isang panibagong sulyap kay VINCE TANADA


 

 

 

“ISANG PANIBAGONG SULYAP KAY VINCE TANADA”

 

Iilan na lamang sila na lumalaban alang-alang sa sining at kaluluwa ng Nasyonalismo. Sa dinami-dami ng mga artistang kumikinang sa langit, kakaunti na lamang ang lumalapit sa lupa upang abutin ito at akapin. Sa makabagong panahon ng komersyalismo at pagpapaunlad sa sarili at pagpapadami ng angking materyal na yaman, nalilimutan na nila ang pagmamalasakit sa mga kabataan, at pagbibigay-kulay sa tunay na kahulugan ng buhay.

Paano na lamang ang mga estudyante’t kabataan na kapos sa lahat ng bagay? Sino ang aabot sa kanila? Sino ang pupunta sa kanila para matuklasan nila ang higit pang mga mensahe at katuturan ng kanilang buhay?

“Napaka-importante po ng sining upang maipahayag natin ang mga mensaheng ibinibigay nito sa kabataan”, minsan ay nasabi ni Vince Tanada sa curtain call ng isa niyang dula. “Huwag naman sana nating bale-walain ito. Dahil ang sining ay nakapagtuturo, nakapagpapamulat, nakapag-gagabay at higit sa lahat, nakapag-e-entertain.”

Ito ang panibago naming SULYAP kay Vince Tanada. Isang modernong mandirigma, handang ipaglaban ang kanyang mga prinisipyo- to contribute something in shaping-up a more harmonious and better society.

Kung noon, ang tingin ng isang blogger kay Vince ay isa lamang tunay na kaibigan, ngayon ay natutuhan na niyang tignan ang artistikong nilalang na ito mula sa mundo ng teatro bilang isang ICON. Oo, icon.

Sa dinami-dami ng kanyang mga nakamtang awards sa literatura, acting, direksyon, at iba pa, karapatan ni Vince na mas sulyapan siya sa isang mas malalim na aspeto. Hindi lang basta isang kaibigang gumagabay, kundi isang mandirigma ng sining na naipagbubunyi ang kadakilaan nito. Nakapagpapa-mulat sa mga kabataang magiging pagasa ng bayan balang araw.

Sa gitna ng mga intrigang dumating sa kanya sa mundo ng showbiz at entertainment, hindi natinag si Vince. Mas lalo lamang siyang lumaban. At ang mga makukulay na dimensyon ng kanyang pagkatao ay mas lalong makikita ngayon.

Si Vince at ang kanyang PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION is moving-on, creating greater impressions, soaring higher in the fields of performing arts.

Kaya kung anumang personal na damdamin ang naramdaman sa kanya, iyon ay namatay na at napalitan ng mas ibayong paghanga, pagkasabik at paghangad ng ibayong pagbibigay ng suporta sa kanya.

Siya at ang PSF lamang ang makakagawa ng “mammoth-like task” na iyon in further reaching-out the message to the youth.

THAT,

LIFE WITHOUT ART IS NOTHING-

AND LOVE WITHOUT COMMITMENT IS USELESS…

UPON THE BONDAGE OF

 

ETERNITY.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

(Vince and the Philippine Stagers Foundation are now preparing for their provincial shows in Zamboanga, Bacolod, Iloilo, Bataan, and more. Their yearly summer acting workshop will start by the month of March).****sssip.

 

vince2 vince3 vince4 vince5 vince6 vince7

vince in "filipinas: 1941"
vince in “filipinas: 1941”

One thought on “isang panibagong sulyap kay VINCE TANADA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s