magkakabaung (the coffin maker): hiling ng damdamin, tagos sa bituin…


 

“MAGKAKABAUNG (THE COFFIN MAKER): HILING NG DAMDAMIN, TAGOS SA BITUIN…”

SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO

 

Hindi man ito ang napili naming pinakamagandang pelikulang napanood namin nu’ng nagdaang taon ng 2014 (dahil ang pelikulang Gemini ni direk Ato Bautista ang pinaka-nagustuhan ng blogger na ito), ito naman ang masasabi naming pinaka-matalinong pelikulang napanood namin sa buong buhay namin.

Napakalinaw ng mga mensaheng nagawang mailahad ng kahanga-hanga ng scriptwriter at direktor nitong si Jason Paul Laxamana. Na maski halatang malaki ang impluwensya sa kanya ng isa sa kanyang mga mentors na si direk Brillante Mendoza, madarama mo pa rin ang pagka-orihinal at kakaiba ng istilo at approach niya sa natatanging obrang-pampelikulang ito. Marahil, no words could be exact on how realistic and beautiful this film could be. Dagdagan man namin ng mas ibayong mga salita pa ng pagpuri at pagnanamnam sa pelikulang ito, magiging O.A. (over-acting) lang.

Basta ang masasabi namin, tunay na deserving si Jason Paul sa lahat ng mga papuring natanggap niya mula sa mga kritiko at mga manunulat ukol sa pelikulang ito.

Isang napakagandang team-up ang nangyari mula kay Jason Paul at sa bidang aktor sa pelikula na si Allen Dizon. Gamay na gamay nila ang isa’t-isa, dahil, sa bawat eksena ni Allen, kalkuladong-kalkulado niya ang kanyang emosyon, kontrolado naman ng direktor ang bawat kilos niya- at nag-ugnay lahat ang mga magagandang anggulo at bawat eksena ng pelikula.

Ang makatotohanang pagganap ni Allen sa pelikulang ito ay sadyang nakapagpapatayo ng balahibo. Siya ang aktor na pang-habang panahon.

Maski na napaka-miserable ng mga naging sitwasyon at pangyayari sa pelikula, nakapagtatakang hindi nakadama ang isang blogger ng “feeling of depression or lowness” habang pinapanood niya ang pelikula. Kasi naman, napaka-logical ng atake ni direk Jason Paul. Natural na natural.

Dahil hindi ka maaawa sa mga karakter ng pelikulang ito. Napunta sila sa kani-kanilang mga kinasadlakan dahil kagustuhan nila iyon. Walang dapat sisihin maliban sa kanila.

Ang tanging tunay na biktima lamang sa pelikulang ito ay ang namatay na batang babae na anak ni Allen sa pelikula. Pero hindi ka rin manlulumo ng tuluyan sa sinapit niya, dahil napakaganda ng “redeeming value” na ipinakita ni direk Jason sa huling eksena ng pelikula. Ang eksenang habang nakayuko’t nakatingin si Allen sa lupang pinaglibingan niya sa kanyang namatay na anak, hindi niya alam na ang kaluluwa nito’y nakatabi’t nakatingin lang sa kanya.

Dahil hindi naman niya kasalanan kung hindi sinasadyang “napatay” niya ang kanyang anak dahil sa pagpapa-inom ng maling gamot sa lagnat. Ito ay dala na rin ng kanyang kamangmangan, kahirapan, at pagiging miserable sa lahat ng mga bagay na dinaranas niya.

HILING NG DAMDAMIN, TAGOS SA BITUIN….

 

Lahat ng tao’y may karapatang mangarap, mabuhay, umasa. Bawat hiling nila, kung ito ma’y wagas at dalisay at puno ng pagamahal at pananalig, ang mga hiling na iyon ay tumatagos sa mga bituin sa langit.

Isa lamang ang hiling ng karakter ni Allen sa pelikulang ito. Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak na babae. Pero namatay ito.

Namatay ito dahil iyon lamang ang tanging paraan para masagip ang bata sa mga susunod pang sakit, kahirapan, katanungan…

Kinuha siya dahil sa kanyang amang nagnanasa lamang ng kanyang walang-hanggang kaligayahan balang-araw….

 

AT,

MAGPAKAILANMAN.

 

magka

THE GREAT TEAM OF "MAGKAKABAUNG" dennis evangelista (prducer), jason paul laxamana (director), allen dizon (actor) and ferdinand lapuz (marketing man).
THE GREAT TEAM OF “MAGKAKABAUNG”
dennis evangelista (prducer), jason paul laxamana (director), allen dizon (actor) and ferdinand lapuz (marketing man).
allen dizon: best actor at hanoi international filmfest for "magkakabaung"
allen dizon: best actor at hanoi international filmfest for “magkakabaung”

magka4

allen: a rare gem of an actor- for eternity.
allen: a rare gem of an actor- for eternity.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s