NAIS KO…


“Nais Ko” – Basil Valdez

 

“NAIS KO…”

Nais kong makasama ka pa

Maski ba ayaw na nila

O may mga higanteng mag-aangkin pa…

Sa ‘yo.

 

Nais kong maakap ka pa

Sa gabi kapag natutulog na ang diwa’t kamalayan ko

Sa ilalim ng tulay

Isinilong mo ako.

 

Nais kong maglakbay pa

Na kasama ka

Na siyang ginagawa mo

Sa tuwina

Tangay mo ako sa hangin

at sa himpapawid

Pero, 

walang nakakakita.

 

Nais kong makita pa

Ang mga mundong nilapagan ng ating mga paglalakbay

Doon, ang oras ay nakikisama

Dahil kaibigan din natin

ang mga taong nagbabantay

sa orasan na iyon

na kulay ginto.

 

Oo ang sagot ko

Sa muli.

Sa iyong katanungan

na marahil,

alam na nila

ngayon.

 

Saksi ang isang kaibigan

na umawit ng kantang nababagay sa kanila

At,

marahil,

ipaglalaban pa rin sila.

 

Oo, kabiyak ko…

Magsasama pa rin tayo-

 

HABAMBUHAY

 

(mga salitang nilikha ni: robert manuguid silverio, sa petsang abril 12, 2015, habang hawak-hawak ng “dalawa” ang susi ng orasan at saksi ang “ikatlo” nilang kaibigan sa dimensyong tanging sila lamang ang nakakaalam).**

 

(thanks to: ms. regine velasques for her video above— sssip*)

ocean

from: Nais Ko: Isang Bigong Pagtatangka www.rabernalesliterature.com
from: Nais Ko: Isang Bigong Pagtatangka
http://www.rabernalesliterature.com

Southern Oceanjust m

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s