sa nakalipas niyang valentine concert, heto ang sabi ni gerald santos: “It was a great experience!”


ALEX4 ALEX5 ALEX6

a friend that stayed at Gerald Santos' valentine concert. just look everywhere.
a friend that stayed at Gerald Santos’ valentine concert. just look everywhere.

Feeling ng isang blogger, sosyal na sosyal siya habang very relaxed siyang nakaupo sa chair ng “tables-for-two” ng Serendipity Lounge sa may Discovery Suites, Ortigas, Manadaluyong City. Hinihintay niya ang manager ni Gerald Santos para personal na iabot sa kanya ang ticket sa gabing iyon ng very special Valentine concert ni Gerald entitled “All Of Me” sa mismong venue na iyon. Isang oras na lamang ay magsisimula na ang konsiyerto, and very well-organized ang nasabing event. Napakagalang at efficient ng mga staff involved sa production and everything went well without any hassles at all.

Maya-maya lamang ay dumating na si Mr. Cocoy Ramilo, hawak ang tiket na ibibigay niya sa blogger. It’s a very expensive ticket worth 3, 700 Php. kasi may kasamang dinner ang nasabing concert. Makakapanood ka na ng libreng concert, may expensive dinner ka pa mula sa Discovery Suites. Wow, di ba? It’s something so wonderful para sa isang simpleng blogger lamang na humahanga kay Gerald. At lahat ng ito ay libre, taos sa pusong ibinigay, inialay.

Sa tinagal-tagal ng blogger na iyon sa mundo ng showbiz- more than 30 years na siguro- hindi niya inaasahan na mula pa sa mga taong halos limang taon pa lamang niyang nakikilala manggagaling ang mga ganitong kagandang alay ng buhay o regalo mula sa kanyang mga paghihirap bilang isang manunulat. Tulad din ng Cultural Center of the Philippines na nagbigay sa kanya ng very expensive tickets sa Broadway Musical na “Beauty & The Beast”, di hamak mang mas mahal ang mga tickets na iyon, tila yata mas espesyal pa rin ang ticket na ito na mula sa manager ni Gerald. At bakit? Dahil si Gerald ay isang kaibigan, isang napakahalagang kaibigan. At ang pagbibigay nito ng isang taos-sa-pusong imbitasyon ng LIBRE ay tunay namang nakakataba ng puso.

Kasama ang Team Gerald (ang mga espesyal na tao at mga kaibigan ni Gerald), lahat ay namangha at nasiyahan sa naging napakagandang outcome ng Valentine Concert na iyon. Isa-isa pang binigyan ni Gerald ng mga bulaklak na rosas ang mga espesyal na panauhin, ang mga taong nasa audience ng Serendipity Lounge. Mahigit sa 25 songs ang kinanta niya. Lahat ay tumutusok sa puso.

Isang blogger ang pumunta sa dressing room ni Gerald, sa pahintulot ng manager nito, para kapanayamin siya:

Ano’ng masasabi mo sa Valentine Concert mong ito, Gerald?, tanong ng blogger.

“It’s a great experience!”, mabilis na sagot ni Gerald. “Sobrang happy ko po, tito Robert. First time kong ma-experience ang isang ganitong special concert na ang set-up ay very intimate, very cozy. Ibang-iba po ang pakiramdam ko ngayon. Kaya salamat po sa lahat ng mga nanood at napuno ko itong Serendipity Lounge. Sobrang ina-appreciate ko ang pagpunta ninyong lahat.”

Sabi pa ni Gerald, one month lang ang naging preparation nila sa special Valentine concert na ito.

“January na nu’ng mag-offer sa amin itong Serendipity Lounge ng Discovery Suites to have a concert here”, anya pa. “Kaya nung um-okey na ang lahat, namili na kami ng manager ko ng mga kakantahin ko na mostly ay mga standard songs, classical songs, old songs. Kaya nakakapanibago. Sa age kong ito, sobrang fulfilled ako na kumanta ng mga standard songs. Sobrang naiiyak ako sa mga lumang kantang inawit ko dito sa concert ko. Nanunuot sa kalamnan ko, tito Robert… Iba pala ang mga lumang kanta talaga, tito Robert. Ang gaganda ng mga mensahe nila. Ang gagaling ng melody. Nakakapangilabot. Buti at nabigyan ako ng chance ngayon na awitin ko sila.”

Naging pinaka-paborito raw ni Gerald sa mga lumang inawit niya sa said concert na iyon ang mga kantang Moon River, My Funny Valentine at Ikaw. Kaya bigay na bigay daw siya habang inaawit ang mga ito.

“I offer this concert to the God almighty”, pagtatapos na sabi ni Gerald. “Next is my family. At sa lahat ng mga nagmamahal sa akin.”

Sa darating na June 13, ayon sa manager ni Gerald na si Mr. Cocoy Ramilo, magkakaroon si Gerald ng major concert sa PICC Plenary Hall. Gerald is also set to do a European tour by the month of May. Pupunta siya sa mga European cuntries like Sweden, Denmark, France, at iba pa, upang doon ay mag-concert at kumanta.

Ang kanyang stage play na San Pedro Calungsod: The Musical ng RedLife Entertainment Productions ni Ms. Bem Red Reyes ay ongoing pa rin. Nakatakda silang magpunta sa Davao City sa huling linggo ng Pebrero upang doon itanghal ang dula.

Dalawang MTV’s rin ang ginawa ni Gerald para sa mga kantang kasama sa kanyang latest CD album kamakailan lang.

Oo, mas malayo pa nga ang tatahakin ngayon ni Pedro, ang Gerald Santos sa paningin ng isang KAIBIGAN.

 

(WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)

PHOTOS BY MS. LHYNNE IMPERIAL, SHOWBIZ MANSION PRODS. AND MR. ALEX DATU

LYN9 LYN8 LYN7 LYN6 LYN5 LYN4 LYN3 LYN2 LYN

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s