tessie lagman to her fellow radio announcers: “don’t abuse the limitations of being a radio announcer!”


tessie new5

Humina at mawala man pasumandali ang telebisyon, lubugan man ng araw ang pelikula, mag-suffer man sa signal ang internet, pero ang mundo ng Radyo ay hinding-hindi mamatay. True na true ‘yan. Sa lahat na yata ng klase ng media, ang mundo ng Radyo na nga yata ang tunay na pinaka-matibay, at, pinaka-MATATAG.

Bakit kaya? Tanong ng isang blogger sa kausap niyang Radio Icon na si Ms. Tessie Lagman.

“Ang tao kasi, basically, they really love to listen- gusto nilang nakikinig sa tuwina sa mga sinasabi ng iba”, maagap na sagot ni Tessie. “Well, kumporme din naman sa taong pinakikinggan nila. Hindi naman kasi lahat ng naririnig nilang sinasabi ng isang tao ay gusto nila. Ang maganda pa sa Radyo, may listener’s rapport kasi. Nakakapag-participate sila at puwede rin silang magkomento at tumawag sa telepono tulad du’n sa ibang radio programs. Sa iba naman, nakaka-relate sila sa mga sinasabi. Kaya mas may direktang komunikasyon sa Radyo, na wala sa telebisyon at pelikula. They can give their opinions as well. ‘Yun siguro ang dahilan kung bakit ang Radyo, pinakamatibay sa lahat.”

tessie: decades in radio broadcasting
tessie: decades in radio broadcasting

Idinagdag pa ni Tessie, mas affordable kasi ang Radyo.

“Mahal kasi ang internet connection, kaya ang iba, sa radyo nakakapag-participate”, dagdag pang sabi ni Tessie. “Isasaksak mo lang ang radyo sa koryente, hayun na. Maliit lang ang bayad, hindi tulad ng internet, bawat minuto, may metro. So, not everybody can afford the internet. Lalo na ‘yung mga nasa malalayong mga probinsya at sa mga mahihirap na tao. Kaya mas may advantage pa rin ang radyo keysa sa mga internet social networking sites. Mas malawak talaga ang coverage ng radyo.”

tessie: gives advices on her radio program
tessie: gives advices on her radio program

Kung ang FM radio ay puro music na gusto ng mga music lovers, ang AM radio naman ay para doon sa mga gustong makinig ng balita, makipag-participate o kaya’y simpleng maglibang lang talaga sa pakikinig.

‘Kaya marami pa ring pinapatay na mga radio commentators ngayon”, sabi pa ni Tessie. “Sila ‘yung mga walang takot na mag-comment at bumanat sa mga Politicians. ‘Yun sa karamihan ang mga namamatay o pinapatay. Sa showbiz naman, hindi gano’n. Kapag namintas sila ng artista, nakakatuwa lang ang dating sa mga listeners.”

Pero may kaunting puna lang si Tessie sa mga kapwa niya radio announcers these days. Tipong ‘yung iba kasi, going overboard na talaga. Nawawala na raw ang tinatawag na “Radio Ethics”.

tessie in a fiesta event in mexico, pampanga, with mexico barangay captain, direk edd palmos, blogger sssip (in yellow shirt) and tessie's friend josie alcantara.
tessie in a fiesta event in mexico, pampanga, with mexico barangay captain, direk edd palmos, blogger sssip (in yellow shirt) and tessie’s friend josie alcantara.

“Masyado na kasing nagiging opinionated ‘yung iba”, sey pa ni Tessie. “Tipong they can really say na what they want to say.  They just say anything they want to say. Hindi naman dapat ganu’n. May ethics pa ring pinapairal sa broadcasting system. Dapat nilang isipin na nasa radyo ka, at maski maliit na bata ay nakakadinig sa iyo. So, better be careful na lang dapat on what you say. 

“Don’t abuse the limitations of being a radio announcer”, anya pa. “We are in a cultured and civilized society. We must always keep in mind the proper work ethics in every field, and in every endeavor.”

Kaya naman for decades now, nanatili sa mundo ng Radyo si Tessie Lagman. Hindi niya inabuso ang kanyang trabaho at kapangyarihan.

“Magmula pa nu’ng Operetang Putol-Putol days namin, I followed the proper radio and broadcasting ethics until now”, pagtatapos na wika ni Tessie. “Iniisip ko rin ang epekto ng bawat sasabihin ko sa kabataan. We all have a mission, an advocacy, a task. Naririto tayo dahil may dahilan at iyon ang ginusto ng Nasa Itaas.”

Korek ka po, Tita Tessie.

In the meantime, abangan si Tita Tessie sa pelikulang Butanding, under the direction of Edd Palmos. Kasama niya sa pelikulang ito sina Lou Baron (the Pinay Hollywood singer), Lara Quigaman, Jerome Manzano, Denz Jovelle, Norris John, Ernesto Legaspi, at iba pa. May World premiere ito sa buwan ng June. Mapapakinggan naman every Saturdays si Tessie sa radio program niya sa DZRM, from 8 p.m. to 10 p.m. Happy listening!

 

(words by robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s