ms. tessie lagman guests in PERSONAGE…


Nitong buwan ng Mayo, sa May 14 to be exact, ipapalabas na ang episode ni Ms. Tessie Lagman-Balboa sa TV talk show na “Personage”, which airs every Thursdays, 8 p.m. sa PTV-4 (People’s Television Network). This will happen a day before the anniversary event of “Personage” sa May 15 na gaganapin sa Cravings restaurant. Kaya napakagandang pagkakataon na makahabol pa si Tita Tessie sa one year of existence and celebration ng Personage staff and team sa gaganapin nilang anniversary event. In fact, nangako pa nga si Tita Tessie na mag-aalay siya ng isang awitin sa nasabing selebrasyon.

Absent man nu’ng araw na iyon ng taping ni Tita Tessie si Ms. Carla Lizardo (ang host ng nasabing programa) dahil may interview ito sa Malcanan Palace nu’ng araw na ‘yun mismo, si Mr. Frederick Aquino (Associate Producer ng programa) naman ang personal na nagtanong ng mga questions sa tinitingalang veteran radio icon and celebrity, na kilalang-kilala noon pa man- especially those days na sikat na sikat sa radio airwaves ang “Operetang Putol Putol” (sikat na sikat na radio program nung late 1970’s at early ’90’s)- si Ms. Tessie Lagman.

And for more than 3 decades now, heto pa rin si Ms. Lagman- na Tessie Lagman-Balboa na ngayon- at patuloy pa ring nagniningning sa pagiging isang radio announcer. Mapapakinggan pa rin siya sa ere sa DZRM radio station tuwing Sabado, mula 8 p.m hanggang 10 p.m. ng gabi. Kung ano ang naging sikreto niya sa kanyang tagumpay, alamin at panoorin sa episode niya sa “Personage” sa buwan na ito ng Mayo.

Naging perfect host din si Ms. Lagman sa mga staff and crew ng Personage na gumayo pa sa kanyang tahanan sa Pilar Village, Las Pinas. Isang masaganang pananghalian ang ibinigay ni Ms. Lagman para sa lahat. Nagluto pa siya ng napakasarap na Mechado, Pritong Tilapia, Tahong na may sabaw, at napakasarap na burong isda na gawa pa sa Tarlac na home province ni Tita Tessie.

Maganda ang naging talakayan nu’ng araw na iyon sa taping ng Personage. Ikinuwento pa ni Tita Tessie ang istorya ng Mahal Na Birhen na tipong nagmilagro sa buhay niya, pati na ang Sto. Nino na inampon niya nung makita niya ito sa isang “Garage Sale”. Dinamitan at inayusan pa ni Tita Tessie ang Sto. Nino na iyon.

Kasama din sa naging talakayan ang pagiging isang recording artist ni Tita Tessie at ang kanyang pagpasok ngayon sa mundo ng pelikula via the film “Butanding” na magkakaroon na ng World Premiere sa darating na buwan ng Hunyo. Ang pelikula ay idinerehe ni Edd Palmos, at kasama ni Tita Tessie sa pelikulang ito sina Precious Lara Quigaman, Denz Jovelle, Jerome Miles Manzano at ang Hollywood singer-artist na si Ms. Lou Baron.

Abangan ang “Personage” episode ni Tessie Lagman. Malapit na sa buwan na ito ng Mayo!

 

(words by robert manuguid silverio)

ms. tessie lagman guests in "personage"
ms. tessie lagman guests in “personage”
tessie lagman: an icon
tessie lagman: an icon
tessie with her friend- hollywood singer lou baron
tessie with her friend- hollywood singer lou baron
tessie with her most-cherished possesion- the statue of Mama Mary who gave miracles in her life
tessie with her most-cherished possesion- the statue of Mama Mary who gave miracles in her life
tessie with actor norris john in the film "butanding"
tessie with actor norris john in the film “butanding”

personage

a blogger's new friends: tessie, norris, me the blogger and denz
a blogger’s new friends: tessie, norris, me the blogger and denz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s