coins amounting to 64 pesos…on valentine’s night


Gabi ng Valentine’s. Bigla, nalungkot ako. Pero ayokong indain ang mga sakit ng damdamin ko. Daming masasakit na nangyayari, pero okey lang, sabi ko sa sarili ko… Ayokong magtampo,,, Kaya lang, ayoko nang bumalik sa mga taong iba ang naging tingin sa akin..

Gabi ng Valentine’s… Gusto ko lang sigurong maglibang, mag-“journey”… maglaro. Kasi hindi naman ako anghel, tao lang ako…

Naglasing ako. Mag-isa lang.

Pero hindi naman ako nalungkot maski mag-isa lang ako nu’ng Valentine’s night. 

Sa madidilim na kalye, naglakad ako…

Dama ko ang peace at solitude sa sarili ko.

Inubos ko ang pera ko sa paglalaro. Kasi, sa muli, tao lang ako, eh.

Pero parang may hinahanap ako sa tuwing naninigarilyo ako. Lagi akong tumatanaw sa malayo. Basta, yosi lang ako ng yosi….

Nakita ko ang napakaraming bituin sa langit nung gabi na yun, parang ginagabayan ako  sa gitna ng dilim ng gabi.

Nakapikit lang ako sa jeepney habang nakasakay ako. Kasi, ayokong magpahalata na lasing ako.

Pero, naubos muli ang pera ko.

May natirang mga barya, marami.

Binilang ko ang kabuuuang halaga ng mga natirang barya ko. Inisa-isa ko. Wala akong magawa na kasi sa kuwarto ko nung pag-uwi ko…

Nagulat ako. 

Ang total amount nung barya ko na mula sa kahihiyan ko sa mga celebrities na inaabala ko- 64 pesos.

Inilagay ko siya sa matibay na coin purse ko. 

Hindi ko sinadya na maging ganu’n ang halaga ng barya ko. Kaya namangha ako.

Nakapagtataka.

Hindi ko siya gagastusin. Itatago ko siya… magpakailanman.

At bakit?

may “64” friends kasi ako. Pero hindi ko sa sasabihin sa inyo kung sino sila.

Ang mga bituin sa langit nung Valentine’s Day at ang coins kong amounting to 64 pesos.

Sapat na yun…

Para maging masaya ako.

NUNG NAKARAANG VALENTINE’S NIGHT.

“matutulog muli ako o kaya pipikit lang ulit…doon ko lang kasi sila nakikita, habang pinapakinggan ko ang pagtibok ng puso ko habang nakapikit”.

“one” navigates out.

window coins

(mula kay sssip, isinulat sa kanyang “aklat ng pagibig” at inukit sa puso ng mga anghel, sa petsang pebrero 16, 2015)*

“20 + 44 equals 64”

STARS

dalaibuddhaoneoneoneoneoneoneoneoneoneoneoneone

One thought on “coins amounting to 64 pesos…on valentine’s night

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s