philippine stagers foundation’s journey to vigan (in photos)!


 

Tama nga ang sinabi ng showbiz genius na si Julio Cinco Nigado: “The Philippine Stagers Foundation is like a community theater na unang in-establish ng grupo nina Christopher Marlowe (an English poet) nuong panahon pa ni Shakespeare. Pero ngayon, I can say, ang PSF ay isa na ring travelling caravan theater group na nagta-travel all-over the Philippines. Sila lamang ang nakakagawa nito among all the theater groups sa bansang Pilipinas.”

 

At mas mainam iyon, dahil ang pag-reach-out na ginagawa ng PSF all over the country- to spread the beauty and arts of a theater production- para sa mahihirap at mga nasa liblib na lugar ng mga probinsya, AY SADYA NAMANG KAHANGA-HANGA. This is one great advocacy on their part. Isang napakalaking sakripisyo at pag-uukol ng panahon para lamang mapasaya, ma-educate at maipahayag nila ang kanilang pagmamahal sa mga kabataang naninirahan sa mga probinsya.

 

Minsan nang nasaksihan ng blogger na ito ang malaking kaganapan at tagumpay ng adhikain na ito ng PSF na maglibot sa mga probinsya. Nu’ng minsang sumama siya sa Bayawan, Negros Occidental, nasaksihan niya ang pagdating ng mga truckloads of students and youths makapanood lamang ng kanilang dula sa main city proper ng Bayawan. Nakasakay ang mga ito sa mga wide-open trucks na ginagamit ng munisipyo ng probinsya sa pagkolekta ng mga basura, ipinahiram muna sandali sa mga kababayan nila para mapanood ang dula ng PSF. Mga sampung truck ata ‘yun. At halos mapaiyak ang isang blogger sa kanyang nakita. Naroo’t nakasakay nga sa mga dumptrucks ang mga estudyante!!! Mula sila sa mga remote barangays ng Bayawan, Negros Occidental na walang ibang means of transportation kundi ang sumakay sa mga dumptrucks na iyon. Grabe po talaga.

 

Kaya naman ang pagsuporta sa Philippine Stagers Foundation ay isang nakakataba-sa-pusong adhikain na ng isang blogger. What they’re doing is all a worthwhile cause. Via their great theater productions and performances, natuturuan nila ang mga kabataan, napapasaya at nai-a-uplift pa nila ang “spirit of nationalism” para sa bansang PILIPINAS.

 

Buti na lamang at may isang VINCE TANADA na walang pagod na gumagawa nito at nagli-lead. Salamat.

 

Nasa ibaba ang pinaka-huling out-of-town adventure ng PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION sa Vigan, Ilocos Sur. Enjoy and cherish.

 

EXCLUSIVE PHOTOS BY: MR. VINO ORIARTE

(WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)

 

vino VINO2 vino3vino4 vino6 vino7 vino8vino78 vino77 vino76 vino75 vino74 vino72vino71 vino70 vino69 vino68 vino65 vino64 vino63 vino62 vino59vino58 vino57 vino9 vino10 vino11 vino12 vino13 vino14 vino15 vino16 vino17 vino19 vino20 vino21 vino22 vino23 vino24 vino25 vino26 vino27 vino28 vino29 vino30vino31 vino32 vino33 vino34 vino35 vino36 vino37 vino38 vino40 vino41 vino42 vino43 vino44 vino45 vino46

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s