ANG PAGBABALIK NG AGILA… BERNARDO BERNARDO!


BERNARDO BERNARDO: TODAY
BERNARDO BERNARDO: TODAY
BERNARDO BERNARDO: THE YOUNGER YEARS
BERNARDO BERNARDO: THE YOUNGER YEARS
BERNARDO BERNARDO: IN YESTERYEARS, AT THE PRIME OF HIS CAREER AS A GREAT THEATER ACTOR!
BERNARDO BERNARDO: IN YESTERYEARS, AT THE PRIME OF HIS CAREER AS A GREAT THEATER ACTOR!

 

Higante… pero malaya.

Mailap… pero mapagmahal.

Matapang. Bihasa. Beterano. Magaling. Walang kupas… tulad ng isang AGILA.

Siya si Bernardo Bernardo, isa sa mga tinitingala nating aktor sa mundo ng teatro, pelikula at telebisyon. Nagmarka ng husto ang kanyang pangalan nu’ng mga panahong sitenta, otsenta and nobenta (’70’s, 80’s and 1990’s). Sa iba’t-ibang mundo at kaurian sa larangan ng pag-arte. Nawala siya pasumandali noon, at nu’ng nagdaang taon, siya’y muling nagbalik. Muling inakap ang sining at pagmamahal sa bansang Pilipinas.

Nanirahan siya pasumandali sa Amerika. Pero nagkaroon ng malaking “void” o kakulangan ang kanyang pagkatao. Hindi siya mapakali. Nanabik muli siyang maiambag sa mga kapwa niya Pilipino ang kanyang angking kakayahan sa pagganap. At ngayon, iyon ay nangyari nga muli. Si Bernardo Bernardo, ang AGILA.

“Nu’ng umuwi ako sa Pilipinas, nasa airport pa lang ako- ito agad ang nasambit ko sa sarili ko: I AM HOME!”, bungad na kuwento ni Bernardo Bernardo sa isang blogger. “Ang saya-saya ko. Inakap kong muli ang mundo, ang mga kababayan ko, sa saglit kong pagkawala ay sobrang na-miss ko sila. Kaya nagbalik ako, and I hope, this time, it’s for good.”

Agad na inimbita muli ng mundo ng pelikula si Bernardo Bernardo pagkabalik na pagkabalik niya. Ginawa agad niya ang pelikulang Ronda, na naging isa sa mga film entries sa Cinemalaya 2014 nu’ng nagdaang taon. Nag-character role siya sa pelikulang ito, at ibang-iba ang kanyang pagkakaganap sa pelikulang ito (kaya naman mas lalo siyang hinangaan ng isang blogger sa kakaibang Bernardo B. na napanood niya sa pelikulang Ronda). At dito na nagsimula muli ang panibagong kabanata sa buhay niya bilang isang aktor. Age didn’t matter. Tulad ng isang alak, mas lalo lamang itong sumarap sa pagdaloy ng mga panahong naimbak o nagtago sa isang “storage”. Oo.

At kamakailan lamang, sa pelikulang Imbisibol, na naging entry naman sa Sinag Maynila Film Festival kamakailan lang, mas ibayong kagalingan ang ipinamalas ni Bernardo B.

“Nadama ko ng husto ang character ko doon sa pelikula”, patuloy na sabi ni Bernardo B. “Kasi, nilagyan ng love angle ang papel ko doon sa pelikula bilang isang TNT sa Japan na matanda na at pagod na sa pagtatrabaho, at, may kinakasamang male lover niya. Si Ricky Davao ‘yung gumanap na male lover ko doon sa pelikula. Maigsi lang ang scenes namin pero malaman at makahulugan.

“The movie was a collaborative effort”, dagdag na sabi pa niya. “It was a one-act play na pinahaba namin ng pinahaba. Nagbigay ako ng inputs sa mga dialogues namin, at hanga ako sa husay at galing ng aming direktor na si Law Fajardo. Salamat sa Diyos, nagkaroon ako ng pelikulang tulad nito na maipagmamalaki ko talaga.”

At tinitiyak ko, Direk Bernardo B., kung hindi ka man nanalo ng Best Actor sa pelikulang ito sa Sinag Maynila awards night, sa ibang mga award-giving bopdies na tulad ng Urian awards, I bet my ass na mananalo ka!- wika naman ng isang mapagkumababang blogger kay direk Bernardo B.

“Sana’y magdilang-anghel ka nga, iho”, naging reaksyon namang tugon ni direk Bernardo B. “Pero nu’ng tinanggap ko ang award na Best Actor sa nagdaang Sinag Maynila awards night, in behalf of Mr. Allen Dizon na hindi nakarating nu’ng araw na iyon, feeling ko’y naging napakasaya ko na rin. I dedicated the award to all the OFW’s living abroad. Para sa kanila ang award na iyon na ipinanalo ni Allen.”

BERNARDO B.: UNDEFEATED
BERNARDO B.: UNDEFEATED

Pero, Direk Bernardo B., bakit ka nga ba nawala ng pasumandali sa Pilipinas?, tanong muli ng isang mapagkumbabang blogger.

“Dumating kasi ‘yung time na na-feel ko, parang kailangan ko na munang umalis noon”, sagot ni Bernardo B. “Napansin ko, masyado nang komersyal ang mundo noon ng telebisyon at pelikula. At medyo nagka-edad na rin ako. mas maraming sumisikat noon na mga batang character actors and comedians, sila na ang mas nabibigyan noon ng mga higit na prayoridad. Hindi naman dahil sa nagtampo ako, basta ang gusto ko lang noon ay graceful exit, ika nga. Kesa naman magmukhang kawawa ako, di ba? 

“Pero kapag nasa passion and soul mo pala ang pagganap at pag-arte, hindi mawawala iyon habambuhay”, patuloy niya. “I suffered from severe depression nu’ng nanirahan ako sa Amerika. Frankly, I must tell you now, nu’ng nagpakamatay si Robin Williams na Hollywood actor, naka-relate ako sa kanya. Oo, I admit to you, I suffered from a mild bipolar disease when I was in the U.S., pero salamat naman at nalabanan ko. Salamat at hindi ako natigok. Hahaha! Isa rin iyan sa mga dahilan kung bakit ako nag-desisyon na umuwi na lang sa Pilipinas.”

BERNARDO B. : ICON
BERNARDO B. : ICON

Nasa ’70’s na ngayon si Ginooong Bernardo B. (pero ayaw naming sabihin ang totoong edad niya dahil wala naman sa hitsura niya, he’s looking so young pa rin), at isa marahil sa magiging legacy niya ay ang ialay o i-share sa lahat ang kanyang mga nalalaman ukol sa sining ng pag-arte. Ayon kasi sa aktor na si Lance Raymundo (na gumanap na Hesukristo sa isang nagdaang Senakulo nu’ng Holy Week at tinuruan ni Bernardo B. sa isang special acting workshop bago sinimulan ang dula), napakagaling daw magturo ng acting ni Bernardo B. Napakarami daw nalaman ni Lance, napakaraming natutunan dahil sa mga kakaibang techniques ni Bernardo B. on acting. Hinding-hindi raw iyon malilimutan ni Lance sa buong buhay niya, at ginawa iyon sa kanya ni Bernardo B. ng walang kapalit na bayad.

Kaya naman, matanong nga natin ngayon si Bernardo B., isa ba sa mga dreams niya ngayon ang magtayo someday ng sarili niyang acting school? Let’s face it, sa mundo ng teatro nagsimula si Bernardo B. at isa na siyang ICON sa mundong iyon. Later on his professional career na lang siya gumanap sa pelikula at telebisyon.

BERNARDO2 BERNARDO

“If I will still have another more 20 years of living on this earth, I will do that! Ha-ha-ha!”, naging maagap na sagot ni Bernardo B. “Pero puwede naman akong magturo ng acting kung saan-saan. Dream ko nga iyan before, ang magtayo ng sarili kong school on acting na parang Lee Strassberg sa Hollywood, pero medyo late na yata ngayon. Hahaha! But I love to teach, for me, it’s an exchange of energies between you and the one you’re teaching to. Masaya na ako ngayon sa pag-arte. At mas lalong masaya ako dahil kay dami-dami pa ring sumusuporta at nagmamahal sa akin sa showbiz hanggang ngayon.”

Oo, ang AGILA ay muling nag-“landing” na sa lupa. Kung titignan mo siyang lumilipad ng napakataas sa ere, hindi mo aakalaing kapag malapit na siya sa lupa, tunay namang nakadikit pa rin ang kanyang mga paa doon.

“Akala kasi ng iba ay napaka-‘elite’ kong tao, na galing ako sa mga angkan ng mayayaman”, natatawa pang sabi ni Bernardo B. sa pagtatapos ng panayam. “Hindi po. Hindi po ako galing sa mga elitista’t mayayamang mga tao. Laking Intramuros, Maynila po ako. May pusong makabayan at makatao. At gusto kong maging inspirasyon sa mga kabataan na maski nagmula ako sa poverty o kahirapan, hindi naging hadlang iyon para marating ko ang mga pangarap ko. Nagkaroon ako ng scholarship noon sa eskuwelahan kaya nakapagtapos ako’t nakapag-aral. Pero ni minsan, hindi ako nagpanggap na mayaman. Hindi po talaga.

“Nagkataon lang na nuong kabataan ko at sumikat ako sa mundo ng teatro, naging barkada ko sina Imee Marcos, Joy Virata, Chito Ponce-Enrile, at iba pang mga elitista na mula sa angkan ng mga mayayaman”, huling bigkas niya. “Basta sumakay lang ako sa plataporma. At ang masasabi ko lang, artista ako at kaya kong gampanan ang lahat ng uri ng papel. Noon, magpasa-hanggang ngayon.”

KAHANGA-HANGA KA TALAGA, BERNARDO B.!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

BERNARDO BERNARDO (far right) WITH, (from left): JOSEPH GELITO, BLOGGER SSSIP AND DIREK LAW FAJARDO
BERNARDO BERNARDO (far right) WITH, (from left): JOSEPH GELITO, BLOGGER SSSIP AND DIREK LAW FAJARDO
BERNARDO BERNARDO WITH JIS BESTFRIEND BACK IN THE U.S.- MR. JOSEPH GELITO AND BLOGGER SSSIP AT DULCINEA RESTAURANT
BERNARDO BERNARDO WITH JIS BESTFRIEND BACK IN THE U.S.- MR. JOSEPH GELITO AND BLOGGER SSSIP AT DULCINEA RESTAURANT

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s