ISANG MAKABAGONG DULA UKOL SA BUHAY NI SANTO PAPA FRANCISCO, ANG MAGBUBUKAS NG BAGONG THEATER SEASON SA PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION!


“You Are Mine” – David Haas

POPE FRANCIS: THEN AND NOW
POPE FRANCIS: THEN AND NOW

pope francis2

Salamat sa magandang adhikain ni Vince Tanada at ng Philippine Stagers Foundation na mas higit pa nating pagpugayin ang buhay ng Santo Papa Francisco. Nu’ng nakaraang 14th year anniversary presentation ng PSF na ginanap sa Hotel Benilde Maison De La Salle, Malate, Manila, dalawang araw pa lamang ang nakalilipas (Marso 31, 2015), pormal nang dineklara ni Vince na ang susunod nilang dula para sa bago nilang theater season ay ukol sa buhay ni Santo Papa Francisco. Ito ay pinamagatan ni Vince na ‘POPE-PULAR, THE MUSICAL”. Opo, isa itong musical play sa muli, pero sa pagkakataong ito, hindi na mga sarsuwela ang mga awitin, kundi mga Pop songs na, at mas mainam naman dahil mas kaabot-abot sa panlasa ng mga estudyante’t kabataan ang musikang “pop”, na lilikhain ni Pipo Cifra para sa dulang iyon.

Nagbigay na ng endorsement at go-signal ang isang grupo ng lehitimong mga Katolikong lumalaban sa Sining at Pananalig na gawin ni Vince ang nasabing dula, kaya naman mas lalong naging matapang si Vince ngayon upang makipaglaban pa ng husto sa kanyang adbokasiyang makapagbigay ng Edukasyon at Entertainment sa mga kabataan. Nagbigay kasi muli kamakailan lang ng Memorandum ang Pangulong Noynoy Aquino (P-Noy) at ang Department of Education na ipinagbabawal ang mga dula sa pagpapasali nito sa “curriculum at practicum” sa mga pampublikong eskuwelahan. Kaya naman sa pagkakataong ito, walang magagawa si Vince kundi ang suportahan na lamang ang mga pribadong eskuwelahan sa kanyang mga dulang nagtuturo sa pagka-artistiko ng isang nilalang at sa tunay na diwa ng Nasyonalismo.
Limang Pilipinong “Modern-Day Heroes” ang magpapakulay sa dulang “Pope-Pular, The Musical”. Magku-krus ang mga landasin ng mga Pilipinong Bayani na ito sa dulang sinusulat na ngayon ni Vince. DAHIL LAHAT NG LIMANG BAYANING ITO AY MAY MGA PANANALIG NA MATINDI PALA KAY SANTO PAPA FRANCISCO. Meaning, they are real-life devotees of Pope Francis. Kung paano sila papasok sa buhay ni Papa Francisco? Panoorin na lang ang dulang ito na sinusulat na ni Vince para sa padating nilang new theater season sa PSF.
IBUBUNYAG NAMIN SA MGA SUSUNOD NA ARAW AFTER HOLY WEEK ANG MGA PANGALAN NG LIMANG PILIPINONG BAYANI (MODERN-DAY HEROES LANG PO SILA) NA IYON.
Sa presentation teaser na ginanap sa 14th anniversary celebration (mentioned above), magandang nagampanan ni John Paul San Antonio ang papel ni Pope Francis, habang namimili pa talaga si Vince kung sino ang gaganap sa actual na dula na itatanghal na nila sa buwan ng Hulyo. Ilan sa mga sa gusto ng blogger na ito ay si Poul Garcia, o kaya’y si Cruz Jv, o mas mainam ay si Jomar Tanada Bautista ang gumanap na Santo Papa sa papalapit na new theater season nila..
Ang mga taong patuloy na lumalaban sa Sining, sa Teatro, sa kinabukasan ng mga kabataan, tulad ni Papa Francisco, ay hindi matatalo sa laban. Lalo lamang silang mamahalin ng mga kaluluwang nagpatibay sa katapangan at dedikasyon na inialay nila sa buhay at kultura.
Humayo pa kayo, Vince Tanada and the Stagers!

 

(WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)

PHOTOS OF THE EVENT PARTY BY: MR. ULYSSES ‘BONG’ MANUEL

POUL GARCIA AS POPE FRANCIS?
POUL GARCIA AS POPE FRANCIS?
JV CRUZ AS POPE FRANCIS?
JV CRUZ AS POPE FRANCIS?
JOMAR TANADA BAUTISTA AS POPE FRANCIS?
JOMAR TANADA BAUTISTA AS POPE FRANCIS?
A TEASER OF PSF's NEW MUSICAL PLAY- "POPE-PULAR"
A TEASER OF PSF’s NEW MUSICAL PLAY- “POPE-PULAR”

POPULAR1 POPULAR2

MR. VINCE TANADA IN A GRAND BLACK HAT, TOGETHER WITH MEDIA FRIENDS- MS. CRISPINA BELEN OF MANILA BULLETIN, MS. TESSIE LAGMAN OF DZRM RADIO STATION, MR. ART TAPALLA, A FRIEND OF MS. LAGMAN (IN WHITE SHIRT) AND THIS BLOGGER SSSIP.*
MR. VINCE TANADA IN A GRAND BLACK HAT, TOGETHER WITH MEDIA FRIENDS- MS. CRISPINA BELEN OF MANILA BULLETIN, MS. TESSIE LAGMAN OF DZRM RADIO STATION, MR. ART TAPALLA, A FRIEND OF MS. LAGMAN (IN WHITE SHIRT) AND THIS BLOGGER SSSIP.*
VINCE FORMALLY ANNOUNCES THE STAGING OF HIS NEW MUSICAL PLAY- "POPE-PULAR" DURING THE 14TH YEAR ANNIVERSARY PRESENTATION OF PSF AT HOTEL BENILDE.
VINCE FORMALLY ANNOUNCES THE STAGING OF HIS NEW MUSICAL PLAY- “POPE-PULAR” DURING THE 14TH YEAR ANNIVERSARY PRESENTATION OF PSF AT HOTEL BENILDE.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s