isang paglalakbay sa iba, zambales sa piling nina direk ed, mam tessie, kuya ernie, denz, norris at iba pa…


FROM LEFT TO RIGHT: MS. TESSIE LAGMAN, NORRIS JOHN, THIS BLOGGER SSSIP, AND DENZ JOVELLE.
FROM LEFT TO RIGHT: MS. TESSIE LAGMAN, NORRIS JOHN, THIS BLOGGER SSSIP, AND DENZ JOVELLE.

Who Am I? by Where’s The Sheep?

butanfis

bonding time with blogger SSSIP and young actress denz jovelle salcines
bonding time with blogger SSSIP and young actress denz jovelle salcines
blogger SSSIP in iba, zambales' white castle beach resort
blogger SSSIP in iba, zambales’ white castle beach resort

Tayong lahat ay naglalakbay dahil may hinahanap tayo. O marahil, may gusto tayong tuklasin, sagutin, at namnamin… Minsan din, may tinatakasan tayo o inihahanda ang ating mga sarili sa mga mas matatapang na hamon na darating.

Isang araw, naglakbay ang dalawang kaluluwa patungong Iba, Zambales. Upang magkaroon ng isang “closure” at “assurance” sa kanilang mga sarili. At ang paglalakbay na iyon ay mas ibayong pinakulay pa at pinaganda ng mga bago at lumang mga kaibigan na kanilang nakasama. Sa gitna ng mga suliranin at “stress” sa kani-kanilang mga trabaho at personal na buhay, sila’y nagkasama-sama sa isang very memorable last shooting day ng pelikulang Butanding na ginanap sa White Castle Beach Resort sa may Iba, Zambales.

Ang matiwasay na dagat ng South China Sea ang nagsilbing napakagandang “backdrop” sa paglalakbay na ito. Mula sa di-kalayuan ay matatanaw mo siya ng abot-kamay mo lamang. Mare-relaks ka sa pagtingin dito, tila bagang may sinasabi sa iyong kaluluiwa. Tila bagang may musikang ibinibigay, may damdaming pinararating, may mga kahulugang isinasambulat…

In between takes, ang malalalim na damdaming nadarama ng dalawang kaluluwa ay pinasigla ng mga kakuwentuhan ng isang nilalang nu’ng araw na iyon sa kanilang paglalakbay. Napakasarap kausap ng beteranang radio broadcaster and recording artist na sumikat nuong late ’70’s and early ’80’s na si Tessie Lagman. Ang kanyang pagpapakumbaba samantalang she’s already an icon in the field of broadcasting ay tunay namang kahanga-hanga. Hindi mo siya makikitaan ng pagtataray o “celebrity complex”, napaka-koboy ni Mam Tessie, napaka-down-to-earth at napaka-simpleng tao. Salamat naman at nakumbinse siya ni direk Ed Palmos na lumabas sa pelikulang Butanding, na kung saan ang papel niya ay “out of the box”. Karakter na karakter siya sa pelikulang ito at off-beat ang role niya. Pero habang pinapanood namin siya sa mga eksenang kinunan, kuhang-kuha niya ang karakter na ginampanan niya. Kahanga-hangang aktres.

Si Kuya Ernie naman ang nagsilbing komedyante para sa grupo. Habang kakuwentuhan niya ang blogger na ito, si Mam Tessie, at iba pang mga kasama nila sa social hall function ng resort, talaga namang puro katatawanan ang nangyari. Ang galing-galing kasing magpatawa ni Kuya Ernie, eh. Pero napataba ni Kuya Ernie ang puso ng dalawang kaluluwa nu’ng magkuwento na siya ukol sa kanyang deep spirituality. May mga karanasan na kasi si Kuya Ernie na hindi maipaliwanag ng siyensya at realidad, at talaga namang namangha ang isang blogger sa mga “enchanted” stories niya ukol sa kanyang orchard farm sa may probinsiya ng Tarlac.

Maya-maya lamang ay naglabasan na ang mga dala-dalang pagkain nina Ma’m Tessie at Kuya Ernie. Umapaw ng mga sari-saring pagkain ang mesang kinauupuan nila. Si Kuya Ernie, inilabas ang isang malaking supot ng mga mtatamis, sariwa at bagong pitas na caimito at kasoy na mga prutas na bagong pitas lamang sa kanyang farm. Si Mam Tessie naman, inilabas ang kanyang boxes of chocolate cakes (na specially baked ng friend ni Mam Tessie na si  Ms. Josie Chua) na ubod po talaga ng sarap. Kakabusog talaga. Naka-limang slices of chocolates yata ang nakain ng blogger na ito just in one sitting. Haha.

Nagpagawa pa si Mam Tessie ng ensalada mango salad at nagpa-prito ng naglalakihang Lapu-Lapu na binili niya sa isang vendor doon sa resort. Pero napakasarap din nu’ng Kapampangan Sweet Tocino na dala-dala niya. Pinagpistahan din talaga.

Samantala, naki-join na rin sa grupo ang mga young stars na sina Norris John at Denz Jovelle Salcines. Lalong sumaya ang lahat habang si direk Ed palmos naman ay balang-abala pa rin ang pagtatrabaho dahil kailangang kunan na niya ang lahat ng mga sequences ni Miss Lara Quigaman nu’ng araw na iyon, pati na rin ang mga eksena ng child actor na si Jerome Miles Manzano. Kaya tuloy hindi sila maka-join sa grupo ng mga nagkakainan lang at nagkukuwentuhan ay dahil sunod-sunod ang takes nila. Ni hindi mo na nga maapuhap sina Lara at Jerome dahil stress na stress na sila sa mga dramatic scenes na kinukunan sa kanila ni direk Ed. Very heavy drama scenes pa mandin ang mga iyon. 

Napahanga ng husto nina Lara at Jerome ang isang blogger na nanood sa kanilang mga eksena. Si Lara, pagpasok pa lamang sa harap ng kamera ay motivated at internalized na niya ang kanyang karakter. Kahanga-hanga. Ang dali din niyang umiyak. Si Jerome naman, naku, halos mapaiyak ang isang blogger dun sa eksena niyang nakita niya si Lara na nanay niya duon sa pelikula, na patay na. Talagang nakakaiyak si Jerome sa eksenang iyon…

Anyway, balik tayo kina Norris John at Denz Salcines. Napakababait din ng mga youngstars na ito. Si Norris John, naghain naman ng masarap na Chicken Adobo na baon niya para sa lahat. May mga nilagang hard-boiled eggs din siyang dala.  Samantalang si Denz naman, napaka-thoughtful na ipahiram sa isang blogger ang mga laptops at I-Phone na dala-dala niya para makapag-Facebook ang isang blogger. Nakaka-touch talaga ang thoughtfulness ni Denz…

Nandun din at dumaan ang dating Parish Priest at isa na ngayong musical composer na si Father Cris Cadiang, na siyang nag-compose ng theme song pelikulang “Butanding”. Napakagaan at napakasarap ding ka-kuwentuhan ni Father Chris, and at once, nakipag-bonding siya sa buong grupo nina Mam Tessie, Kuya Ernie, Norris, Denz and the rest…

Piktyur-piktyur pagkatapos ng lunchtime ang mga cast ng “Butanding”.

Sumunod na ang mga eksena nina Mam Tessie at Denz na very heavy din. Ang galing-galing din nilang dalawa sa eksenang iyon na pinapalayas ni Tessie si Denz (na gumaganap bilang young Lara Quigaman sa pelikula). Very physically and emotionally-draining ang eksenang iyon.

Si Norris John naman, bad boy ang character sa pelikula at kuhang-kuha niya. Magaling siyang aktor!

Nai-reveal kasi ni Norris sa isang blogger na plano na niyang mag-work abroad. Sayang naman. Ang galing-galing pa naman niyang umarte. Kakainis… Haha. Pipigilan namin siyang umalis, pramis.

 

FAST CUT TO:

Oo, ang mga tao nga ay naglalakbay dahil may hinahanap sila. At ito ang mas malalim na kahulugan ng buhay, at ng PAGMAMAHAL. Tulad ng mga Butanding na malayang lumalangoy sa dagat, ang bawat tao’y nagnanasa ring kumawala sa mga tali ng buhay. Sa mapagdiktang mundo ng materyalismo, pagnanasa, kapangyarihan…

Sa paglalakbay na ito, nakita nila ang mas ibayong kaligayahan. Ibayong pakikipag-kaibigan sa kapwa, at ang patuloy nilang pagsasama…

 

MAGPAKAILANMAN.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

butanding

THIS BLOGGER WITH YOUNG ACTRESS DENZ JOVELLE SALCINES
THIS BLOGGER WITH YOUNG ACTRESS DENZ JOVELLE SALCINES

IBA2

"MY NEW FRIENDS"---SSSIP :-)
“MY NEW FRIENDS”—SSSIP🙂
"MY NEW FRIENDS"--- SSSIP :-)
“MY NEW FRIENDS”— SSSIP🙂
DIREK ED PALMOS AT WORK...
DIREK ED PALMOS AT WORK…
THE DIRECTOR OF "BUTANDING", DIREK ED PALMOS
THE DIRECTOR OF “BUTANDING”, DIREK ED PALMOS
VETERAN ACTOR, MR. ERNESTO LEGASPI WITH NEW CHILD ACTOR JEROME MILES MANZANO, THE BOY WHO PPORTRAYS THE LEAD CHARACTER IN "BUTANDING"
VETERAN ACTOR, MR. ERNESTO LEGASPI WITH NEW CHILD ACTOR JEROME MILES MANZANO, THE BOY WHO PPORTRAYS THE LEAD CHARACTER IN “BUTANDING”
KUYA ERNIE LEGASPI AND MAM TESSIE LAGMAN POSES DURING A TAKE IN THE FILM "BUTANDING"
KUYA ERNIE LEGASPI AND MAM TESSIE LAGMAN POSES DURING A TAKE IN THE FILM “BUTANDING”
DIREK ED WITH FATHER CHRIS, THE COMPOSER OF THE THEME SONG IN THE FILM "BUTANDING"
DIREK ED WITH FATHER CHRIS, THE COMPOSER OF THE THEME SONG IN THE FILM “BUTANDING”
DIREK ED WITH LARA QUIGAMAN, DENZ JOVELLE SALCINES, JEROME MANZANO AND NASH MARCOS
DIREK ED WITH LARA QUIGAMAN, DENZ JOVELLE SALCINES, JEROME MANZANO AND NASH MARCOS

IBA15 IBA16

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s