Q & A with ms. marife necesito…


marife in her latest film "hayuma"
marife in her latest film “hayuma”

marife: from theater to hollywood
marife: from theater to hollywood

Isa siyang babaeng MAKATA. Malalim. Simple. Makabuluhan…
Isang tingin mo pa lamang sa kanya, ang kanyang Pagka-Pilipina, pagka-babae, ay tumataginting.
Pero napaka-“low-key” niya. Hindi siya nakikigulo sa mundo ng mainstream movies. Hindi rin siya kumakagat sa tinatawag na KOMERSYALISMO para lamang sumikat, magka-pera, at magka-pangalan. She’s one actress that doesn’t COMPROMISE.
Pero siya si MARIFE NECESITO, na nakagawa na ng mga Hollywood films on credit at nagka-pangalan na rin sa ibang bansa bilang isang magaling na aktres.
At ngayon, naririto siya sa SSSIP’s AWE Blog Site, sa isang Question & Answer interview. Kilalanin natin siya! Heto na:

SSSIP: How do you see the acting profession? I mean, is this one of your greatest passions in life, having MANY mainstream international hollywood films on credit?

MARIFE: Acting profession po for me is not only a passion but also have a big responsibility to our nation like any other profession. Ang isang aktor para sa akin Ang salamin o repleksyon ng bawat manonood sa ganyang sarili o sa kalagayan niya sa lipunan. Responsibilidad ng isang aktor na pag-aralan mabuti ang bawat karakter na ganyang ginagampanan, hindi niya hinuhusgahan sa kahit anong kinahinatnan nito sa kuwento, BAGKUS, AY iniintindi natin Ang karakter, kinakausap at pinagtatagpo sa loob ng ating sarili at pinahihiram natin ang nating katawan, kaluluwa at puso para magampanan ito. Sa katotohanan po, hindi alam ng tao kung Siya AY bida o kontrabida sa kanyang lipunang ginagalawalan, kailangan lang natin ipakita ang katotohanan at ang manonood ang nagpapasya sa kinahantungan ng mga nagsiganap sa kuwento.

Acting is continuous learning process.Hindi po ito natatapos. Ang pag-aaral at pagtuklas sa bawat karakter o papel na ginagampanan dahil Ang tao ay may iba’t-ibang kuwento, karanasan, kinasapitan… Kahit tayo man ay may pare-parehong propesyon o kalagayan sa buhay, nguni’t ibat-iba naman ang ating mga pinagdaanan..

a soulful loneliness... marife.
a soulful loneliness… marife.

marife: an intellegent atress
marife: an intellegent atress

SSSIP: How deep is you as a person, Marife?

MARIFE: Ang actress ay may malaking responsibilidad, katulad ng ibang propesyon sa kanyang bayan. Kung ang doktor ay nagpapagaling sa katawan ng tao nguni’t Ang actress naman ay kayang gamutin Ang sakit ng kaluluwa ng ganyang kapwa, kaag napagsikapan nating makapasok sa puso at kaluluwa ng ating manonood… O ng kanyang kapwa, I mean.

Hindi ko po masasabi na napakalalim Kong tao o kung anupaman. Bagkus Hindi nga po ko ganu’n kagaling mag-Ingles. Hahaha… Pero dahil sa lalim ng mga pinagdaanan o karanasan sa aking buhay at propesyon, pinanday na po siguro.ako ng panahon.

marife: pretty and rare
marife: pretty and rare

marife in a scene of one of her international hollywood films
marife in a scene of one of her international hollywood films
marife7
marife in her international film "mammoth"
marife in her international film “mammoth”

SSSIP: Ano ang mga susunod na mga hakbang mo sa iyong movie career now, Marife? Ano ang mga next projects mo?

MARIFE: I live one day at a time po… Kasama po ako ngayon sa upcoming movie ni Direk Ellen Ongkeko. Pero ‘di ko pa lamang po alam kung puwede na sabihin Ang title, he-he. Kay Direk Jun Posadas naman, AMANLANHIG ang title ng isang pelikula ko pa. At ‘yung niluluto po naming project ng isang magaling na manunulat at aktibista na si Murphy Red na HAYUMA ..Very excited po ako sa material na ito!
At isa pa pala. Ay, sir Robert, muntik ko nang makalimutan po pala banggitin yung isa. May isa pang upcoming indie film ako na ‘yung TURO-TURO, na Idinirek ni Ray-an Dulay at pinagbibidahan ni Ej Falcon. Thanks a lot po uli.

SSSIP: Paano nagsimula ang lahat sa pagtuntong mo sa daigdig ng pelikula?

MARIFE: Sa mundo ng teatro po ako nagsimula ng pag-arte.Sa DULAANG BALINTATAW at DULAANG BONIFACIO .Ang mga mentor ko po ay si Madame Cecille Guidote Alvarez, Angie Ferro , ganun din po si direk Sigfried Sepulveda, Jose Gruta at George Kabristante. Naging bahagi din po ako ng Dulaang Kayumanggi under Direk Grundy Constantino at Encore Philippines ni Direk Noel Miralles at dahil sa rekomendasyon ng aking mga mentors at sa mga auditions ay nakagawa po ako ng pelikula Kay direk Lav Diaz – at heto po ang mga pelikulang iyon: “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino”, “Jeremias Book 2” at “Agonistes”.Nakagawa rin po ako ng isang pelikula kasama ang Da King na si Fernando po Jr., ang “Kahit Butas ng Karayom”, at nag-audition po ako at suwerteng nakapasok at naging bahagi ng International films na mga ito: MAMMOTH, GOING BACK, GRACELAND, TROPICAL MANILA, BLACK MARKET LOVE, LILET NEVER HAPPENED at yung Japanese documentary film ng life story ni YULCE.

SSSIP: Wala bang next screenings ang “Misis Ni Meyor”, na kung saan ay tipong launching film mo ang nabanggit na pelikula?

MARIFE: Naipalabas na po kasi siya sa SM Cinemas. Last 2013 pa sa 25 Cinemas all-over Metro Manila at sa U.P. po. Pero kapag meron pong another screening update ko po kayo.

SSSIP: Ano ba ang role mo dun sa movie?

MARIFE: Asawa po ako nung una ng isang farmer leader (Bong Cabrera) na pinatay ng isang Gobernador ng probinsya (julio Diaz) at ng inilaban ko po Ang kaso sa Maynila para mabigyan katarungan Ang pagkamatay niya ay may nangyari din pong trahedya sa akong tita na si Ms. Maria Isabel Lopes po Ang gumanap, at dahil sa sunod-sunod na problema, nagtrabaho po ko sa City Hall ng Mayor na ginampanan ni Angie Ferro at nakilala ko po ang anak ng Mayor na isang Konsehal pa noon na ginampapan ni Marco Morales na naging isang Mayor na rin kalaunan. Doon ko po naisip na gamitin ang kapangyarihan ng pagiging isang asawa ng Mayor at bahagi ng Political Dynasty ng Familia Morales para makapaghiganti sa pagkamatay ng dati Kong asawa.Habang gusto kong bigyan ng katarungan ang kinasapitan ng dati Kong asawa dahil sa corrupt at mamatay-tao na Gobernador, di ko namamalayan na nagiging katulad na rin pala ako ng Gobernador mismo,na naging ganid, corrupt at mamatay-tao na rin…

Kasama din po sa pelikula si joem Bascon, ang Police Officer na nagkaroon din po kami ng relasyon sa pelikula. At sa ending po ng movie ay ako na Ang susunod na Mayor.

SSSIP: Last question: Ano’ng masasabi mo sa estado ngayon local indie film industry?

MARIFE: Medyo nakakalungkot pa din po na wala pa rin pong suporta ang Gobyerno sa mga film artists at wala rin silang mga benepisyo. Ngunit nakakasilip naman po tayo ng pagasa sa mga funding ng ilang local and international film festivals na nakakapagbigay ng pagkakataon sa mga baguhang film director, manunulat at mga aktor na maipakita ang kalagayan ng Pilipino sa kanyang lipunang ginagalawan sa buong mundo. Sana lumawak pa ang network ng mga artists at marami pang sumuporta at tumangkilik sa independent films.

SSSIP: Many thanks, Marife. Mwahhhh.

MARIFE: Thanks in a million po sir Robert.Mabuhay po kayo!
marife8

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s