alence villanueva: next in line as psf’s leading lady


photographer vino oriarte captures ALENCE VILLANUEVA's exquisite beauty in this great photo head shot
photographer vino oriarte captures ALENCE VILLANUEVA’s exquisite beauty in this great photo head shot

Very low-key lang ang mga babaeng theater performers ng Philippine Stagers Foundation. Hindi sila nagnanakaw ng atensyon o “takaw-pansin” pero kapag napanood mo na sila sa entablado, mapapamangha ka sa kakaibang galing nila bilang mga artista. At dahil diyan, napakalinis ng imahen nila sa mga tao. Respectable. Admirable. Adorable.

Kung ang mga lalaking artista ng PSF ay talaga namang tinitilian at hinihiyawan, malalakas ang dating at talaga naman kasing may mga ibubuga, iba naman ang atake ng mga theater actresses na miyembro ng PSF. Tipong tahimik lang, pero kapag nagsi-arte na, ‘yun na.

Nariyan sina Cindy Liper, Adelle Lim, Jerie Sanchez, Nikki Joy Villaviray, Cherry Bagtas… Pero isang female Stager yata ang tila napapansin na rin ngayon. Siya’y walang iba kundi si Alence Villanueva.

“Naku po, tito Robert, nakakataba naman po ng puso ang sinabi ninyo”, bungad na reaksyon ni Alence sa isang interbyuhan. “Sa palagay ko ay marami pa akong kakaining bigas bago ko mapantayan sina Cindy, Adelle at iba pa. Pero salamat na rin po, push-factor po iyan sa akin to do better as an actress.”

Unang gumanap si Alence sa major theater production ng PSF sa dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela.

“Ang papel ko po doon ay isa sa mga taong bayan”, wika ni Alence. “Happy po ako sa naging role ko doon dahil naging very productive po ako. Hindi ko alam na masusundan pa pala iyon. After a brief vacation, isinali naman ako ni direk Vince Tanada sa Filipinas: 1941 at doon, napakaganda ng papel na ibinigay niya sa akin.

“Ako si Donya Aurora Quezon sa dulang Filipinas: 1941“, dugtong niya. “And so far, I can say that it’s my biggest role talaga. Most challenging din for me.”

Most challenging in the sense that Alence needed to look old and act old portraying the widow of the late President Manuel L. Quezon.

“Medyo nahirapan po ako sa boses ko, dahil sabi ni direk Vince, bagets na bagets daw ang tunog ng boses ko, eh”, muling sabi ni Alence. “Kaya nag-voice characterization talaga ako. Pinag-aralan ko maige ang character ni Donya Aurora.”

Ang pinaka-memorable na eksena ni Alence sa dulang Filipinas: 1941 ay ‘yung eksenang sinabi niya sa asawa niyang Presidente na mga salitang: “Ito ang araw ng kagitingan”.

“Kasi po, sa eksenang iyon, demoralized na ang asawa kong Presidente”, sabi ni Alence. “Gusto kong buhayin ang pagasa at pakikipaglaban sa damdamin niya. Kaya sabi ko sa kanya, maaalala ang araw na iyon bilang ‘Araw ng Kagitingan’. Na walang mali sa kanyang ginawa, na wala ring mali sa pakikipaglaban niya para sa bansa. Inihabilin ko ang mga salitang iyon sa kanya. Kaya sa tuwing iyon na ang eksena ay naiiyak na po ako.”

Si Alence na nga ang “next in line” sa mga magiging future leading lady roles sa mga dula ng PSF. Kaya ngayon, ‘under study’ na rin siya sa papel na Emilia, ang isa sa pinakamagandang roles sa babae, sa dulang Filipinas: 1941.

“Si Cindy Liper po ang gumaganap na Emilia, pero dahil sa dami ng mga future performances naming gagawin sa mga probinsya, pinag-aaralan na ni direk Vince Tanada na gawin akong understudy sa karakter na Emilia”, pahayag ni Alence. “Naku, kinakabahan na po talaga ako dahil napakahirap nu’ng karakter na iyon.”

Napakagaling din ng version ni Alence sa isa sa mga dula sa “4-C” plays ng PSF- ang One-Act play na Emotional Rollercoaster, kung saan gumanap si Alence bilang “number 2” ng isang lalaking piloto.

“Mahirap po palang gumanap na buntis”, wika pa ni Alence. “Ang role ko kasi doon ay yung nabuntis na other woman nung piloto. Napaka-experimental ng attack ni direk Vince sa play na iyon, pero salamat po at nagustuhan ng karamihan. Magkakaroon pa rin kami ng Manila shows para sa 4-C plays namin soon.”

 

Magmula nu’ng maging isang ganap na aktres na si Alence, isang bagay ang nagbago sa kanyang sarili:

“I have learned to be more independent at huwag umasa sa iba”, pagtatapos na wika ni Alence. “Unlike before, very dependent ako sa mga loved ones ko. This time, mas nakita ko sa sarili ko ang mga kakayahan ko. Kaya ko palang patunayan din na may lugar din pala ako sa mundo ng teatro.”

At ang pagka-bituin ni Alence ay mas ibayo pang kikislap.

 

(words by robert manuguid silverio)

 

alence (photo: roper studio)
alence (photo: roper studio)
alence with co-stager jomar bautista in a dramatic scene in the play of PSF: "filipinas: 1941"
alence with co-stager jomar bautista in a dramatic scene in the play of PSF: “filipinas: 1941”

 

alence with a relative
alence with a relative

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s