mrs. nina zaldua-raymundo talks about his son, lance


mrs. nina zaldua-raymundo: an active religious advocate and mother to lance raymundo
mrs. nina zaldua-raymundo: an active religious advocate and mother to lance raymundo

Sa mga taong hindi pa rin naniniwala sa mga milagro ng buhay at ng pananalig sa Diyos, bahala na lang sigurong magturo ang mga pagkakataon sa kanila. Pero sa mga tulad ni Mrs. Nina Zaldua-Raymundo, butihing ina ng aktor na si Lance Raymundo, patuloy silang lalaban upang mas ibayo pang buhayin ang pananalig sa Diyos at sa kalooban ng mga tao. Ang nangyari sa anak niyang si Lance ay mako-consider niyang isang milagro at isang himala. Salamat na lamang at mula’t noon pa, isa nang active religious advocate si Mrs. Raymundo, kasama na ang buong Raymundo family. Malaking bagay siguro iyon kung bakit hindi tuluyang napahamak si Lance. Ang pagiging malapit nila sa Diyos ang nakatulong ng husto upang makaligtas at maka-recover si Lance sa naganap na aksidente dito almost a year ago now, nu’ng mabagsakan ng barbell ang mukha ni Lance.

mrs. raymundo and son lance, together with the nuns of st. mary's academy
mrs. raymundo and son lance, together with the nuns of st. mary’s academy
lance raymundo as jesus christ
lance raymundo as jesus christ (photo by: ms. joy chua delarmente)
lance and mom with the students
lance and mom with the students

“Laking pasasalamat ko sa Diyos at nakaligtas siya”, nasabi pa ni Mrs. Raymundo sa isang pagkakataon sa isang blogger. “Mas lalo kami ngayong napalapit sa Diyos. At si Lance ngayon ay sobrang aktibo na sa mga speaking enegagements niya in various schools, spreading the word of his miraculous life and sharing it to young students. Dahil isa akong avid devotee ni Mother Ignacia, tinutulungan kami ng RVM sisters sa religious advocacy na ito.”

Maski nu’ng nakaraang pagbisita ni Santo Papa Francis sa Pilipinas, ang Raymundo family ay naging very active and visible sa mga events sorrounding the last Papal Visit to the Philippines. 

“It was awesome”, muling sabi ni Mrs. Raymundo. “Sobrang overwhelming ang naging pakiramdam naming lahat sa nangyaring pagbisita na iyon ng Santo Papa. And to be able to share the true meaning of miracles in our lives, it’s truly unforgettable. Naging very significant talaga para sa aming lahat na magpa-pamilya ang pagdating sa atin ni Santo Papa.”

Kaya ngayong nalalapit na Holy Week, damang-dama pa rin ni Mrs. Raymundo ang pagmamahal ng Diyos, hindi lang sa kanyang pamilya, kundi sa buong Sambayanang Pilipino.

“Masaya ako at ngayon, matutuloy na ang pagganap ng anak ko bilang si Hesukristo sa gaganapin nilang Senakulo”, sabi pa ni Mrs. Raymundo. “Dapat last year ay siya na ang gumanap, pero naaksidente nga siya. Pero dahil ginusto ng Diyos, heto’t tila naulit ang pangyayari. Siya na nga ang gaganap this year.”

Isa si Mrs. Raymundo, kasama na si Lance, sa lumalaban ngayon upang gawing isang ganap na Santa si Mother Ignacia. May ipinakita kasi itong milagro kay Lance nuong nagpapagaling na aktor. Sa bedsheet ni Lance, lumitaw at nagmarka ang mukha ni Mother Ignacia.

“We want to spread the divination of Mother Ignacia”, anya pa. “And we also want to bring Jesus Christ back to the hearts of the people. That we are nothing without God and through God, we can conquer everything.”

Bilang pagtatapos, ano’ng masasabi ngayon ni Mrs. Raymundo sa kanyang anak na si Lance?

“Mas lalo lamang siyang bumait samantalang napakabait na niya even before pa”, pagwawakas niyang sagot. “Napakagalang na anak. Respectful, maalalahanin, mapagmahal. Wala na siguro akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isang anak na tulad ni Lance.”

Korek ka po, Mrs. Raymundo.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

You are all cordially invited to watch SENAKULO 2015, which will feature actor-singer Lance Raymundo as Jesus Christ. Schedule of shows: March 28 at San Juan Plaza, N. Domingo, San Juan: March 29 at Greenfield District, Mandaluyong City:: April 1 at Plaza Hugo, Sta. Ana, Manila: April 4 at SM Baguio.— SSSIP 🙂

mrs. raymundo with husband danilo (lance's dad)
mrs. raymundo with husband danilo (lance’s dad)
mother ignacia
mother ignacia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s