Michael Pangilinan, may pa-concert para sa manager (from balita.net.ph)


“Michael Pangilinan, may pa-concert para sa manager”

SINULAT NI: REGEE BONOAN (ARTICLE COURTESY OF BALITA.NET.PH): http://www.balita.net.ph/2015/04/11/michael-pangilinan-may-pa-concert-para-sa-manager/

michael pangilinan: thoughtful to his manager
michael pangilinan: thoughtful to his manager

michael3

jobert: lucky to have michael
jobert: lucky to have michael

ANG sweet ni Michael Pangilinan dahil may pa-concert siya para sa nalalapit na birthday ng manager niyang si Katotong Jobert Sucaldito.

 

Yes, muling haharanahin ni Michael ang lahat ng manonood sa kanyang solo concert entitled Just Say 54 sa Teatrino, Promenade, Greenhills sa Miyerkules, April 15, 9 PM, produced ng Front Desk Entertainment Production handog ni Isabela Gov. Bojie Dy at ng Vaniderm, Lucida-DS and NaturalezaBiz. 

“Bakit nga ba Just Say 54 ang title? Kasi ganito ‘yan, ang first letters ng Just Say ay JS that stands for the initials ng manager kong si Nanay Jobert and 54 kasi bisperas ito ng kanyang 54th birthday. April 16 kasi talaga ang birthday niya. Actually, siya rin ang nakaisip ng title na ito. Ganoon ‘yon, ha-ha-ha!” kuwento ni Michael.

“And since magbi-birthday si ‘Nay Jobert, naghanda ako rito ng ilang favorite songs niya na hindi ko madalas nakakanta sa nakaraan kong shows. 

“Nandiyan ang favorite niyang Sandra ni Barry Manillow. ’Yung In My Life ni Patti Austin ay gagawan ko ng version at marami pang iba. Maraming bagong songs ang maririnig ninyo rito. Kakantahin ko rito ang version ko ng theme song ng Bridges of Love na Pusong Ligaw at first time ko rin kakantahin sa show na ito ang sagot sa Pare Mahal Mo Raw Ako — ang pamagat nito ay Pare Mahal Naman Kita composed pa rin by Tito Joven Tan. 

“May ilang songs din sa ginagawa kong second album sa Star Records ang inihahanda namin sa Just Say 54 concert. ‘Dami kong kakantahin sa show kaya ngaragan sa rehearsals ito. ’Di bale, sulit naman kasi nga magbi-birthday ang Nanay Jobert ko,” kuwento pa ni Michael.

Marami nang nakakakilala kay Michael, katulad sa nakaraang show niya sa Guiguinto, Bulacan para sa Halamanan Festival na kinailangang tanggalin ang hagdan sa harap ng stage para maiiwas siya sa mob ng teenage fans. Nakakatuwa na jampacked ang kada show na puntahan ni Michael ngayon.

Ang bagong titulo niya ngayon ay ang Pare ng Bayan because of the sensational outcome ng kanyang Himig Handog P-Pop 2014 entry na Pare Mahal Mo Raw Ako last year. 

Si Michael ang nanalong Best New Male Artist mula sa Aliw Awards kaya kaliwa’t kanan ang TV guestings niya tulad sa KrisTV, ASAP 20 with his co-Harana members at Walang Tulugan With The Master Showman sa GMA 7. 

Tuwing Martes ay regular co-host siya ni DJ Chacha sa MOR 101 at may concert din siya sa Amerika sa June 20 hanggang July.

Magiging guests ni Michael sa Just Say 54 sina Allan K, Richard Poon, Shirley Mauleon at Ms. Elizabeth Ramsey.  –(Reggee Bonoan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s