong-gusto naman po nung butanding na nabangga ko siya.”

Bukod sa Butanding, hindi naman ba ninerbyos si Jerome na maka-eksena sa pelikula ang Hollywood celebrity na si Lou Baron na gumanap bilang lola niya sa Butanding film niya?

“Ninerbyos din po ako, tito Robert”, maagap na sagot ni Jerome. “Buti na lang po, nagampanan ko ng maganda ang take na iyon. Kasi po, yung isang eksena namin ni Ms. Lou Baron, umiiyak po ako kasi namatay ang nanay ko. Naro’n po ako sa baybay-dagat at pumasok po sa eksena si Ms. Lou. Iyon po, okey naman po.”

Sabi pa ng mommy ni Jerome na si Mrs. Donnabel Manazano, magaling daw kasing mag-motivate si direk Edd Palmos kaya talagang sa mga heavy drama scenes ni jerome sa Butanding, lahat ay napahanga. Kilala naman kasi talaga si direk Edd na isang “motivational director for actors” ever since.

Meanwhile, balik naman ule tayo ngayon sa Eh, Kasi Bata! na kasalukuyang tinatapos nang gawin ni Jerome, sa direksyon ni direk Errol Ropero. Ano naman ang masasabi niya na kasama niya sa pelikulang ito si Bugoy Carino, na isa sa pinakamagaling na child actors ng ABS-CBN channel 2?

errol2

carl, mona, bugoy and JEROME in "eh kasi, bata!"
carl, mona, bugoy and JEROME in “eh kasi, bata!”

 

“Enjoy po kaming magkasama ni Bugoy”, sagot ni Jerome. “Para po kaming magkapatid po. Saka po, tinutulungan ako ni Bugoy sa mga eksena namin. Hindi po iyong sarili lang niya ang iniisip niya. Kaya enjoy po akong makasama siya sa pag-arte.”

Dalawa pang pelikula ni Jerome, na mula sa direksyon pa rin ni direk Errol ang nakatakdang matapos. Aside from Eh Kasi Bata, tatapusin na rin ni Jerome ang mga pelikulang Emmanuel at Mangarap Ka.

jerome in "mangarap ka"
jerome in “mangarap ka”

Sa Emmanuel, isang bulag na bata ang papel ni Jerome, at sa Mangarap Ka naman, na bale sequel sa Emmanuel, isang young student na nangangarap makapag-aral sa University of the Philippines ang role ni Jerome.

“Pareho lang pong challenging sa akin ang mga roles ko sa Emmanuel at Mangarap Ka“, sabi pa ni Jerome. “Sabi po ni direk Errol, nagampanan ko ng maige ang role ko bilang bulag sa Emmanuel. Dito naman sa Mangarap Ka, marami naman akong heavy drama scenes daw po.”

Napakagalang na bata ni Jerome. Very soft-spoken, well-mannered at ang breeding ay class na class. Kumbaga, pang-artistahin talaga. Kaya hindi malayong balang-araw, tulad ni Bugoy Carino, ay maging top young actor ng bansang Pilipinas si Jerome. Hindi malayong mangyari iyan.

Sa ganda ng mga breaks and roles na napupunta ngayon kay jerome Miles Manzano, he’s definitely a star worth watching for.

More power sa iyo, Jerome!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

STUDIO PHOTOS OF JEROME AND GROUP SHOTS WITH BUGOY CARINO, ET. AL., COURTESY OF “KIAROSCURO PHOTOGRAPHY” OF MR. RYAN D. MEDINA

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s