minsan, may isang anghel… (another tv review on the succeeding episodes of “nathaniel”, the prime time teleserye on abs-cbn channel 2)


 

ABS-CBN channel 2 never failed our expectations to deliver a high-quality kind of an entertaining and very relevant TV telserye via their latest prime time TV show- Nathaniel. Sa dalawang unang pilot episodes pa lamang nito ay humanga na “kami”. Napakalinis at pulido ng produksyon. Alam mong napunta talaga sa production expenses ang pera at mga gastos na inukol sa paggawa ng isang telseryeng tulad nito, at hindi sa bulsa ng kung kanino man. Iyan ang maganda sa mga taong involved sa Creative Team ng channel 2, inilalaan talaga nila ang kalidad ng programa nila sa CREATIVITY AND ART ng kanilang trabaho, not just for marketing purposes. Ang resulta: Isang mala-Paraisong bagong telserye ang nasasaksihan ngayon ng lahat.

Sa heavy casting pa lang ng telseryeng ito ay bilib na kami. Napakaganda ng combination nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao, kaya sana’y gawin silang standard loveteam ng Channel 2. Si Gerald ay tipong mas lalong gumagaling sa mga succeeding episodes pa ng Nathaniel. Bilang ama ng isang anghel, kuhang-kuha ni Gerald ang confusing and conflicting emotions na nadarama niya sa batang anghel na si Nathaniel, na ubod ng lovable namang ginagampanan ni Marco Masa. Bata pa si Gerald pero ang attitude ng isang ama ay madarama mo sa kanya, na sadyang mahirap gampanan ang ganu’ng uri ng karakter. Si Shaina naman, maski bata pa rin ang edad ay kuhang-kuha ang pagiging isang mabait at madasaling ina. Para siyang si Virgin Mary sa telseryeng ito. At nakaka-excite mpanood ang pagtatagpo nila ng batang ‘titul;ar angel” na si Nathaniel sa mga parating ng episodes ng programa. Buong husay na nailahad ng direktor ng teleseryeng ito ang “bondage” na umiiral between a mother and a son. Dahil si Nathaniel ay namatay sa isang car accident nuong bata pa siya at naging anghel siya. Pinili niyang bumalik sa lupa nu’ng lumaki na siya dahil naniniwala siyang may pagasa pa rin ang mga tao na magbago at muling bumalik sa pagtitiwala sa mga anghel na tulad niya. Lagi rin kasi niyang naririnig ang mga dasal ng isang babae na hindi niya alam, tunay pala niyang ina ang tinig ng babaeng iyon.

Ang supporting cast ng teleseryeng ito ay “in unison”. Meaning, napakaganda ng chemistry nilang lahat. Gustong-gusto namin ang episodes nina Dante Rivero at veteran actress Alicia Alonzo- na kung saan, sinagip ni Nathaniel ang buhay ni Dante. Magpapakamatay na sana ito pero dahil kinausap siya ng batang anghel, muli siyang nagkaroon ng panibagong pagasa sa buhay dahil pilit siyang “pinapatay” ng karakter ni Coney reyes-Mumar- si AVL sa teleserye, isang devilish kind of woman na ang tanging pinapahalagahan sa mundo ay PERA at pera lamang. Binibili ng higanteng kompanya ni AVL ang lahat ng mga nagiging kalaban niya sa negosyo.

Pambihira talagang umarte si Ms. Coney Reyes-Mumar sa teleseryeng ito. maski isang demonya ang papel niya, nagagawa pa rin niyang ilahad ang emosyon ng isang tunay na TAO, na may puso pa rin siya kahit papaano. Sina Joey Paras naman at Pokwang, naku naman, gustong gusto rin namin ang mga eksena nila sa teleseryeng ito. Totoong may mga tao pa ring tulad nila na nage-‘exist” sa mundo. Mga taong mababait at handang tumulong, handa ring umaruga at magmahal sa isang batang anghel na tulad ni Nathaniel.

Si Ogie Diaz naman bilang baklang alalay ni Coney Reyes-Mumar ay very convincing sa mga eksena. This time, salamat naman at naisipan ng Channel 2 na bigyan si Ogie ng mga seryosong papel na tulad nito at hindi siya basta lamang “caricature” sa teleserye. Naipakita ni Ogie na magaling din pala siyang aktor, hindi lang basta isang komedyante. hats off sa iyo, Ogie!

Sa pagpasok rin ng karakter ni Isabelle Daza, ang babaeng tunay na contravida sa teleseryeng ito, mas lalong nag-ignite ang excitement namin na panoorin pa ng panoorin pa ang teleserye. Isabelle projects a certain kind of class and sophistication sa kanyang pagganap bilang mang-aagaw sa puso ng ama ni Nathaniel. Kaya expect thew worse, nakikinita-kinita na namin na maraming gagawing paghahadlang ang karakter ni Isabelle para hindi magkabalikan ang mga magulang ni Nathaniel sa isa’t-isa.

Wala kaming masabi sa mga scriptwriters ng telseryeng ito- pero unang-una na naming pinupuri ang Creative head and Manager ng channel 2 na walang iba kundi si Ms. Gina Marissa Tagasa, for coming-up with a very good concept on ANGELS. Very risky ito kung tutuusin, dahil bihira na nga talaga ngayon ang mga naniniwala sa mga anghel- but again, the creative team of channel 2 never proved us wrong. Kaya tunay kaming lumuluhod sa kagalingan nila.

Hindi namin inaasahan na sa bawat episode ng Nathaniel, lagi may nangyayari at laging may na-accomplish. Sa bandang huli, mananalo’t-mananalo pa rin ang kabutihan keysa sa kasamaan. Dahil ang kagustuhan pa rin ng Diyos sa itaas ang mangingibabaw sa bandang huli.

Oo, minsan may isang ANGHEL.

Nawala man siya noon, siya’y muling nagbalik para makapiling tayo. May isang taong makakakita pa rin sa kanya sa tuwina…

AT,

 

MAGPAKAILANMAN.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio sa piling ng isang tunay na ANGHEL. date: may 1, 2015- in the midst of the bridges of love and forevermore).*

angelx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s