tessie lagman, napahanga ng husto sa galing ng Stagers sa 14th anniversary presentation nila!


tessie lagman
tessie lagman

“Seeing them sing and dance during that night…I can easily say they well deserved every award given to this group. Kuddos to the president Atty. Vince Tañada and all the casts and staff of Philippines Stagers Foumdation Inc. Happy 14th Anniversary!”–TESSIE LAGMAN (veteran radio broadcaster)

Opo, iyan po lamang ang tumataginting na komento ni Ms. Tessie Lagman, isang veteran radio broadcaster mula pa nuong Dekada 60 (dahil fresh graduate pa lamang siya nu’ng magsimula siyang maging radio announcer) at hanggang ngayon. With that, coming from a veteran celebrity in the field of Radio Broadcasting, hindi na nga maipagkakaila o makukuwestiyon ang kahusayan ng mga Stagers, lalo na ni Vince Tanada ng Philippine Stagers Foundation.

ms. tessie lagman (seated in black outfit) poses with this blgger sssip, vince tanada and crispina belen of manila bulletin during the 14th anniversary of phil. stagers
ms. tessie lagman (seated in black outfit) poses with this blgger sssip, vince tanada and crispina belen of manila bulletin during the 14th anniversary of phil. stagers

Naro’n si Ms. Tessie Lagman dahil pormal siyang inimbita ni Vince through Facebook, at pormal din siyang inimbita ng isa sa mga Publicists ng PSF (ang blogger na ito). Salamat naman at hindi pinagkait ni Tita Tessie ang kanyang oras at panahon para masaksihan ang napakagandang culminating events ng nasabing theater group sa kanilang naganap na Foundation Day sa Hotel Benilde Maison De La Salle last March 31.

Talagang hinintay ng isang blogger ang magiging reaksyon ni Tita Tessie sa oras na napanood niya ang mga great musical and dance numbers ng grupo. At hindi siya nagkamali na isa na namang V.I.P. person ang napahanga ng PSF- in person of Ms. Tessie Lagman.

tessie lagman during her "operetang putol-putol" days
tessie lagman during her “operetang putol-putol” days

tessie2

tessie lagman in yesteryears
tessie lagman in yesteryears

Nasa authority na magkomento ng ganu’n si Tita Tessie dahil napakaraming taon siyang naging bahagi ng klasikong musical program on air and radio- ang Operetang Putol-Putol na sikat na sikat nuong 1970’s pa sa mga kabataang listeners. Kaya bihasa na siya sa mga theater productions na ganyan. Alam niya kung maganda o hindi, having spent almost half of her life singing on radio programs like Operetang Putol Putol na ang format ay “theater-based” din.

“It’s a time well-spent and I greatly treasure the experience”, nawika pa ni Tita Tessie sa blogger na kasama niya. “Para na rin akong nanood ng isang great Broadway musical production dahil kay gaganda ng mga musical and dance numbers na pinakita nila sa kanilang mga guests that night!”

Kaya naman nangako si Tita Tessie, sa next invitation ni Vince sa kanya upang mapanood ang next play nilang Pope-Pular, The Musical, isang malaking ‘Oo’ agad ang kanyang isasagot. Avid devotee din kasi si Tita Tessie ni Pope Francis, since ang dulang Pope-Pular, The Musical ay ukol sa buhay ni Pope Francis din.

Samantala, inimbita na ni Tita Tessie (through this blogger) si Vince at ilan sa mga Stagers nito na mag-guest sa radio program niya sa DZRM, every Saturdays, from 8 to 10 p.m. Pakakantahin daw niya ng live doon si Vince at ang Stagers. Nakakapanabik ito kung tutuusin! maririnig ng mga libo-libong listeners ni Tita Tessie ang napakagagandang mga tinig nina Vince at ng Stagers soon, and live on air!

tessie lagman with hollywood celebrity lou baron
tessie lagman with hollywood celebrity lou baron

In the meantime, nakatakda ding mag-guest si Tita Tessie very soon sa TV talk-show na Personage sa PTV-4. At sa buwan naman ng Hunyo, magkakaroon na ng World Premiere ang pelikula niyang Butanding, which will star her opposite Hollywood singer-celebrity na si Lou Baron. Ang pelikula ay mula sa direksyon ng veteran film maker na si Ed Palmos.

Inaayos na rin ng isang blogger ang pagsabak ni Tita Tessie sa mundo ng mga teleseryes sa telebisyon. Watchout.

Salamat sa iyong suporta sa PSF, Ms. Tessie Lagman!

 

(words by robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s