“mas nauunawaan ko na ngayon ang lahat ng mga pinagdaanan ko dahil kay hesus”— lance raymundo


brad pitt (left) and LANCE RAYMUNDO (right): both so close in being JESUS CHRIST
brad pitt (left) and LANCE RAYMUNDO (right): both so close in being JESUS CHRIST

 

LANCE: a more meaningful look and portrayal as J.C.
LANCE: a more meaningful look and portrayal as J.C.

Malawak din ang naging karanasan ni Lance Raymundo pagdating sa mundo ng Teatro. Matagal din siyang napasa-ilalim sa theater group na Gantimpala Theater Foundation, which was still under the Artistic leadership then of the late Tony Espejo (R.I.P.) Pero ang beteranong direktor naman na si direk Jun Pablo ang nag-direk nuon kay Lance sa stage play na Romeo and Juliet. Kaya naman kung tatanungin natin si Lance kung handang-handa ba siya na magbalik-teatro, heto ang sagot niya:

“Yeah, I am more than willing”, sagot niya. “Pero as of this time, ang tanging magagawa ko lamang ay hanggang duon na muna sa Senakulong dapat ay last year ko pa nagawa. Ito ‘yung stage play o Senakulo na kung saan ay gaganap ako bilang si Kristo. Pero dahil naaksidente ako last year, just weeks before I do that Senakulo, hindi nga ako natuloy. Kaya sa taong ito, ipinapangako na gagawin ko nang talaga.

“Pagdating sa pagbabalik-teatro, happy na muna ako duon sa Senakulo, but I won’t make a career out of it”, dugtong pa ni Lance. “Kasi, yung Senakulo ko on the life of Jesus Christ, entilted Ang Martir Sa Golgota, it’s more of an unfinished task for me. I know I can give a good portrayal of Christ. And this privelege is once in a lifetime talaga.”

lance: lucky charm
lance: lucky charm and those EYES!
AMERICAN ACTOR ROBERT POWELL: THE CLOSEST ONE IN BEING JESUS CHRIST (from the film "jesus oof nazareth")
AMERICAN ACTOR ROBERT POWELL: THE CLOSEST ONE IN BEING JESUS CHRIST (from the film “jesus oof nazareth”)

If you stare long and hard on Lance’s eyes, makikita mo talaga ang mga mata ni KRISTO. Bilog na bilog, malamlam, makinang, malalim. Ganyan daw talaga ang mga mata ng tunay na Kristo, ayon sa mga matatanda ninuno natin. Kapareho ng mata ni Lance ang Hollywood actor na si Robert Powell (ang American actor na sumikat nuong 1980’s who became so popular and so close in portraying J.C. sa pelikulang Jesus of Nazareth, which was directed by Franco Zefirelli), na napaka-bilugan,intense at powerful.

“Mas nauunawaan ko na ngayon ang lahat ng mga pinagdaanan ko ng dahil kay Hesus”, patuloy pang wika ni Lance. “Parang ang lahat ay nagkaroon ng kahulugan at ng meaning. Kung hindi nangyari ang aksidenteng iyon, baka medyo mababaw lang ang pagtingin ko sa pagpo-portray ko bilang si Hesus. Pero dahil sa nangyaring aksidente, mas symbolic ang lahat para sa akin. It’s as if He prepared a harder road so I can portray Him better.”

lancejc4

At sa taon ngang ito ng 2015, si Lance nga ang gaganap na Hesus sa isang malaking Senakulong magaganap. Na dapat sana’y last year pa nangyari kundi lamang siya naaksidente. Pero napansin pa ni Lance, nu’ng pinanood niya ang Senakulong iyon na medyo hindi pa magaling nuon ang mukha niya dahil sa naganap na facial accident niya, ang mga milagrong ginawa ni Hesus sa Senakulong iyon ay ang mga milagrong naganap sa kanya nuong maaksidente siya.

“In that Senakulo, Jesus Christ performed three miracles”, sey ni Lance. “He cured the blind, he healed the limp and also performed a miracle on someone suffering from blood clot. Lahat ng mga sakit na iyon ay pinagdaanan ko nu’ng maaksidente ako, and that’s the irony of it. I almost got blind because the weights that fell down on my face became so close to my eyes at halos lumuwa na ang mga mata ko, I also got limp because hindi na ako makatayo noon dahil nawalan ako ng sense of balance after the heavy metal weights fell on my face, at pangatlo, talagag walang tigil’yung dugong lumalabas sa ulo ko at sa mga mata, hindi mapigilan. So, lahat nung mga naging patients na iyon ni Jesus Christ sa play, naging ako rin ‘yun. The doctors told me that it like a miracle that all those sicknesses went-away in such a short time. Which somehow,I attributed to the efficiency of my doctors and nurses, but also because of my strong faith to God. It was my faith that brought me back.”

Kaya preaparadong-preaparado na ngayon si Lance.

“When you portray Jesus Christ, you must be spiritually-equipped na”, anya pa. “And this time around, I am very much ready.”

 

Oo, Ang lahat ng mga nagaganap sa mundong ito ay sadyang may kadahilanan. Mahiwaga, puno ng kahulugan. At sa mga nangyari sa buhay ng aktor na si Lance Raymundo, tila ang lahat ay magkakaroon ng kaganapan.

Na tunay ngang may DIYOS. Na totoo si Hesus. At nabubuhay sila sa puso ng mga taong patuloy na mananalig at magmamahal sa kanila…

 

MAGPAKAILANMAN.

 

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

lancejc5

 

(thanks to: AKUYAKU20 for the vid above we grabbed at youtube.com).— sssip*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s