DAHIL SA PAGIBIG NG ISANG ANGHEL… (a tv review for the pilot episode of “nathaniel”, a new prime time teleserye at abs-cbn channel 2)


gerald, marco and shaina: galing-galing!!!
gerald, marco and shaina: galing-galing!!!
bagay na bagay silang tatlo bilang magpa-pamilya!
bagay na bagay silang tatlo bilang magpa-pamilya!

 

Nang dahil sa pagibig, tayong lahat ay nag-iibang anyo. May sumasaya, may gumaganda, may nangangarap at umaasa, at mayro’n ding tumitibay pang mas lalo sa pagdaloy ng panahon.

Nguni’t may mga tao nga bang nagkakamali sa pagpili ng mga taong minamahal nila? Gaya nga ng sabi ng karamihan, may mga taong tanga at bobo pagdating sa pagibig.

Sabi naman ng mga mayayaman, kung iibig ka rin lang, doon na sa taong magbibigay sa ‘yo ng karangyaan at mga luho…

Dito umikot ang pilot episode ng bagong prime time TV teleserye ng Abs-Cbn Channel 2- ang NATHANIEL.

Istorya ng dalawang magsing-irog na pawang mga bata pang masasabi sa pagsabak sa buhay- na ginampanang ubod ng tamis nina Gerald Santos at Shaina Magdayao. Pareho nilang pinaglaban ang kanilang pag-iibigan, sa gitna ng makapangyarihang mga kamay ng ina ni Gerald na ginampanan naman ng ubod ng tapang ni Ms. Coney Reyes-Mumar.

Maski ba kaya naman ni Gerald na maitaguyod ang pagsisimula ng kanyang sariling pamilya sa piling ng kanyang asawang si Shaina, pilit namang sinisira iyon ng kanyang inang si Coney. Pero dahil matibay ang pagmamahalan nina Gerald at Shaina, walang nagawa ang mahadera at mayamang ina ni Gerald.

Hanggang sa isilang na ni Shaina ang bunga ng kanilang pagmamahalan ni Gerald- na pinangalanan nilang Natahniel. Isang napaka-among sanggol, palangiti, masayahin. Punong-puno man ng mga pagsubok, naging sapat naman ang lahat dahil mahala na mahal pareho nina Shaina at Gerald si Nathaniel.

Pero sa isang hindi inaasahang pangyayari, naging mainitin ang ulo ni Gerald, ang ama ni Nathaniel. Naging dahilan iyon upang maaksidente silang mag-anak nu’ng habul-habulin sila ng isang lalaking nagmamaneho ng isang kotseng nagalit sa pagiging mainitin ng ulo ni Gerald. Dahil sa umiwas na sila, heto’t sila pa ang naaksidente’t napahamak. Nabagsakan ng maraming mga biyak na salamin sa kotse ang sanggol na si Nathaniel.

Sa ospital, namatay si Nathaniel. At, umakyat siya langit… sa Paraiso. Siya’y naging isang ANGHEL.

Dito pa lamang nagsimula ang istorya. At mamayang gabi, sa ikalawang pilot episode ng NATHANIEL, matutunghayan ang pagbaba muli sa lupa ng batang anghel. Muli siyang magbabalik upang maibalik sa dating kaayusan ang lahat. Upang maibalik ang PAGIBIG para sa lahat. Dito na susulpot ang child actor na si Marco Masa bilang isang batang “titular angel”- si Nathaniel.

Magtagumpay kaya si Nathaniel?

Malalaman natin ito sa mga susunod na raw, sa susunod na mga linggo at buwan sa pagpapatuloy ng teleseryeng NATHANIEL.

 

marco masa as NATHANIEL
marco masa as NATHANIEL

Nathaniel ” is a story of an angel who will be sent back to earth to fulfill his mission to restore man’s faith in God and remind them the goodness that they can find in everyone’s hearts. The story of Nathaniel is about the baby boy who had died in an accident and become an angel.  – See more at: http://www.iweb.ph/abscbn-nathaniel-angel/#sthash.6Mdq0CVv.dpuf

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

MULA KAY SSSIP****

ISANG NAPAKAGANDANG PILOT EPISODE NG “NATAHANIEL” ANG NASAKSIHAN NAMIN KAGABI. NAPAKAGALING NI GERALD ANDERSON SA KANYANG PAPEL BILANG ISANG BATANG AMA, AT SI SHAINA MAGDAYAO NAMAN AY NAPAKA-EFFORTLESS NG GINAWANG ACTING, VERY SUBTLE AND CALM, PERO FEEL NA FEEL NAMIN. SI MS. CONEY REYES-MUMAR AY SADYANG PAMBIHIRA, AT SI OGIE DIAZ, BILANG ALALAY NI CONEY REYES-MUMAR AY NAPAKA-EPEKTIBO. NAPAKAGALING NG DIREKSYON, NAPAKAGANDA NG PRODUCTION DESIGN AT SA PANGKALAHATAN, ISANG MALA-PARAISONG BAGONG TELESERYE ANG MAPAPANOOD NG LAHAT, MAGMULA NGAYON AT SA MGA SUSUNOD PANG MGA ARAW! MABUHAY KAYO, ABS-CBN CHANNEL 2!!!”””

 

the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume
the late aj perez (r.i.p.) in an angel costume

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s