minsan, may isang ed palmos- isang kaibigan, magpakailanman…


BEACH

DIREK ED: A BLOGGER'S FRIEND FOREVER
DIREK ED: A BLOGGER’S FRIEND FOREVER

Masarap pa ring gunitain ang mga ala-ala ng isang kabataang naglaho na. At kasama sa mga ala-alang iyon ang malalim na pakikipag-kaibigan ng isang manunulat sa beteranong direktor na si Ed Palmos. Bagets pa lang ang blogger na ito, naging halos pangalawang tatay na ang tingin namin sa mabait at mapagkumbabang direktor. Na nagawang magbigay ng shelter at refuge sa isang batang manunulat non sa showbiz na pilit tumatakas sa katotohanan. At ang manunulat na iyon ay ang blogger na ito.

Inaruga, tinuruan at nagsilbing ‘mentor’ si direk Ed sa batang manunulat na iyon. Hindi niya ipinagkait ang kanyang mundo, he shared his life to that blogger. Na bihirang gawin ng isang tao sa kapwa niya.

Kaya naman nu’ng naganap kamakailan lamang ang press conference ng international film na Butanding, ganu’n na lamang ang pagkasabik ng isang blogger na muling makita si direk Ed. At hayun si direk Ed, bumababa mula sa hagdan ng Adriatico Arms Hotel. Madarama mo mula sa malayo ang kakaibang ‘aura’ niya. An aura of simplicity, humbleness- but mixed-in with overflowing capacity of GREATNESS.

Siya pa rin si direk Ed na nakilala namin nuong bata pa kami. Hindi siya nagbago. Medyo dumami lang ang mga puti sa kanyang buhok, pero ang respeto at paghanga sa kanyang talino ay naamdaman pa rin namin.

Si direk Ed ang kauna-unahang scholar film director ng Mowelfund Film Institute. Nag-aral siya sa ibang bansa after graduating from Ateneo. At kaagad siyang nakapag-direk ng pelikula sa napaka-murang edad na disinueve anyos (19 years old) sa pelikulang Saan Ka Pupunta, Miss Lutgarda Nicolas (na pinagbidahan ni Ms. Boots Anson-Roa, na siya ring present head ngayon ng Mowelfund).

Nanalo ng maraming awards ang pelikulang iyon. At si direk Ed ang naging pioneer at inspirasyon ng mga young indie film makers nung late ’70’s and early 1980’s.

Ang huling pelikulang ginawa ni direk Ed ay nuong taong 2009, via the film Ay, Ayeng na pinagbidahan naman ni Heart Evangelista. Isa itong cross-cultural film, at muli, ito’y nanalo ng mga film awards.

Sapat na siguro ang ilang film credentials na iyan para dakilain natin ang napaka-low key and humble na direktor na ito, who prefers living and settling down sa kanyang magandang beach resort sa Iba, Zambales. Doon ay simple lang ang pamumuhay ni direk Ed. Away from the hustles and bustles of the city life. The pressures of modern-day living. And the “dogs-eat-dogs” kind of existence.

Ang beach resort na iyon din ni direk Ed ang naging refuge ng blogger na ito sa tuwing siya ay tumatakas sa mga demands ng modern-day society. Buong pusng inialay ni direk Ed ang kanyang shelter sa kanyang kaibigang blogger. At doon, hinahayaan lang ni direk Ed na makipaglaro ang blogger na ito sa masasayang alon ng South China sea- ang dagat sa Iba, Zambales.

Hihiga sa buhangin, titingin sa ulap, at sa muli, mangangarap.

Ngayon, si direk Ed ay nagbabalik-pelikula. Nagsu-shoot siya ngayon ng pelikulang Butanding, isang melodramatic film na ang subplot ay mga Butandings.

“I want to do movies that will only reflect the good and positive side of every Filipinos”, nawika pa ni direk Ed sa kaibigan niyang blogger. “I feel, it’s enough already to take advantage of Filipinos weaknesses and darker side just to gain an international appeal or market. It’s my mission to show to the world the beauty of being a Filipino.”

At sa pelikulang Butanding, ipakikita iyon ni direk Ed. Ang bondage ng Filipino family ties. Ang pangarap ng isang munting bata. At ang pagmamahal ng mga Pinoy sa kalikasan at environment- tulad ng pangangalaga sa mga Butandings.

Kinuha ni direk Ed ang serbisyo ng international Filipina singer na mula pa sa Hollywod, si Madame Lourdes Baron na maging bidang babae niya sa pelikulang ito. Si Lourdes Duque Baron ay critically-acclaimed singer sa Hollywood at nanalo na sa L.A. Music Awards (this blgger will soon feature a separate story on this gigantic and talented lady).

“With Ms. Baron as part of my movie, I can feel na mas magkakaroon ng saysay ang mensahe ng aming pelikula”, huling nasabi pa ni direk Ed. “Kilala internationally si Ms. Lou Baron at makakatulong iyon sa plight ng mga Butandings para ma-preserve sila at mapangalagaan. Endangered na kasi for extinction ang mga Butandings. Kaya nagpapasalamat ak ng marami sa suportang ibinigay ni Ms. Baron sa pelikulang ito.”

 

Ang tunay na kaibigan ay hindi nawawala. Marahil, siya lamang ay nagbabakasyon upang mag-recharge at muling magbalik. Sa pakikipagkaibigan ni direk Ed sa isang blogger, muling naging makatothanan ang salitang MAGPAKAILANMAN.

Dahil tulad din ng pagmamahal, ang pakikipag-kaibigan ay habambuhay.

At oo, si direk Ed nga ay isang tunay na KAIBIGAN.

 

(WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)

ED2 ED3 ED4

(ABOVE: DIREK ED BEING HUGGED BY MS. LOU BARON, AS THEY POSED TGETHER WITH OTHER FRIENDS AND RELATIVES RECENTLY).

 

One thought on “minsan, may isang ed palmos- isang kaibigan, magpakailanman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s