isang araw, sa piling ni josh limon (ng pilyo boy band) sa bagong studio building ng TV-5…


josh limon of "pilyo|
josh limon of “pilyo|
josh
josh

Upon the request ng isang TV network executive sa channel 7 (kung saan based ang PILYO boy band dahil mainstay sila sa Walang Tulugan TV show ni Kuya German Moreno), nag-audition si Josh Limon para sa itatayong new TV show na entitled WATTPAD sa TV-5, ang Kapatid Network.

Tila variety show yata ang nasabing new TV program ng channel 5. A-la ASAP ng channel 2. Kaya naman ang mga nag-audition nu’ng araw na iyon sa bagong-tayong studio building ng TV-5 sa may Pioneer St., Mandaluyong ay pawang mga singers, boy bands, TV hosts and models. Wala kaming nakitang actors or actresses.

Very happy naman si Josh dahil mismong ang “Madame Chairwoman” ng TV-5 ang sumilip sa kanya habang naga-audition siya- in person of Ms. Wilma Galvante, TV-5’s head executive.

Bukod sa pagkanta, pinaarte rin si Josh at binigyan ng script. Maayos naman niyang nagawa ang mga pinagawa sa kanya that day.

Dapat sana’y kasama pa ang dalawang miyembro ng PILYO na sina Yasser Marta at Allison Assistio. Pero hindi na sila nakahabol sa auditions that day. May sakit yata si Allison at si Yas ay na-trapik along the way.

Masayang-masaya naman ang isang blogger (me- sssip*) sa piling ni Josh at ng manager niyang si Edwin Abayon that afternoon sa TV-5 TV compound. Napaka-edukadong bata ni Josh at napaka-desente, with proper breeding and sensible words kung magsalita.

Sa February 7, may concert si Josh with co-members of Pilyo sa Centro Escolar University. At sa Feb. 14 naman, Valentine’s Day, may concert din sila sa Amphitheater ng Ninoy Aquino Wilds Park. Talaga namang abalang-abala ang PILYO these days. 

 

(words by robert manuguid silverio)

josh with co-members of "pilyo"-aalison and yasser, together withkuya german moreno and their manager edwin abayon
josh with co-members of “pilyo”-aalison and yasser, together withkuya german moreno and their manager edwin abayon
pilyo!
pilyo!
sssip blogger with josh at TV-5 compound
sssip blogger with josh at TV-5 compound

me and josh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s